Chapter 16

230 6 0
                                    

CHAPTER 16

[Andrea's POV]

*takbo*

*hinto* tingin sa gilid

*takbo*

*hinto* tingin ulit sa gilid

"Nasaan na ba yun? medyo madilim-dilim pa naman dahil malapit na gumabi" Para na akong baliw kinakausap sa sarili ko

*takbo*

*hinto* 

pagtingin ko sa gilid ay may nakita akong pamilyar na mukha, naka-upo lang sya sa buhangin ilalim sa coconut tree, pero bakit nya hinahampas ang mga buhangin? bakit parang galit sya?

[Third Person's POV]

"Haaaay! Ang sakit naman! Ay hindi! Ay uuurgh! Ewaan! Bakit nasasaktan ako na nag-uusap ngayon sina Andrea at Zach? Nag uusap lang naman sila diba? Wala nang iba"

Nakaupo lang si Andrew sa buhangin sa ilalim ng isang coconut tree 

"Maging sila kaya ulit? Pero ang alam ni Zach kami ni Andrea, Pero baka sabihin ni Andrea kay Zach na hindi talaga kami at baka may feelings pa sya kay Zach at baka.. at baka.. Uurgh Fvck!" Sabi ni andrew habang pinaghahampas ang buhangin ng may biglang nagsalita

"Hi"

"AAAAh!"

"Aray!"

Dahil sa gulat ni Andrew ay natapunan nya tuloy ng buhangin ang tao na nasa harap nya

"Hala! sorry miss, I'm so sor--, Andrea?" sabi ni Andrew at nagmamadaling tumayo

"Yung mata ko, napasukan ata ng buhangin" Sabi ni Andrea na nakahawak sa mata nya

"Hala sorry talaga!" Hinawakan ni Andrew ang kamay ni Andrea

Tinanggal nya yun ng dahan dahan, Ngunit nung pagtanggal nya ay natigilan sya at napatitig kay Andrea

Ano ba'tooo! ang awkward! sabi ni Andrea sa isip nya

Bakit ganito? bakit parang ayaw kung bitawan ang mga kamay nya? ang sarap nyang titigan. sa isip naman ni Andrew

Nakatitig lang sila sa isa't isa habang hawak hawak ni Andrew ang mga kamay ni andrea

[Andrea's POV]

"Aaahh, okay na ako" pagbasag ko sa katahimikan at tinanggal ko ang mga kamay ko na hawak hawak nya

iniwas nya ang tingin nya sa akin

"Ahh...ahmmm.a-ano.. ano pala sasabihin mo sa a-akin?" The heck! Why am I stuttering?!

"Ha?" sabi nya ng may pagtataka

"Aa-sabi mo kasi kanina may sasab--,"

"Aah wala, joke lang yun!" Nakangiting sabi nya. Inaasar ba ako nito?

Aba itong lalakeng 'to! takbo pa naman ako ng takbo para mahanap sya at ngayong nakita ko na, sasabihan lang nya ako ng joke lang daw yun?! nakakainis ha!

"Bahala ka na nga dyan! walang kwenta!"

aalis na sana ako ng bigla nya akong hinila at niyakap paharap

DUG DUG

DUG DUG

DUG DUG

Ba-bakit parang kinakabahan ako? kaba na ngayon ko lang naramdaman

Mas grabe ngayon kesa nung una naming pagkikita ni Zach. Crush ko na kasi si Zach noon pa, Noong una ko palang syang makita ay may gusto na ako sa kanya

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon