Chapter 19

203 6 0
                                    

CHAPTER 19

[Andrea's POV]

Bigla akong naalimpungatan ng may naramdaman akong may humahawak sa mukha ko

"Ang eyebrow medyo makapal na, may white heads pa, may muta pa, may panis pa ng laway! Eeeeew Andrea! Inaalagaan mo ba mukha mo? Nawala lang ako ng tatlong taon, naging disaster na yang mukha mo!"

Aba!

"Anakng--- FERNARDO?!"

"Anobanamanyaaaan Andrea! nakakalerke! hanggang ngayon FERNANDO parin ba?! *pout*"

"PIRNANDO?! IS DAT YOU?!"

"AY! kalerke ka Cassandra! di kita napansin dyan!" Sabi ni Fernando na ngayon ay si Frean na. Pinsan namin sya. Magkakilala din sila ni Cassie

3 taon na kaming hindi nagkikita nyan, pumunta kasi yan ng Australia para dun ipagpatuloy ang trabaho nya bilang fashion designer

Oo, fashion designer yan, ang ganda nya kasing magdesign ng mga damit at makikita mo talaga na fashionista sya kasi ang ganda nya manamit gaya ng suot nya ngayon, Naka na boots na kulay pink, naka skater skirt na kulay black at naka t-shirt na kulay white na may nakalagay na 'I'm Sexy and I Know It' fit na fit sa kanya yung suot nya na makikita mo talaga ang curve na curve nyang katawan, grabe baklita ba talaga 'to?

Wag nyo lang tignan mukha nya dahil baka maturn-off kayo hahaha joke lang XD pero kahit ganyan yan labs na labs namin yan

"Pano mo naman yan makikita eh nakabalot yan ng kumot kasi gusto daw nyang mapanaginipan si Chri--hmmmp!" Biglang tinakpan ni Cassie ang bibig ko

"he.he ang lamig kasi eh! kaya binalot ko ang sarili ko ng kumot" tinanggal na nya ang kamay sa bibig ko at tinignan ko sya ng masama

nginitian lang nya ako at sinabing "Tara na! nagugutom na ako, kakain na tayo!"

"Tss. Feel at home?" sabi ko sakanya

"Syempre! hahaha"

lalabas na sana kami ng kwarto ng biglang humarang si fernardo

"Heeeep! san kayo pupunta?"

"Sa labas, kakain" straight naming sabi ni Cassie

"Di kayo pweding lumabas na ganyan ang itsura nyo"

"At bakit naman?" tanong ko

"DAHIL MAY MGA SUPER POGI SLASH SUPER HOT SLASH SUPER BANGO SLASH SUPER ULAM FAFA SA LABAAAS! KYAAAAH!"

Anong problema ng baklang 'to? may patalon-talon effect pa

"Wala akong pakealam sa kanila dahil may Chis na ako!" sabi ni Cassie

"Chris? parang narinig ko ata yan kanina? Ay oo! sya pala yung gwapong lapastanag na tiniris mukha ko!"

"HAHAHAHAH! TINIRIS NI CHRIS------- CHRIIIIIS?!" napasigaw kami ng sabay ni Cassie

anong ginagawa nila sa bahay? andyan kaya si Andrew? weeee!

Ay p*ta! ano ba'tong pinag-iisip ko? alam ko namang pinagloloko lang ako ng gagong yun! Ako? magugustuhan nya? what a liar! psh! kalimutan ko nalang yung mga sinabi nya sa akin noon sa restort at yung pagnakaw nya ng HALIK ko! Waaaah! FIRST KISS KO PA NAMAN YUN T_T

"Hala! Maliligo lang ako!" sabi ni Cassie at agad tumakbo paputang CR

"Oh? anong tinutunga-tunganga mo dyan? Di ka man lang ba maghihilamos? May mga muta at panis ka pa ng laway oh! eeew kaderder!" Nandidiring sabi nya

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon