Chapter 6 - Date

4.4K 127 62
                                    

Chapter 6

Jas Suarez

Simula nang mangyari sa 'kin iyon sa loob ng palasyo ay parang nagbago ang lahat. Bukod sa pakikitungo ni Ron-Ron ay nakararamdam ako ng kakaiba sa sarili at sa paligid ko. Nagiging paranoid ako na parang laging may nakasunod sa 'kin pero kapag titingin ako ay wala naman.

Isang beses ay nagtatakbo ako palayo habang pinagpapawisan nang malapot dahil sa sobrang takot. Ang kinalabasan tuloy ay na-sprain ang paa ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ron-Ron at tumingin sa malawak na soccer field. Nakasilong ulit kami sa isang puno at nagpapalipas ng oras bago umuwi. Masyado pa kasing maaga.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil hindi naman ako sigurado kung guniguni ko lang ba talaga sila. Ang sabi ko na lang sa kaniya ay nahulog ako nang umakyat ako sa upuan kagabi.

"Tyrone?" Napatingin kami pareho ni Ron-Ron sa nagsalita at literal na nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ginagawa niya rito?

Agad na tumayo si Ron-Ron sa pagkakaupo upang harapin ang bagong dating.

"Chesca?" Hindi ko maintindihan kung nganganga ba si Ron-Ron o ngingiti nang makita si Chesca.

Bigla lang silang nagyakapan sa harap ko. Dahan-dahan lang akong tumayo at pinagmasdan silang dalawa. Doon ko lang napansin na kasama pala ni Chesca si Eiji.

Nang kumawala sila sa pagkakayakap sa isa't isa ay napatingin siya sa gawi ko. "Nandito ka rin pala, Jas. Kumusta?"

Pilit akong ngumiti sa harap niya. "Okay lang naman ako," sagot ko. Binaling ko naman ang tingin ko kay Ron-Ron. "Gusto ko nang umuwi." Bigla akong nawala sa mood at kahit anong ngiti ang gawin ko ay sumisimangot pa rin talaga 'to.

"Hatid na kita sa inyo," sabi ni Ron-Ron.

Agad akong umiling. "'Wag na, may kausap ka iiwan mo lang." Pilit pa akong tumawa pero parang naging singhal lang ang dating niyon.

Sige lang, Jas, ipeke mo pa.

Nadismaya ako dahil bigla siyang nagdalawang isip pagkasabi ko n'on. Si Eiji ang nag-offer na ipasan ako kaya sumakay na ako agad. Wala akong ibang choice kundi sumama sa kaniya. Alam kong hindi papayag si Ron-Ron nang walang maghahatid sa 'kin dahil na rin sa lagay ng paa ko.

Bahala siya ro'n sa Chesca niya! Sumama siya sa first love niya. Wala akong pakialam! Mabuti na lang at pauwi na rin itong si Eiji.

Nang makalayo kami sa field ay agad akong nagsalita, "Ibaba mo na 'ko, wala na tayo sa field. Hindi na nila tayo kita." Pero ayaw niya akong ibaba. "Hoy, sabi ko ibaba mo na 'ko!"

"Narinig kita kaya 'wag kang sumigaw," mahinahong sabi niya pero ramdam ko ang diin. "Hindi kita ibababa hangga't wala ka sa bahay ninyo."

"Pero okay na ako rito, hayaan mo na 'ko," mahinang sabi ko pero ayaw niya makinig talaga.

"Hindi kita hahayaan gaya ng ginawa ng best friend mo."

Napatikom ang bibig ko. Wala akong maisip na pang-rebut!

"Nagseselos ka 'no?" tanong niya bigla.

"Hindi ako nagseselos! Gusto ko lang magkaroon sila ng time ni Chesca," sabi ko pero sa loob ay sobrang kumukulo ang dugo ko. Mukha naman siyang convince kaya 'di na ako ulit nagsalita.

"Saan ba ang bahay ninyo?" Dahil wala naman akong magagawa ay tinuro ko na lang kung saan at doon na lang niya ako binaba.

Tiningnan ko siya kahit na nahihiya ako. Dahil sa kaniya ay nakauwi ako nang buhay. "Salamat sa paghatid," sabi ko.

Arkania's Seventh PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon