Prologue

228 1 0
                                    


"Sige, iere mo" sigaw ng komadrona. Napakapit ng mahigpit si Soledad. Sobrang sakit na talaga. Pero kailangan niyang kayanin. Kailangab mabuhay ng batang ito.

Isang iyak ang pumalahaw sa buong kubo na tinutuluyan nila.

"Babae!" Sigaw ulit ng komadrona.

Nilinisan niya ang bata at itinabi sa hapong-hapong si Soledad. Pero para kay Soledad, mas mahalaga ang batang nasa tabi niya kaysa sa lahat ng paghihirap na dinanas niya at dadanasin pa niya. Ganito marahil ang damdamin ng isang ina sa wari niya. Ang pakiramdam ng matinding pagmamahal sa isang nilalang sa mundo. Mas higit na pagmamahal na pwede mong ibigay kahit kanino.

Mali man ang naging mga desisyon niya, hindi siya nagsisisi nang masilayan niya ang napakagandang anghel sa bisig niya.

"Mahal na mahal kita anak. Abigail" saad niya sa munting anghel nasa tabi niya.

Pansamantalang kinuha nila muna ang bata sa kanya. Binalot nila ito sa isang tuwalya at ibinalik sa kanya.

Lumipas ang mga araw. Namuhay sila ng maayos ng kanyang sanggol. Isang araw habang abala siya sa pagpapasuso kay Abby ay may isang taong biglang nagpunta sa kanilang bahay.

Lumabas si Soledad at laking gulat niya ng mapagtanto kung sino ang kaharap niya.

"Soledad." Tawag sa kanya ng lalaking akala niya ay hindi niya na kailan paa makikita. Bumaling ang tingin nito mula sa kanya papunta sa sanggol na karga niya.

"Siya na ba? Siya na ba ang anak natin?" Tanong ng lalaki sa kanya.

Napatango na lang si Soledad at hindi na lang niya namalayan ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata.

Lumapit ang lalaki kay Soledad at niyakap siya at kinintalan ng halik ang kanyang munting anghel.

"Ben?" Tawag niya kay Benjamin. Waring puno ng alinlangan ang tinig niya.

"Kayo ang pinili ko." Sagot ni Benjamin.

Isang yakap ang ginawad ni Ben para kay Soledad. At alam ni Soledad na magiging masaya siya...

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now