Chapter 1 - The Pranksters

10.7K 229 370
                                    

Jinie Shirokin High
Oakwell Town, Golden Palace, Arkania
Kasalukuyan

Jas Suarez

"Hoy, Ron-Ron! Bilisan mo naman diyan baka mahuli tayo ng teachers," saway ko sa kanya. Ang bagal naman kasi niya. Naiinip na 'ko!

"Oo na! Ito na nga, Jah-Jah. Huwag kang mag-alala dahil mag-eenjoy ka mamaya," sabi niya sabay ngisi sa'kin. Iyan ang gusto ko sa kanya. Nakaka-excite!

Pinaplano lang naman namin kung paano iinit ang ulo ng principal namin. Siguro naman ay tama na ang pag-vandalize sa pinakamamahal niyang sasakyan, hindi ba? Balita ko ay regalo pa iyon ng kaniyang asawa. At isa pa, bagay lang ito sa kaniya! 

Matapos niyang i-reject ang proposal ng section namin ay kulang pa ang parusang ito. Hindi tuloy kami mapapabilang sa gaganaping patimpalak dito sa school namin. Minsan na nga lang kami maging interesado ay aalisin pa ang section namin. Porket kami ang pinakamababa at pinakamakalokohan! Tingin yata nila ay sisirain namin ang program dahil may mga taga-ibang school din ang sasali.

"Ayan na! Tara, baka mahuli pa nila tayo rito." 

Hinila niya ako para magtago sa mga halaman. Malapit lang kami sa entrance ng building namin para madaling tumakbo palayo. Panonoorin namin kung paano umusok ang tainga ni Mr. Irma kapag nakita niya ang pinakamamahal niyang Silver 2017 Subaru Forester. 

Palabas na ang principal namin at hinahanap ang susi ng sasakyan sa kulay pula niyang polo at sa itim na pantalon. Mukhang may date siya ngayon pero sorry na lang dahil tiyak na mag-aaway sila ng asawa niya. May pagkamataray pa naman 'yon.

Hindi naman kami nagkamali ng hula. Namula nga ang kaniyang mukha't lumabas ang kaniyang mga ugat sa noo habang nagsisisigaw sa galit. "Sino ang may gawa nito?!"

Tawa naman kami nang tawa ni Ron-Ron na pumasok sa building namin dahil baka abutan pa ng bell. Mahirap na. Siguradong sinisisi na rin niya ang mga staffs na naroon.

"Mukhang masaya kayo, ah?" tanong ni Kimmey, ang bestfriend ko. Kumpara sa brown at curly kong buhok na pinakulayan ko lang ay natural na blonde naman ang kanya. Hanggang beywang iyon at parang pina-rebond habang hanggang balikat lang ang sa 'kin.

"Masyado bang halata?" tanong ko. Naupo kami ni Ron-Ron sa bandang likuran.

"Kayo talagang dalawa! Kapag kayo nahuli, 'wag niyo kaming idadamay," sabi naman ni Gelo, boyfriend ni Kimmey at kaibigan ni Ron-Ron. Kung si Ron-Ron ay kulay itim ang buhok na nakahati sa gitna, kulay brown naman ang kay Gelo na medyo curly.

"Hindi pa kami nahuhuli ni isang beses. At wala kaming balak na magpahuli," sabi ni Ron-Ron habang nakangisi.

Naiiling na binatukan na lang ni Gelo ang kaibigan habang natatawa naman kami ni Kimmey sa kanila. Nagsimula na kaming magchikahan nang dumating ang teacher namin. Tumahimik ang lahat at nakita ko agad ang kaba sa mukha niya. Paupo na dapat siya pero hinatak ko ang taling hawak ko kaya... oops!

Napuno ng tawanan at hiyawan ang room namin dahil isa lang ang ibig sabihin nito... wala na namang klase!

"Tara sa canteen, Jah-Jah!" yaya ni Ron-Ron sabay hila sa akin sa canteen. Tutal gutom na rin lang naman ako ay nagpahatak na lang ako. Iniwan namin sina Kimmey at Gelo dahil paniguradong mas gusto nilang magsolo.

Um-order lang kami ng makakain at naghanap ng mauupuan. Tumaas ang sulok ng labi niya. May naiisip na naman ang isang ito na kalokohan. Ganito siya lagi bago gumawa ng kalokohan. Pero kahit madalas ko na siyang nakikitang nakangisi ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin sa mga 'yon.

Kilala ang section namin sa paggawa ng mga kalokohan kaya hindi na kami ang pinakamalala. Mayroon pang iba sa 'ming mas nakakatakot pa ang mga pranks. At sa totoo lang, ang tumal na ng mga pranks namin ngayon. Ewan ko ba kay Ron-Ron. Kung hindi rin naman dahil sa kanya ay hindi ako matututong gumawa ng kalokohan. Nasa section 1 pa nga ako dati. Hindi ko naman siya sinisisi dahil ako naman ang may gustong gumawa ng mga 'to. Sadyang nakakatuwa lang pala talaga kapag ginagawa mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon.

Arkania's Seventh PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon