Chapter 13 {Night Swimming}

222 6 0
                                    

CHAPTER 13

[Andrea's POV]

"Bakit ngayon ka lang ha?!" Nakaka-inis talaga tong Andrew na'to! sana di nalang ako sumama dito

"Pasensya na po sir" kawawa naman yung waiter

"Bigay mo sa amin yung menu" sabi ni Andrew

"Eto na po sir"  Sabi nung waiter sabay abot ng menu kay Andrew

"Sige umalis ka na, tatawagin ka lang namin kung nakapili na kami"

"Okay po sir"

Ganyan ba talaga sya ka suplado? Grrrr! tinignan ko si Tristan na nasa gilid at ngayon ko lang nalaman na nakatingin na pala sya sakin

Nag ngitian nalang kami

Aaaaaah! Ang gwapo nyaaaaa at ang bait pa

Nagkatitigan lang kami sa isa't isa ng bigla na namang umepal yung isa

"Ehem! Baka mahipan kayo dyan" Tinignan ko sya na nasa harap namin at tina-asan ko ng kilay

nakaka-inis na sya ha! ang ganda na ng scene namin ni Tristan eh

Magkatabi pala kami ngayon ni Tristan, sya nasa kanan ko at si Cassie naman nasa kaliwa ko

pa round yung table namin at may anim na upuan na nakapalibot

ang nasa tabi ni Tristan ay si Vince na nagpapacute dun sa mga babae na nasa tabi ng table namin at yung mga babae naman ay halatang kinikilig din

ang katabi naman ni Cassie ay si Chris at nagtatawanan sila, ba't close sila agad? I smell something fishy...

At ang nasa harapan ko naman ay walang iba kundi si Andrew na nakatingin sa akin

Teka, nakatingin sa akin? pinang-dilatan ko sya ng mata kaya agad naman nyang iniwas ang tingin sa akin at humarap dun sa menu hahaha

tinakpan nya ng menu yung mukha nya, medyo kalakihan kasi yung menu kaya natakpan ang gwapo nyang mukha

eerr! What Did I Just Say? nakakasuka yung sinabi ko! eeeww!

[Chris's POV]

"Haaay, ang sarap talaga ng pagkain dito Andrew!" sabi ko habang hawak hawak yung tyan ko

"Oo nga, ang sarap" sabi din ni Vince

tinignan ko si Andrew na nasa tabi ko at nakita ko syang nakatingin kina Tristan at Andrea na naghaharutan

bwahahaha seloso talaga nito! hahaha

"Selos ka sakanila nuh?" Pabulong na sabi ko sa kanya

"H-hindi ah!" Utal utal na sabi niya. Hahaha

"Kunwari ka pa! eh tignan mo nga yang sarili mo oh! namumula ka na! hahaha"

"A-anong na-namumula?! h-hindi kaya!"

"Tignan mo? na-u-utal-utal ka pa nga dyan eh!" Pang aasar ko sakanya hahaha

"Ooy! eto naman! joke lang yun kanina. Pikon ka talaga" sabi ko sakanya, bigla kasing tumayo

"Lalabas muna ako" Paalam ni Andrew

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Vince

"Sa labas, magpapahangin at magmuni-muni dahil di maganda view dito. Baka magka sore eyes pa ako" Bago sya umalis, tiningnan nya muna sina Trastan at Andrea na sya namang ikinagulat nung dalawa

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon