Chapter 14

213 7 0
                                    

CHAPTER 14

[Andrew's POV]

-After 2 days-

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nakita ko si Andrea na super hot at super ganda. At sa dalawang araw na yun, nag-iiwasan lang kami. Sa tuwing nagtatagpo kami dito sa resort, linalagpasan lang nya ako na para bang hindi nya ako kilala. Haaaaay

Ang tanga naman nung ex boyfriend ni Andrea, iniwan sya ng ganun ganun nalang

"Drew" Ay nakalimutan ko, kasama ko pala si Tristan dito sa isang cottage.

Kami lang dalawa ang andito ngayon dahil may sasabihin daw syang importante sa akin. Gaano ka importante ba yun?

"Bakit?" Sabi ko sakanya nang nakatingin parin ako sa dagat

"Gusto mo na ba si Andrea?" 

Nagulat at napalingon ako sakanya sa sinabi nya. Nakatingin lang sya sakin ng seryoso at parang naghihintay sa sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya

"Bakit?"

"Dahil kung wala kang gusto sakanya, liligawan ko sya" anong ligaw-ligaw pinagsasabi nito?

Huminahon ka lang aandrew, si Tristan kausap mo at kaibigan mo sya. Pero uuurgh! kainis! Ba't ba nya sinasabi sakin to?

"Pero ako ang ni-reto nyo kay Andrea diba para maging babae sya ulit? eh bakit mo pa sya liligawan?" Sabi ko sa kanya

"Pero di mo naman sya gusto diba? at liligawan ko sya dahil gusto ko sya" Diretsong sagot nya. Ganito ba talaga nya kagusto si Andrea?

"Ulitin ko yung tanong ko kanina, may gusto ka ba kay Andrea ha Andrew?"

Ano? ano na Andrew? tutunganga ka lang ba dyan at hayaan mong ligawan nya si Andrea?

h-hindi! hindi ako papayag!

"Hindi ko sya gusto pero mahal ko sya"

Heeeck?! anong mahal pinagsasabi ko?  Gusto ko lang naman sya ah!

Ah bahala na. pangangatawan ko nalang 'to

Narinig ko syang tumawa ng mahina

"Anong tinatawa tawa mo dyan?"  Tanong ko

"Kasi ang seryoso mo" Nang asar pa!

Bigla syang tumayo at tinap yung balikat ko 

"Pwes, kung gusto mo sya, sabihin mo na bago pa kita ma-unahan."

"Bakit mo sya pina-ubaya sa akin?"

"Dahil alam kong ikaw lang makakapagpasaya at makakapagpabalik sakanya sa dati at ayoko na rin na maulit yung nangyari sa ating dalawa noon. Ayokong mag away na naman tayo dahil sa isang babae"

Sa sinabi nyang yun ay bigla akong tumakbo

pero bago pa ako makalayo ay huminto ako dahil may nakalimutan akong sabihin sa kanya

"S-salamat Tristan"

"No problem bro. Nandun sya sa may swing"

Tumakbo na ako para puntahan yung babaeng gusto kong makita

Wala na akong pakelam kung sino yung mga nababangga ko. Di naman nila ako makilala dahil gabi na

takbo.takbo.takbo. hanggang sa nakarating na ako sa may mga swing

At nakita ko na sya, naka-upo mag-isa dun sa isang swing habang nakayuko. Parang nagbibilang kung ilang langgam ang dumadaan

Pero bakit parang malungkot sya? Lalapitan ko nalang sya

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon