Maymay's POV
"mahal na mahal din kita!" sagot niya sabay dilat at ngiti kay kay Edward.
"May, gising ka na? wala bang masakit sayo? wait tatawagin ko lang yung nurse, docto-r---" sabay tayo ni Edward akmang tutungo sa pintuan.
"Wait.. wait.. huminahon ka nga. Yes I'm fine no need to call nurse or doctor. Maupo ka nga muna masyado kang aligaga diyan!"
"Kasi naman pinakakaba mo ako e. Ang tagal mo kaya natulog simula kahapon pa!" reklamo nito sabay hawak nito sa kamay niya.
"Anong mahaba? nagising kaya ako kanina kaso wala ka. Ang gala mo kasi!" akmang kikilos siya para umupo.
"Huwag ka ngang kumilos baka mamaya bawal pa e!"
"Ang OA mo naman, uy nagpapahinga lang ako dahil nabawasan lang ako ng dugo hindi ako naaksidente. Umaayos ka nga!" wala rin naman nagawa si Edward kung di alalayan si Maymay para makaupo ng maayos.
"Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Gusto mo fruits? Ipagtatalop kita. Water gusto mo ba?" sunod-sunod natanong nito sa kanya habang hawak ang mansanas, kutsilyo, baso at balak pa niya kunin ang pitsil.
"Ang gusto ko bitawan mo yan at maupo ka dito?" sabay turo sa tabi niya sa may kama.
Tiningnan lang siya ng binata wari nagtataka ito sa sinabi niya.
"Ano titingnan mo lang ako? Ayaw mo ba akong yakapin man lang o kaya tabihan dito. Hindi pa naman ako ganun kabaho, isang araw lang ako nagmiss ng ligo. Grabe ka sa akin huh!" reklamo ni May .
"Hindi naman sa ganun kaya lang!" binaba nito ang mga hawak at lumapit sa kanya .
Umupo si Edward tabi niya at inakbayan si Maymay. Sinalat nito ang noo niya at pinakiramdaman ang katawan kung maiinit.
"Sigurado ka bang okay ka lang? As in wala masakit sayo?" tanong nito sa kanya.
"Oo naman! Bakit?" nakunot noo sagot niya sa tanong nito.
"Wala lang nakakapanibago lang kasi hindi ka naman ganyan ka clingy e! Minsan nga hahawakan ko lang ang kamay mo nagugulat ka pa!" halata sa mukha nito ang pagtataka.
"ano ka ba gusto ko lang naman nasa tabi ko ang boyfriend ko!" niyakap niya ang braso nito para maitago ang mukha dahil namumula na ito sa hiya.
"Boyfriend? Sinong boyfriend? Ako ba?" tila ang hina ng pick-up nito sa gusto niyang ipahiwatig. "Teka ..teka.. wait.. boyfriend muna ako you mean sinasagot muna ako. Kailan pa?" gulat na bulalas ni Edward.
"Kanina pa sana kung nakikinig ka lang. Pero sige maupo ka na doon binabawi ko na!" umarteng dismayado si Maymay.
"Wala naman bawian, yes kami nah!" masaya sabi nito at niyakap siya.
"I love you May, sobra!"
" Mahal din kita!" Niyakap siya ng binata.
Kumalas si Edward sa pagkakayakap sa kanya at kinulong sa mga palad niya ang maliit na mukha nito.
"Can't believed it na you are my girl na officially!" nakangiti ito habang patuloy na pinagmamasdan siya.
"Maniwala ka na tayo na kahit naglihim ka sa akin tungkol Kay Heaven!" biniro niya ito.
"May, is not what you think, ginagawa ko lang naman yun para Hindi ka na ma-stress sa kanya e. Ayaw ko man sana magkaroon ng kahit ugnayan sa kanya Simula ng malaman ko lahat ng pinaggagawa niya sayo Hindi ko lang naman matiis si baby Skye!" Paliwanag niya.
"Okay lang Hindi naman ako galit, naiintindihan ko naman yun iniisip nyo lang ako ni Marco!"
"Pero May, proud ako sayo, kasi kahit anong sama ng ginawa niya sayo tinulungan mo pa rin siya. Kaya lalo kitang minahal e!" Pinagdikit ni Edward ang noo nila ni Maymay.
BINABASA MO ANG
The Possibilities (COMPLETED)
ФанфикFive years from now, no one knows what happen to MayWard but as fangirl like me ang daming ideas pumapasok sa isip ko. Maybe I'm a trying hard fan and don't act my age. Yes I'm kindda old for this but what to do MayWard make me feel young. Ayaw ko l...