Chapter 22

175 5 0
                                    

CHAPTER 22

[Nikko's POV]

"Saan ka pupunta kuya?" tanong ni Andrea sa akin, nasa sala kasi sya nanunuod ng movie habang naglalamon ng popcorn

"Dyan lang sa labas" sagot ko sakanya

"Sha labash? eh ba't bihish na bihish kah? Ang gwafo ah!" sabi nya habang nginunguya yung popcorn nya

"Matagal na akong gwapo no! Tss"

"Pero mas gwapo ako! HAHAHA---AAAHKKK! *cough* *cough*"

"HAHAHAHA AYAN KASI! sa sobrang katakawan na bilaukan!"

"Che! *cough* umalis ka na nga! ang pangit mo!"

"Hahaha sige na nga! bye!" 

"byeeeee kuyaaaa!"

-

Pagdating ko sa mall tinext ko agad si jazzie na andito ako sa starbucks naghihintay sakanya

saan ko nakuha number nya? Well, nasa akin kasi cellphone ni andrew dahil naiwan nya kagabi sa bahay sa sobrang kalasingan

mabuti nga walang password yung cellphone nya eh, kaya nahanap ko agad yung number ni jazzie sa contacts nya

"Uhmm" naramdaman kong may tao sa likod ko kaya agad akong tumalikod para makita sya

"Lyka?!" Nagulat ako ng nakita sya,

Si Lyka, ang nagig dahilan sa paghihiwalay namin ni jazzie

"H-hi Nikko! Long time no see! How are you?" bati nya sa akin

"Eerr, I'm fine, How about you?" napakamot nalang ako ng ulo, feeling ko kasi ang awkward

"Aaaw, Haha you didn't change! I'm fine too!"

"Mommy!" may batang babae na lumapit kay lyka, siguro mga 3 years old na sya. Ang cute nga eh

"Anak mo?" tanong ko

"Anak namin" may lalaki na namang sumingit sa tabi ni lyka at inakbayan sya

may mga lahing kabute ba 'tong mga to? bigla lang sumusulpot eh

"Uhmm Nikko, This is my husband William" tukoy nya dun sa lalaking umakbay sakanya na parang basketball player dahil sa tangkad

"Nikko pre"  kaPRE hahaha inabot ko na yung kamay ko para makipag shake hands sa kanya

"William" sabi nya sabay din abot ng kamay ko, mukha naman syang mabait

"And this is our daughter, Wendy" sabi ni lyka sabay buhat dun sa anak nya

"Hi Wendy!" bati ko dun sa anak nila

"eyow pooooo!" sabi ni wendy, ang cute cute 

"Aaah, mauna na kami nikko! nice meeting you!" sabi ni lyka sabay ngiti

Inaamin ko, ang ganda nya. Mukhang lalo nga syang gumanda eh, naging blooming

Pero di ko sya gusto noh! nagagandahan lang ako sakanya

"Mauna na kami pare" sabi ni william

"Babay pooooo!" sabi ni wendy

kinurot ko nga pisngi nya pero yung mahina lang, ang cute cute talaga!

kahit lalaki ako, mahilig ako sa mga bata. parang Bakla ba pakinggan? pero hindi eh! basta mahilig lang talaga ako sa mga bata

"Bye! ingat kayo" sabi ko sakanila sabay kaway

habang tinitignan ko sila papalabas ng starbucks ay may napansin akong babae na tumatakbo

parang si jazzie yun ah!

kaya sinundan ko sya

[Jazzie's POV]

Nandito na ako malapit sa starbucks ng may nakita sa loob, glass kasi yung wall ng starbucks kaya kitang kita ko ang nasa loob

si Nikko at lyka?! langya sya! pinapunta ba nya ako dito para lang dyan?

nakita kong may lumapit na batang babae sakanila

Anak nila?!

tumalikod muna ako para hindi nila ako makita

bakit ganito? bakit nasasaktan ako? pinapaasa nya lang ba ako?

Ano ka ba jazzie! ikaw kasi eh asa ng asa! pinapunta ka lang sa starbucks mag-a-assume ka na?

Ano ba kasi ang sasabihin nya? Iimbitahan ba nya ako para sakanilang kasal? Mahal na kaya nila ang isa't isa?

akala ko walang nangyari sakanila! Sabi nya walang nangyari sakanila, sabi nya hanggang halik lang daw yun, hindi nya daw alam kung bakit sya hinalikan ni lyka noon, at dahil daw sa lasing sya eh kaya hinalikan nya rin si lyka pabalik

Pero pwede naman nyang pigilan yun diba? pwede namang hindi sya magpadala dahil alam nyang girlfriend nya ako nun. At alam naman nyang may gusto si lyka sakanya

"Uuurgh sh*t!" tumakbo na ako palabas sa mall

pagdating ko sa parking lot

bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko ng may humawak sa braso ko

"Jazzie"

pinikit ko muna ang aking mga mata at pinunasan ang luha ko bago ako humarap sakanya

"B-bakit?" tanong ko sakanya without looking at his handsome face

"Hey, look at me!" hinawakan nya ang chin ko at pilit na hinaharap ang mukha ko sakanya pero nagpupumilgas ako

"Ano ba!" sabi ko sabay tapik ng kamay nya

"What happened? bakit ka umiiyak?" tanong nya

"Hindi ako umiiyak" sabi ko

"diba sabi ko pumunta ka sa starbucks dahil mag-uusap pa tayo"

"Ahmm, masakit kasi pakiramdam ko kaya hindi na ako tumuloy, at total may kausap ka na naman"

"Ha?"

"Wala! sige mauna na ako" 

papasok na sana ako ng kotse ng naramdaman kong may yumakap saken mula sa likuran ko

I can feel his breath on my ears at may binulong sya

"Diba sabi ko sa'yo walang nangyari sa amin ni lyka. Yung nakita mo nung gabing yun hanggang dun lang yun, nagawa ko lang gumanti sa mga halik nya dahil nga lasing ako at hindi ko alam ang ginagawa ko. Alam kong kasalanan ko yun dahil pumatol parin ako kahit may may mahal na ako. I'm so sorry jazzie, sana mapatawad mo na ako. ikaw lang ang mahal ko, Please forgive me"

bigla nya akong hinarap sakanya at tinitigan ako sa mata

parang matutunaw na yata ako sa titig nya

"Jazzie please, Give me an another chance. Hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko, mahigit dalawang taon na akong nagtiis sa pag-alis mo, at sa mahigit na dalawang taon na yun ay hindi parin nagbago ang pagmamahal ko sa'yo. Hinding hindi na ako papayag na umalis ka pa."

bigla ko syang niyakap at kusa nalang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko

"Mahal na mahal kita jazzie, Ikaw lang talaga"

"Mahal na mahal din kita Nikko at hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo"

nagtitigan lang kami sandali and after that, Our lips met, We're sharing a passionate kiss like there's no tomorrow

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon