Good Daughter

146 1 0
                                    

Abby's pov

"Congratulations anak!" niyakap ako ng mahigpit ni mama.

Sa wakas nakapasa na rin ako ng board exams. Ito na nga ang isa sa maituturing kong pinakamasaya kong araw sa buhay.

Sa wakas, lisensyado na ako! Makakapagsimula na talaga akong manggamot.

Bata pa lang ako, I've always see myself caring for others. Marahil nga siguro ganun na talaga ang kinagisnan ko. My father was a nurse at ang mama ko ay isang yaya. Nasa dugo ko na talaga ang magcare.

Hindi naging madali ang lahat  para sa amin. My father was supposed to go to UK para magtrabaho doon. Pero hindi natuloy ng mabuntis si mama.

Tutol ang pamilya ni papa  sa relasyon nila mama. Kasi nga daw isang pobreng probinsyana lang daw ang mama ko. Kaya nga nang nalaman ni mama na buntis siya ay umalis siya. Pero si papa, sa tindi ng pagmamahal niya kay mama, ay hinanap ito at yun nga nagpakasal sila.

Naging masaya ang pagsasama nila kaya lang nang mastroke si papa ay napilitan kaming hingin ang tulong bg kapatid ni papa. Nasa kolehiyo na ako noon at hindi alam ni mama ang gagawin. Sa kabutihang palad ay nakakuha ako ng scholarship kaya nakatapos ako. At nung medisina naman ako ay may nagbigay ng scholarship sa akin. Tinulungan din naman ako ni Tita kaya lang siyempre may singil na kapalit.

Sa ngayon ay nandito pa kami nakatira kina tita. Pero naiisip ko na rin bumukod. Kasi kahit hindi pa sabihin ni Tita ay obvious naman na gusto niya na kaming umalis.

Napatingin ako sa aking ina na tinitingnan ang license ID ko. Abigail Manalo Asuncion, physician. Ang ngiti niya abot hanggang tenga.

Umuwi na kami sa bahay ni Tita. Tumuloy sa si mama quarters kung saan kami natutulog. Nag-iisang anak lang naman ako ni mama. At dadalawa na lang kaming magkasama. Mula ng mamatay si papa ay nagbago na rin ang pakikitungo ni tita sa amin. Everytime na may something not good ay isinisisi niya sa amin. Minsan nga pakiramdam ko tinitiis niyanlang kami kasi nga baka pumangit ang reputasyon niya.

Pinapatira niya kami sa bahay pero sa bawat araw na ginawa ng diyos ay hindi niya nakakalimutang paringgan kami sa lahat ng itinulong niya sa amin.

Dont get me wrong, hindi masama ang loob sa kanya. Malaki ang utang na loob namin ni Mama sa kanya. Kung hindi niya kami kinupkop ay malamang na iba ang naging kapalaran namin ni Mama.

"Proud talaga ako sa iyo anak. Kung nabubuhay lang ang ama mo, malamang nagtatatlon na iyon sa saya."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni mama. Pangarap din kasi ni papa ang magdoktor. Kaya lang hindi na natuloy.

Dumiretso na si mama sa kusina at nagsimula nang magsaing. Samantalang ako naman ay nagbihis na ng pambahay.

Paglabas ko ng kwarto ay saktong pagdating ni Tita at ng pinsan ko na si Liza. Hindi anak ni Tita si Liza. Anak ng kaparid nilang namatay si Liza kaya nga kinupkop na niya ito. Si Tita naman ay isang inhinyero. Wala masyadong tiwala sa lalaki si Tita kaya nga siguro naging matandang dalaga.

Mabait naman si Tita kaya nga lang ay napakasungit lalo na kapag pagod. Maayos naman ang pakikitungo niya sa amin. Pero alam mo iyong pakiramdam na hindi ka welcome. Ganun siguro kung nakikitira ka lang.

"Tita, good evening po." Sabay mano ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at dumiretso sa kwarto niya. Si Liza naman ay nagtungo na rin sa kanyang kwarto. Ganito palagi. Tinatawag lang sila namin para kumain.

Nung gabing yun ay may nakuha akong tawag mula sa isang kaibigan.

"Doc Abby, si Mitch ito. Are you interested to apply sa amin? I know you just passed but remember Dr. Castañeda? He was asking about you. You made quite an impression. Siya ngayon ang chairman ng department of internal medicine. If you pass your cirriculum vitae siguradong pasok ka na sa training." Excited na turan ni Mitch sa akin.

Sa totoo lang ay gusto ko ang offer na ito. And plan ko naman talaga ang magspecialize.

"Sige, bukas na bukas dadaan ako para maginquire ng mga requirements. Salamat Mitch sa info."

Napangiti ako sa magandang balitang yun. Pero simula palang ito. Marami pa akong pagdaraanan. At least I'm one step towards the fulfillment ng mga pangarap ko. Napatingin ako kay Mama. Tulog na tulog siya. "Malapit na Ma. Malapit na magkatotoo ang lahat ng plani natin." Bulong ko sabay pikit ng mga mata.

Maaga pa lang ay nagpunta na ako ng hospital to get the requirements for the residency training. I saw Mitch at hinila niya ako sa kanilang opisina. Malawak ito, may nakita ko ang ilang cubicles kung saan ang ibang mga residente na nag-aaral. Ang iba naman ay nagkwekwentuhan sa may coffee table.

"Guys, look who's here!" Anunsiyo ni Mitch sa mga kasama niya.

Napangiti ako at iginala ang mga mata ko mga mukhang na nandoon. Mas lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang mukhang hinahanap ko. Nandoon siya sa dulong cubicle tila may binabasa. Napadako ang tingin niya sa amin.

"Bi! Dito ka na?" Bati niya sa akin at tuluyan na siyang tumayo at lumapit sa akin.

Nahiya akong tingnan siya. Ang gwapo niya talaga. Junior intern pa lang ako sa hospital na ito hanggang siguro noong naging PGI ako dito ay hindi ko matatanggi na may lihim na akong paghanga ka Doc Karlo.

Ang bait naman niya kasi. Si Dr. Karlo Tan na nga siguro ang masasabi kong ideal man ko. Gwapo siya, may lahing chinese na makikita mo sa cute chinky eyes na higit na lumiliit kapag ngumingiti o tumatawa siya. Matangkad siya, may pagkalanky lang ng konti ang pangangatawan pero wala naman akong paki.
Ang pinakamagandang asset niya siguro ay ang kanyang ngiti at ang biloy na lumalabas. Yung ngiti panlang talaga hulog na hulog ka na. Ganun ang epekto ng ngiti niya.
Tapos ang bait niya pa talaga at sobrang talino. Hay, swerte talaga ang babaeng mamahalin nito.

"Hindi pa Doc, pero sana makuha ako." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Makukuha ka. Ikaw pa. Sa talino mo. Tatanggi pa ba kami kung ang number 5 sa latest board exams na ang nagapply sa amin."

Napatungo na lang ako sa hiya. Sumobra naman kasi ang compliment niya sa akin. Totoo naman na top 5 ako pero marami namang magaling.

Nagtagal pa ako ng kaunti doon at nakipagkwentuhan pa sa ibang rsidente. Natutuwa sila sa akin at sinasabi nilang sigurado na makukuha ako kung sila daw ang tatanungin.

Umuwi na rin kalaunan nang tumunog ang telepono ko. Si Jenna.
"Jen?" Sagot ko sa kanya.

"Abby! Nasaan ka?" Tanong niya sa akin.

"Nasa hospital ako Jen." Sagot ko.

"Abby, save me!" Pagsumamo niya sa akin.

Ano na naman ang ipapagawa sa akin ng babaeng ito? Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.

"Ano yun Jenna?" Tanong ko.

"I need a model. Kahit ngayon lang. Pleeeeaaaassee"

"Hay, alam mo naman na mahiyain ako." Tanggi ko sa kanya.

"Sige na. Casual clothes lang naman. Tapos ngingiti ka lang. Sige na please. Tatanawin ko talagang malaking utang na loob."

Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko na wala akong laban sa kakulitan nitong si Jenna kaya sa kinalaunan pumayag na lang din ako.

"Thank you talaga doktora. I love you. Punta ka na lang sa shop ko at sabay na tayo pupunta sa studio." Yun at pinutol niya na ang linya.

Napabuntong hininga na lang ulit ako. At tinawagan si Mama para magpaalam.

Hay, bakit kasi hindi ako makatanggi...

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now