Chapter 32 [ChriSsie & VinCole]

110 1 0
                                    

Chapter 32

[Cassie's POV]

Proud na proud akong tumingin sa sarili ko sa full length mirror dito sa walk-in closet ko.

ANG GANDA KOOO! KYAAAAH *^_^* Naka floral dress ako at naka curl ang dulo ng buhok ko. Grabe ang taas na pala nang buhok ko, hanggang bewang

naglagay lang ako ng konting lip & cheek tint sa lips at cheeks ko. Alangan naman sa ilong ko ilalagay? Lip & Cheek tint nga eh. Tsaka ayaw ko naman ng masyadong makulay ang mukha ko no,

ayaw kong mag mukhang coloring book ang mala-baby face kong mukha. 

"Cassandra! naghihintay na yung gwapong manliligaw mo sa labas"  sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko

tiningnan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin tsaka lumabas

"Woooow! Ang ganda ng baby kooo *0*" 

"I know mom. Sa'yo nga ako nag mana diba?" sagot ko kay mama

"Eh pano naman ako? Gwapo naman ako ah" nagulat ako sa nagsalita at napatingin sa likuran ni mama

"Daadddyyy! Kelan ka pa naka-uwi?" agad akong pumunta kay daddy para yakapin siya

"Kaninang umaga lang, kasama ko ang mga kuya mo" agad akong napatingin kay daddy sa sinabi nya

"Po? Sila kuya?" Umuwi rin pala sila kuya? matagal tagal din kaming hindi nagkita ng mga ugok na yun. Palagi kasi silang sumama kay daddy kapag may business trip. Kahit mga baliw yung mga yun responsable at seryoso din yun pagdating sa mga business namin.

"Oh bumaba ka na anak dahil kanina pa naghihintay yung manliligaw mo sa labas" tukso ni mommy

"Ano ka ba ma!" nakakahiya! andyan pa naman si daddy

"Ang laki na talaga ng baby namin" 

"Daddy naman eh"

"Bumaba ka na anak dahil andun yung mga kuya mo sa baba, baka ano na ang pinagsasabi dun sa manliligaw mo." Sabi ni daddy.

Nagmamadali akong tumakbo pababa. GOSH! Yung mga tukmol na yun! baka ano na pinagsasabi nila kay chris, daig pa naman ang babae nun kung makipag chikkahan. Parang pwet ng manok yung mga bunganga ng mga yon eh


"BWAHAHAHAHAHAHA" tawa agad ng tatlong lalake ang nadatnan ko sa sala.

At aba ang Chris prenteng naka upo sa sofa habang napapagitnaan ng dalawang baliw. Tawa ng tawa silang tatlo habang busy sa pagbubuklat ng photo album. Parang mga baliw! Photo album pinagtatawanan.

"Tignan mo si bunso dito oh, ampanget! HAHAHA parang baliw! nakapanty lang tsaka ginawang sumbrero ang tabo" turo ni Kuya Lance sa hawak nyang photo album. Siya yung pinakapanganay sa aming tatlo

"Eto ang pinakamaganda! Tignan mo ang mukha naka bungisngis kahit maraming tsokolate na nakadikit sa ngipin HAHAHA Batang may laban!" turo naman ni Kuya Cyriel sa hawak nyang photo album. Si Kuya Cyriel naman yung pangalawa. 1 year lang agwat nilang dalawa. 24 si Kuya Cyriel at 25 naman si Kuya Lance.

Si Chris naman tawa lang ng tawa.

Grabe, kawawa naman yung bunsong kapatid nila, pinagtitripan....

SH*T!

B-bunso? Pho-photo Album?! OW FVVVVCK!



>_<¦¦




Q_Q




%>_<%

PHOTO ALBUM?!


Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon