Chapter 9 {Horror House Part 2}

260 7 0
                                    

CHAPTER 9

[Andrea's POV]

Wait.... Did I just say Horror House??? O_o

"Ano problema mo? Ba't bigla kang namutla jan? Don't tell me takot ka sa horror house? Hahaha"

"A-ako hindi noh! B-bakit naman ako matatakot jan!" Pero sa totoo lang, naiihi na talaga ako sa takot. Oo takot ako sa mga mumu, waaah mommy help me T.T humanda ka talaga saken kuya pag-uwi ko!! Grrrr

"Sabi mo yan eh, edi halika na!" 

"W-wait. Wag nalang dyan!" Sabi ko

"Bakit?"

"Aaah..ano eh k-kasi. Ang daming nakapila oh!" Turo ko dun sa mga taong nakapila.

Bakit ba maraming gustong pumasok dyan sa horror house dyan? Wala namang premyo jan ah! Mamatay ka lang sa gulat dyan at mauubos lang boses mo sa kakatili.

"Problema ba yun? Halika na!" Hindi na ako nakapalag kasi hinila na naman nya ako.

May kinausap sya na isang staff dun na nakatayo sa labas at pagkatapos nya kausapin yun ay nilapitan nya ako.

"Pasok na tayo" sbi nya

"H-ha? Ah.. eh hindi ba tayo pipila?"

"Kilala ko yung may-ari nito kaya halika na! Masaya to hahaha" at kinaladkad na naman nya ako papasok. Waaaaah! Papasok na kami sa horror house!

"Aaaaaah!"
"Waaaah mamiiiii!"
"Waaah! Fvck you ang panget mo!"

Tili agad ang narinig ko pagkapasok namin. Huhuhu nanginginig na yung mga tuhod ko

"Hoy! May rayuma ka ba? Ba't ka nanginginig dyan?" Agad akong napaayos ng tayo sa sinabi nya

"Huh?! Wala nuh! Bakit naman ako manginginig?! Eh mga fake naman yang mga ya---"

"Boooh!"

"WAAAAAAAAAH!!"

[Andrew's POV]

Nakapasok na kami ngayon sa horror house. Wooooh! Masaya toh! Mabuti at kilala ko tong may-ari ng horror house na to kaya di na namin kailangang pumila

Tinignan ko si Andrea sa gilid. Wahaha nanginginig yung tuhod. Halatang takot. Ngayon makakasingil na ako sa ginawa mong pagsuka sa akin nyahahaha. Walang crush crush sa taong gustong gumanti! Nyahaha

"Hoy! May rayuma ka ba? Ba't ka nanginginig dyan?" Hahaha ang epic ng itsura nya!

"Huh?! Bakit naman ako manginginig?! Eh mga fake naman yang mga ya--"

"Boooh!"

"WAAAAAAAAAH!" Bigla syang napasigaw at napakapit sa braso ko. Pano kasi may biglang lumabas na mananaggal sa gilid nya

"Hahahahaha" Sana nagdala ako ng flashlight para mailawan yung mukha nya, di ko tulot nakita yung itsura nya nung sumigaw sya. Konti lang kasi ang ilaw dito sa loob, kulay red pa.

"Waaah lalabas na akooo! Ayoko naaa!" Hinihila nya yung damit ko. Wahaha parang bata. Ano ka ngayon? Hahaha

"Akala ko ba lalake ka? Bakit takot na takot ka dyan?" Sabi ko sakanya.

"Eh sa matatakutin ako sa multo eh! Ilabas mo na ako dito Andrew please"

"Don't be scared, I'm here" Tinignan ko yung itsura nya at mukhang kumalma naman sya.

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon