Chapter 2 {Babaeng Suman}

446 9 1
                                    

Chapter 2

"Hi girls!" sabi nung gwapong lalaki na nakangiti samin kanina ng makalapit na sya samin. Parang napatulala siya ng nakita ako. Napatitig siya saglit sa akin kaso nakabawi rin agad dahil tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang problema nito? Di kaya na love at first to sa akin?  Ay hindi noh!

O di kaya Naiinsecure guro siya sa akin dahil mas gwapo ako sa kanya hahaha

"Ang ganda nyo naman! I'm Andrew" so Andrew pala pangalan nya "and these are my friends, Chris, tristan, and..." hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil sumingit na yung isa

"I'm Vince!" sabi nya sabay ngiti at abot ng kamay para makipag shake hands

"Oh, I'm Cassandra, Cassie for short" Sabi ni cassie sabay abot ng kamay nung beans yata? baguio beans? Landi talaga nitong bestfriend ko

"At ano naman ang pangalan mo magandang binibini?" sabi ni baguio beans at hinalikan ang kanang kamay ko

"Hindi ako maganda! dahil gwapo ako at hindi rin ako binibini dahil lalaki ako kaya bitawan mo na yang kamay ko BEANS!" at binitawan naman nya ang kamay ko

akala ko nga magagalit sya eh, pero nabigla ako ng tumawa sya, silang apat at nakisali narin si Cassie

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

"Ano bang problema nyo! bakit kayo tumatawa? naka hithit ba kayo ng chlorine?" Iba na talaga ang mga tao ngayon no! Pati chlorine hihithitin.

"BWAHAHAHAHAHAHA" aba! lalong tumawa! galing guro to ng mental?

"Tumigil nga kayo! tingnan nyo pati bestfriend ko nadamay sa kabaliwan nyo" asar na sabi ko sa kanila

"alam mo miss, hindi beans ang pangalan ko, VINCE V-I-N-C-E at hindi kami nakahithit ng chlorine" sabi nya habang pinupunasan ang luha sa kakatawa

"Oo nga miss! baka ikaw!" sabi nung Tristan na mukhang sea urchin ang buhok

"Anong sabi mo sea urchin boy!?" sabi ko sakanya at pinandilatan ng mata

"OOOOH! SEA URCHIN DAW PRE? MAGPA-REBOND KA NA KASI PRE!" sabi nung Vince

"Tumigil na nga kayo! ang ingay-ingay nyo!" sabi ulit ni sea urchin boy, Sya lang kasi ang hindi madaldal sakanilang apat. well, Cute sya, Gwapo at napaka inosente nya. Wohooo! Kung babae lang ako crush ko 'to. Eh?! Babae naman talaga ako ah! URGH SHEEET! Ano ba 'tong pinagsasabi ko >< Lalake ako! Lalake ako!

"Hoy miss!" Biglang sumingit yung Chris

"Tumahimik ka! Para kang bakla! Tara na nga Cassie nakakabadtrip dito" hinila ko na si Cassie na ngayon ay parang tanga na tumatawa parin

"Teka lang miss! pahingi number nyo!" sabi nung Andrew na pogi at- ay! ano ba'tong pinagsasabi ko

"Ay wait lang Andrea" at biglang tumakbo si Cassie palapit sa kanila "Eto number ko oh" sabi nya sabay abot ng papel sa kanila na mukhang dun nakasulat ang number nya

[Andrew's POV]

"Oy pare! Tignan nyo yun oh! Ang ganda nung chick!" Turo ni Chris dun sa babae na naka-upo sa Café.

"Oo nga! Kaso kasama nya yung boyfriend niya" Sabi ni Vince.

Tinignan ko yung boyfriend nung chick na sinasabi nila Vince.

"Anakng! Eh babae yan eh! Tignan nyo oh ang taas ng buhok" Sabi ko sa kanila.

"Tara mga dude lapitan natin!" Ano pa bang magagawa ko. Tinignan ko si Tristan at napa kibit balikat lang siya.

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon