Aftermath

76 3 1
                                    

Abby's pov

Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Masakit ang ulo ko at ang buong katawan ko.

Ano bang nangyari kagabi?

Sinubukan kong umupo at sinalat ang ulo kong parang binabarena sa sakit. Wala ako masyadong matandaan sa pangyayari kagabi.

Kinusot ko ang aking mata at sinubukang tingnan ang nasa paligid ko.

Shit! Nasaan ako?

Oh no! Anong nangyari kagabi? Alalahanin mo Abby.

Mas lalo pa akong kinabahan nang makita kong wala akong ni isa mang saplot sa katawan ko.

Hindi pamilyar sa akin ang kwartong kinapaparoonan ko ngayon. Mag-isip ka! Anong last na nangyari sa naalala mo?

Sa dagat, kasama ko si Jason. Umiinom kami. Nalasing kaming dalawa and then... Oh no! We kissed torridly and then he carried me.

Oh god... What have I done?

Nasa ganoong estado ako nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. At doon na nga nakumpirma ang kanina ko pa kinakatakutan.

"Hmmm" ungol ni Jason habang ang kamay niya ay pilit inaabot ang katawan ko.

"Jason! Gumising ka!" Sigaw ko sa kanya. Panic mode na talaga ako. Alam kong isang malaking katangahan itong ginawa ko.

Shet talaga!

Umungol ulit ang katabi ko at unti-unting iminulat niya ang mata niya. Ayun na naman. Nakita ko na naman ang magandang bughaw na mata niya. Iyan ang may kasalanan eh.

Tuluyan niya nang binuksan ang mata at ngumiti. "Good morning gorgeous."

"Huwag mo kong idaan sa pacute ha!" Singhal ko sa kanya.

"What did you do to me?" Marahas kong tanong. Puno nang takot ang puso ko ngayon. I will never imagine that I will be committing this kind of mistake. This is so wrong in all levels.

"Hey sweetheart chill." Alo sa akin ni Jason. But how could I?

"May nangyari sa atin?" Alam ko naman ang sagot pero tinanong ko pa rin.

"I know that what we did last night was inappropriate but in my defense, we both loved what we did Abby."

Tuluyan na akong tumayo at hinila ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan.

"No! This is an atrocity. Ang tanga ko talaga!"

Tumayo na rin si Jason at hinarap ako neverminding his nakedness. Inilayo ko ang mata ko nang manotice ko.

"Magbihis ka nga!" Singhal ko ulit sa kanya.

"Ano ba ang ikinakahiya mo? Nakita mo naman iyan at nahawakan." Sagot ni Jason.

"Naku, napakatanga ko talaga!" Hindi ko maiwasan ang hindi matakot. Kahit paano ay alam ko ang konsekwensya nito.

Hindi kami gumamit ng proteksyon. Pwede akong mabuntis. Marami pa akong pangarap. At kung hindi man ako mabuntis tiyak pag nalaman ito nila tita ay siguradong ako at ang ina ko na naman ang sentro ng usapan ng pamilya.

How could I be careless?

"Hey Abby. What's wrong? Kung inaalala mo na baka malaman ng iba, I could be discreet. Promise. Kung gusto mong gawin sikreto ito, okay lang sa akin. Pero kung ako ang tatanungin, siyempre gusto kong may maging kasunod ito."

Dagli akong humarap sa kanya. Anong pinagsasabi niya?

"Anong sinabi mo? Kasunod? Ni wala nga tayong relasyon Jason. What are you saying? Nababaliw ka ba" singhal ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now