Chapter 5 - Palasyo

5K 140 61
                                    

Chapter 5

Jas Suarez

NAG-AAYOS AKO ng gamit na dadalhin dahil mayamaya lang ay darating na si Ron-Ron. Sari-sariling sasakyan ang dala papuntang palasyo at may parking lot lang na nakalaan para sa mga may dala. Masuwerte na lang kung malapit ang bahay ninyo sa palasyo.

Sa kaso ko, makikisabay lang ako dahil bukod sa wala pa akong sariling sasakyan ay hindi naman ako marunong mag-drive.

"Mag-iingat ka do'n anak, ha?" sabi ni mama. Pink cropped sweater ang suot ko with black high-waisted jeans na tinernohan ng itim na converse shoes. Inayos pa niya ang damit ko kahit ayos naman na.

Ang lapit lang naman ng palasyo pero alalang-alala siya. Noong una nga ay ayaw pa niya akong pasamahin. Pati si Papa ay ayaw akong paalisin kagabi pero dahil hindi ko sila pinatulog kapipilit ay sumuko na rin siya.

"Opo, Mama," sabi ko. Narinig ko na ang dalawang beses na tunog ng busina sa labas. "Sige po mama. Nasa labas na ang sundo ko."

"Sa susunod ay ipakikilala mo na sa 'kin 'yan, ha?" Naniningkit pa ang mga mata ni Mama habang nakatingin sa 'kin.

Umirap lang ako. "Sige na po, Mama. Bye!"

Tumakbo na ako sa labas at nakita si Ron-Ron. T-shirt na puti, itim na pants at white Fila shoes lang ang suot niya pero ang lakas na ng dating. Nakasandal siya sa isang Black Hyundai Avante habang nakapamulsa pa.

"Wow! May kotse ka na?" hindi ko maiwasang itanong. Lumapit ako sa kaniya at inabot naman niya ang dala kong itim na backpack.

"Hiniram ko sa tito ko. Sakay na!" Buti pa siya ay marunong na mag-drive. Sariling sasakyan na lang talaga ang kulang.

"Nandoon na sina Kimmey at Gelo. Tayo na lang daw ang kulang. Ang bagal mo kasi," aniya at nagsimula na sa pagmamaneho.

"Hindi ako mabagal 'noh! Hinihintay nga lang kita eh!"

Nang wala nang nagsalita sa 'ming dalawa ay binuksan ko na lang ang radyo ng sasakyan. Paminsan-minsan ay hindi na rin masama ang tahimik kaming dalawa kapag magkasama.

Dahil sa tugtog ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa harap ng palasyo. Marami na ang nakapila at sa tingin ko ay nagsisimula na silang magpapasok.

Pinila na ni Ron-Ron ang sasakyan sa parking lot malapit sa gate ng palasyo.

"Guys, umayos na ng pila! Hindi magtatagal ay bubuksan na ang gate," sabi ng adviser namin, si Ms. Flores.

Anim na klase lang ang magkakasama ngayon, ang mga third year sections A hanggang section F. Tapos sa ibang araw naman ang higher year.

Naghiwa-hiwalay na ang bawat sections upang hindi masyadong crowded. Sa harap namin ay may gate na gawa sa malalaking strip stones na may isang metro ang lapad at kalahati ang kapal. May dalawang kawal ang nagbabantay sa magkabilang dulo nito na may hawak na mga sibat. Pagpasok namin ay dilim ang bumungad sa 'min, tama lang upang makita ang daan. Ilang hakbang magmula roon ay bumulaga sa amin ang malawak na palasyo.

Napanganga ako habang pinagmamasdan ang kabuoan ng lugar. Para kaming pumasok sa isang time travel machine at dinala sa nakaraan. Wala akong makitang makabagong estraktura o kahit anong mga makabagong sasakyan.

Magmula sa gate ay bumaba kami sa batong hagdan. Ang mga tahanan na bumungad sa amin ay parang mga simbahan na patulis ang bubong at halos puro bintana ang mga pader.

"Sa pinakamababang parte ng palasyo ay ang mga tahanan ng mga Baron at Baroness. Ito ang mga titulong ibinibigay ng Mahal na Reyna sa mga taong karapat-dapat," pagpapaliwanag ng aming guro. "Maaari din sila na tawaging Lord o Lady. Sila ang mga mapagkakatiwalaang mga pamilya ng ating kamahalan. Maaari itong ipamana sa kanilang mga anak o kaya naman ay kapag ibinigay ito sa 'yo mismo ng nakatataas."

Arkania's Seventh PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon