Chapter 10 {Jogging}

239 6 0
                                    

CHAPTER 10

[Andrew's POV]

*Riiiiing *Riiiiing

Bwisiiiiit! Tuwing umaga nalang ba talaga may nang iistorbo sa akin?

"SINO NA NAMAN BA TO?!"

("Relax babe! Si Nikko lang to!")

"Nikko?! Ikaw na naman! Bakit ba palagi mo nalang ini-istorbo yung tulog ko?!"

("Gusto ko lang namang sabihin maraming salamat!")

"Huh?!"

("Sobrang maraming salamat sa pag make over kay Andrea kahapon! Da best ka talaga dude! Wahaha")

"Leche ka! Yan lang sasabihin mo?!"

("Oo bye!")

Gago yun ah! Ginising ako ng madaling araw para lang dun?! Tsaka anong make over pinagsasabi dun? Hindi ko yun minake overan no parang maging babae ulit! Ginawa ko lang yun para hindi kami makilala nung mga bakla! Bwisit na mga bakla yun! Kasalanan nya yun kung bakit ako hinabol ng mga bakla kahapon! Pero enjoy din naman siyang kasama. Crush ko na talaga siya,  hep hep! Crush lang huh wala ng iba.

Hindi naman ako gaya nung iba nuh na dine-deny nila yung feelings nila. Kahit alam na nilang may gusto sila dun sa isang tao, pilit parin nilang pinipilit sa sarili nila na wala silang gusto dun sa isang tao.

Be yourself mga dude! Magpakatotoo kayo. Naks! Haha

Takte 5am pa pala. Haay hindi na ako makakatulog ulit dito dahil nagising na ang diwa ko. Diwa? Hahaha

Kaya napagpasyahan kong mag jogging nalang.

.

.

.

Naglagay ako ng earphones.

NP: May Tama Rin Ako.

Naks! Hahaha feel na feel ko yung pag jogging nang may nabangga ako

"Ano ka ba miss?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"

"Ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo! Kitang nagkakarera kami dito!"

Teka... Parang familliar yung boses ah!

"IKAW NA NAMAN?!" As always, sabay na naman kami. Kailangan pa ba talagang magbanggaan kami bago namin makita ang isa't isa? Baka sa susunod yung sasakyan na naman namin ang magbanggaan

"Oy! Ikaw pala!" -Sabi nung isang lalake na kasama ni Andrea. Ito yung mga kasama nya kahapon sa mall

"Oo nga ikaw!" -sabi nung isa

"Hala oo nga! Ang saya! Haha" -sabi pa nung isa

"Pinagtagpo talaga kayong dalawa ng tadhana!" -sabi nung isa

"Oo nga! Haha ano nga pala pangalan mo? Tikoy?" -sabi nung isa.  Tsaka ano sabi nya? Tikoy pangalan ko?!

"Ano ka ba Koby! Pangalan yun ng manok mo eh! Bobo ka talaga!"

"Ay oo nga hehe. Namiss ko lang kasi si Tikoy hehe. Pasensya no bro ha" Psh talaga! Psh! Mga siraulo!

"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong nila

"Oo"

"Ako nga pala Khael, ito naman si Koby, Max, Lebron at James" Tapos isa isa nyang tinuro yung mga kasama nya

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon