Chapter 24

192 6 0
                                    

CHAPTER 24

[Nikko's POV]

Andito ako ngayon nakasandal sa kotse ko habang naghihintay sa labas ng bahay nina andrew para sunduin si jazzie

grabe, hindi talaga ako makapaniwala na naging kami ulit, mabuti at binigyan nya pa ako ng chance na maging kami ulit

biglang bumukas yung gate nila na nasa harapan ko lang at inilabas nito ang pinakamamahal kong babae

she's wearing a black and white stripe short and on her top is a white corset

she's smiling, exposing her dimples.

Tinignan ko sya ng seryoso habang naglalakad papalapit sa akin

"Bakit ganyan ang suot mo? ang iksi-iksi ng short mo, para ka nang mahuhubaran dyan sa damit mo. Baka pagpyestahan ka ng mga lamok dito sa labas. Sana jeans and blouse ka nala---"

hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil hinalikan nya ako sa labi bigla

"Ayan ka na naman eh. Para naman sa'yo to eh, para magmukha akong maganda sa harapan mo at para hindi mo na ako ipagpalit sa ibang ba---"

sya naman ang hindi ko pinatapos magsalita at hinalikan sa labi

"Ayoko kasing bastusin ka ng manyak dito sa labas. Wag kang magalala dahil maganda ka parin naman kahit anong suotin mo, You'll always be beautiful in my eyes at hinding hindi kita ipagpalit sa iba dahil ikaw lang mahal ko"

Bigla syang tumawa at kinurot ako sa pisngi

"Ang cheesy mo talaga kahit kelan" sabi nya saken

"Sa'yo lang naman ako ganito" sabi ko sakanya sabay kindat

"Halika na nga" aya nya

*Tsup*

"Ba't mo ko hinalikan?" tanong nya sa akin

"Sabi mo halikan kita" 

"Ang sabi ko Halika na nga hindi halikan mo ko" paglilinaw nya, ang cute lang nya

"Sorry haha"

"Gusto mo lang maka chansing eh!" sabi nya hampas ng mahina sa balikat ko

"So saan mo gusto mag date?" tanong ko sakanya

"Punta muna tayo sa bahay nyo" sabi nya

"Bakit?"

"May sasabihin lang ako sa kapatid mo"

"Wow ha magkakilala na kayo"

"Dahil kasi kay andrew! hindi mo man lang kasi ako pinakilala sa kapatid mo" sabi nya sabay pout

"Wag ka nang magtampo. Tara na sa bahay ipapakilala kita sa kanya"

"Ngayon mo pa lang ako ipapakilala. Kung hindi siguro ako nagsabi sa'yo na hindi mo pa ako napakilala wala ka sigurong balak na ipakilala ako sakanya sa kanya"

hinarap ko sya at hinalikan sa noo

"Hindi naman sa ganun, alam mo namang palagi syang busy sya sa paglalakwatsa noon diba kaya hindi kayo nagkikita, wag ka ng magtampo dahil kilala ka naman na nina mommy at daddy , diba nga pinakilala kita sakanila dati?"

"Oo nga noh? asan pala sina tita at tito?" tanong nya saken

"Umalis na naman para asikasuhin business nila" malungkot na sabi ko

"Wag ka nang malungkot, nandito naman ako eh. At para naman sa inyo yung ginagawa ng parents nyo"

"Ano pala sasabihin mo sa kapatid ko?" pag-iiba ko ng topic

Ang Girlfriend kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon