First Encounter

88 1 0
                                    

Abby's pov

Nakarating kami sa club at aroind 11pm na. Kumain muna kami sa labas courtesy ni Monica. After that ay nagdecide kami pumunta sa bahay ni Jenna para magbihis.

Mayaman si Jenna at unica hija. Nag-iisang anak na babae at pinapalibutan ng mg bruskong mga kapatid niya.

Iginiya niya kami sa kanyang kwarto papunta sa kanyang napakalaking walk-in closet. Sa talambuhay ko, ngayon lang talaga ako nakakita ng ganito karaming damit kaya amaze na amaze ako.

Hinila ako ni Jenna sa isang closet ng mga damit at nagsimula na siyang kumuha ng isa at tiningnan sa akin. Nakailang hila at balik din siya nang sa huli ay isang black venus-cut dress na may color purple na accent ang itinapat niya sa akin. At sa isang kamay niya ay isang black tube top dress ang hawak niya. Tahimik lang ako habang siya nagpabaling baling ang tingin sa dalawang damit na hawak niya waring hirap na hirap sa pagpili.

"Try both of these Abby. Tingnan natin kung alin ang mas bagay." Utos ni Jenna.

Kinuha ko ang dalawang damit at sinukat. Inuna ko ang itim na tube at lumabas. Lahat sila ay napailing habang tinitigan nila ako. Kahit naman ako ay di sang-ayon sa damit na iyon. Halos lumuwa na ang kaluluwa ko sa sobrang skimpy. Bumalik ako sa dressing room at isinukat ang pangalawang damit. This time paglabas ko ay lumawak ang mga ngiti nila. Pati narin yata si Tori na tahimik lang sa tabi ay nagthumbs up tanda ng kanyang pagsang-ayon.

"Wow Abby! Bagay sayo." Halos sabay nilang bulalas sa akin. Napatitig ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarili ko.

Bagay nga. Maganda ang hapit ng tela sa katawan ko. Enough lang para maemphasize ang mga assets ko na hindi ako mababastos. Nasa tamang haba lang skirt nito na hindi naman gaano maikli pero hindi naman parang manang sa haba.

"Perfect! And with these mas lalong tingkad ang beauty mo Baby girl" sabay pakita ni Jenna ng isang black gladiator shoes na 4 inches ang height ng cigarette heels nito.

Nagmake up na kami at nagsimula nang maghanda sa pag-alis. Nagpunta kami sa isang bar. Pagpasok namin ay kitang punong puno na ng mga tao. Nagtungo kami sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang reserved seats namin. Habang papunta doon ay maraming mata ang nakatingin sa amin. Sino ba ang hindi? Sa ganda ba naman ng mga kasama ko, hindi pa sila mapapatitig? Not to mention, may mga pangalan na sa kani-kanilang karera ang mga kasama na nakadagdag ng kasikatan nila.

"Diba si Monica Larson ba yun?" Rinig ko bulong ng ilan sa mga babaeng nandoon. Napatingin lang ng matalim si Monica sa kanila at parang maamong tupa silang nanahimik.

Nakaabot kami sa table namin at kanya-kanya nang order ng inumin ang bawat isa. Dati hindi ako umiinom ng alcoholic drinks pero nang kalaunan ay natuto na rin ako. Pero nililimit ko lang ang sarili ko with cocktails dahil madali akong malasing sa hard drinks.

Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan ng biglang may lumapit na lalaki table nila. Gwapo ito at matangkad. Singkit ang mata at maganda ang ngiti. Napangiti rin si Monica parang kilala niya ang lalaki.

"Alex! What pleasant surprise! So where's my brother?" Tanong ni Monica.

Lalo lang lumapad ang ngiti ng lalaki at hinalikan si Monica sa pisngi. "He's just around the corner Nica. Might be meeting couple of friends to talk bout business. You know your brother."

Napasimangot na lang si Monica at hinugot ang cellphone sa kanyang purse. May dinayal siyang numero at habang ginagawa niya iyon ay hindi maipinta ang kanyang mukha.

"Hello Jason Joseph Larson! I know you saw us enter this bar. Don't send some of your friends as your proxy. If you dont send your ass up herebin 2 minutes you bet hell will break lose!!"

Nakakatakot naman itong si Monica maging kapatid. Biruin mo takutin ba naman ang kapatid niya. Akala mo naman batang paslit ang kausap niya. Napahalakhak na lang si Tori sa inasal ng pinsan niya. Nagulat na lang kami na may isa pang lalaki ang dumating sa table namin.

Higit na mas gwapo at mas matangkad kay Alex. He has brownish blonde hair, a chiseled jaw and not to mention the physique. But what is nice about this guys face is his eyes that is framed with long lashes and ano nga ang klase ng blue yang mata niya? Ah tama. Cornflower blue. Ang ganda pagmasdan ng mata niya parang pinagmamasdan mo ang langit sa pagkabughaw nito.

Ibinaling ko ang paningin ko sa ibang bagay ng maramdaman kong napatitig na siya sa akin. Pero teka ito na ba ang sinasabi nilang si Jason Joseph Larson? Ang soon to be king ng food industry? Kapatid ni Monica?

"I would really have to scare you off just so you can come let your beloved sister see you." Hindi ko alam na may ganitong side pala si Monica. Parabg ginawa niyang 7 years old si Jason sa paghila sa dalawang pisngi nito. Si Alex naman ay tawa ng tawa sa tabi ni Jason.

"Hey! That hurts Nica!" Reklamo ni Jason. Masakit nga naman ang ginagawa ng ate niya.

Binitiwan na ni Monica si Jason at napahalukipkip sa upuan niya. Napakamot na lang sa ulo si Jason at sinuyo na ang kapatid niya.

"Hey Nica, sorry. I just caught up with some friends down there. Hey, stop sulking will you? And wont you want to introduce me to your friends?" Napatingin si Jason sa gawi ko at ngumiti.

Napayuko ako sa pagtitig niyangvyun. Hindi ko maintindihan pero bigla akong tinamaan ng hiya.

Sumama na sila Alex at Jason sa table namin upang mag-inuman. Tumabi si Alex kay Monica samantalang si Jason naman ay tumabi sa akin.

Sa kalagitnaan ng inuman ay lumapit ang mukha ni Jason sa akin. Nanigas ako sa proximity ng mukha niya tenga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa bandang leeg ko na mas lalong nagpakaba sa akin.

"How come I dont know you yet pretty baby?" Tanong niya sa akin. Malapit pa rin ang mukha niya at kapag hinarap ko siya ay siguradong mahahalikan niya ang labi ko sa sobrang pagkalapit.

Napalunok na lang ako at kinuha ang glass ng cocktail para inumin ito. Naramdaman kong lumayo ang mukha niya at noon ko na lang siya nilingon. Nakatitig pa rin siya sa akin waring naghihintay ng sagot ko.

"I've been busy. Never had a chance to meet you whenever you're in town. Anyways, I'm Abigail" mahina ko saad sa kanya.

"Okay. Nice to meet you Abigail."

Bumaling na siya ulit sa iniinom niya at hindi niya ako ulit kinausap. Ang bilis ko namang maging invisible. Hindi ko na lang din siya pinansin. Napahaba pa ang usapan namin ng mapansin na naming lasing na si Monica. Nagdecide na kaming umuwi. Inakay ni Jason ang kapatid niya sa sasakyan ni Tori. While ako naman ay sumama kina Jenna dahil doon ako matutulog sa bahay ni jenna.

Nasa bahay na kami ni Jenna at naghahanda na akong matulog. Pinagamit sa akin ni Jenna ang guest room niya sa akin. Ang ganda talaga ng bahay ni Jenna kasi pati ang guest room may sariling bathroom with bathtub. I indulged my self at pinuno ang tub ng maligamgam na tubig. At doon ay sumampa ako. Nagbabad ako for 30mins at pagkatapos nun ay.nagbihis na rin. Mabuti na lang ay may extra clothes na prinovide si Jenna.

Hihiga na sana ako ng may tumawag sa cellphone ko. I picked it up and an unknown number registered. Sinagot ko ito.

"Hi. Sorry to be a little rude earlier. It's Jason by the way, got your number from Tori." Sabi ng kabilang linya.

Ewan ko pero may nararamdaman akong kakaiba sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Nalilito ako kasi first time ito para sa akin.

"Oh Jason. It's nothing I cant remember when you've been rude." Sagot ko sa kanya.

"Well, anyway I just called if you would want to come for lunch tomorrow? If you want to."

Napaisip ako sa tanong niya. Well, wala naman sigurong masama kung sasama ako sa lunch. Kaya lang kailangan kong tulungan si Mama sa bahay. Hindi naman siguro ito magagalit kung tatanggihan ko siya. Hindi naman kami close.

"I'm sorry Jason but I have another appointment to attend to. But thank you for the invite."

He said okay at naiintindihan daw niya. Hindi na rin nagtagal ang conversation namin. Not thinking na matatagalan pa ang susunod...

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now