Chapter 5

315 8 0
                                    

CHAPTER 5

"Andrea gising"

naramdaman kong may umaalog saken

"Hoy Andrea gising, si Cassie to gumising ka na. Tanghali na oh"

"Mamaya na Cassie" 

teka? si cassie?! ba't sya andito

agad naman akong napabangon ng wala sa oras

"Bakit ka nandito?!"

"Kasi pinapasok ako?" Sacrastic na sabi niya

"Gaga! Ano nga ang ginagawa mo dito?"

"Nandito ako para gisingin ka. Let's go shopping!" Masayang sabi niya

"Ayoko! matutulog nalang ako ulit"  Ang ganda ng trip neto! Gigisingin lang ako para ayain mag shopping

Humiga ulit ako at pinatong ang unan sa mukha ko. Hmmm ang bango bango talaga ng unan. Dumidikit yung bango ng buhok ko sa unan.

"Ano baaa! wag ka ngang emo dyan! At alam mo bang muntik na akong maligaw dito sa mansion nyo!"

"Buti nga sayo"

"Grabe naman eto oh! Ay teka friend, ba't di mo sinabi sakin na magkakilala pala kayo ni andrew at yung mga baliw nyang kaibigan"

Agad naman akong napabangon

"Anong magkakilala? Kahapon ko pa nga lang sila nakita!"

"Eh? ba't nandyan sila sa sala nyo?"

"Ha? anong ginagawa nila?" Ano ka yang ginagawa nila dito? Baka sinundan ako. Huuuuuh?

"Nakikipag-usap sa kuya mo, close nga sila eh" Ay. Si kuya pala ang sadya nila.

"Ah, wala na akong pakealam sa kanila, baka kabarkada yun ni kuya"

"Oh sha, sige na maligo ka na dun para hindi tayo abutan ng gabi mamaya"

tinulak nya ko papasok sa CR

.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa walk-in closet ko at nagbihis

"Hep hep hep! san ka pupunta?" Bigla akong hinarangan ni Cassie

"Sabi mo pupunta tayong mall" Sagot ko. Ang labo niya! Kakasabi nga lang niya na magsho-shopping kami

"Oo nga pero ano yang suot mo? para kang pupunta ng market!"

"Che! wala kang pakealam dahil ito ang style ko!" Ito na naman siya. Pinapakealaman na naman niya yung suot ko

"Style ba tawag dyan?!"

"Grabe ka naman" sabi ko sabay pout

"Alm mo kasi, magpakababae ka na, ayusin mo na yung sarili mo, wag kang OA! dahil lang kay zach naging ganyan ka na, maraming lalaki hoy! tandaan mo yan, may Andrew pa"

"Mabuti pang magpakatomboy ako kesa maging syota ko yang Andrew na yan!" Yung Andrew? No way! Okay pa kung si Tristan.

"Baket? anong problema nyo saken?"

nagulat kaming dalawa ni cassie ng may narinig kaming nagsalita sa likod at bumungad sa amin ang mga gwapong nilalang na sina Tristan, Chris, Vince, Andrew at ang kuya Nikko ko

"Ha? ah.. w-ala, w-ala kaming p-problema sa'yo" utal-utal na sabi ni Cassie

"Eh ba't nyo pinag-usapan kaibigan ko? ikaw Andrea ha, wag mong sabihin nagbago ka na?"  Baliw tong kuya ko! Sarap batukan

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon