Abby's pov
It's been 2 years at malapit na talaga akong matapos sa specialization. And within those 2 years ay marami ang nangyari sa amin.
Well ako, heto at nagtraitraining pa rin para magpakadalubhasa. It was tough and you need to have a strong stamina para sa mga sleepless nights mo. But I loved every single hour of it. Kaya nga kahit anong pagod at antok, okay lang dahil gusto ko ang ginagawa ko.
Nakaalis na kami ni Mama sa poder ni Tita. Naging maayos naman kaya lang hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin ako sa utang namin sa kanya.
Si Monica ay nagcrucruise kasama ang kanyang boyfriend na si Tyrone. Ngayon ko lang nakitang napakasaya ng babaeng yun at lalong ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso. In love talaga ang dalawang iyon sa isa't isa. Pero uuwi daw sila next month for the big event.
Si Tori naman ay hayun, senior associate na. Pero lalo yatang naging masungit. Mabuti na lang bestfriend niya ako. Sa akin lang yata mabait yun at kay Monica. Well, mabait rin naman siya kay Cate at Jenna.
Speaking of Cate, maraming nangyari sa kanya. Natuklasan namin na naglihim siya tungkol sa totoong pagkatao niya sa amin. Hindi pala Catherine Solis ang pangalan niya at hindi totoo na ulila na siya. She had PTSD na hanggang ngayon ay nilalabanan niya pa rin but difference now ay kasama na kaming nakaagapay sa kanya. Naayos na rin ang mga naging issues niya sa kanyang nakaraan. Muntik pa nga siyang mamatay. Sobrang takot ko nang isinugod siya dito sa hospital na may saksak. Yun na nga marahil ang pinakamalaking dagok para sa aming magkakaibigan. Pero mabuti na lang at hindi tinamaan ang mga vital organs niya kaya nakasurvive siya.
Next month na sila Cate at Nate ikakasal. Kaya nga ginagawan ko na nang paraang ayusin ang schedule ko kasi nga mahihirapan ako kumuha ng leave. Mabuti naman at naapprove ang leave ko sa week ng kasal nila.
Siyempre member kami ng entourage. Bridesmaid daw ako. Kasama si Tori. While si Monica at Tyrone ang sa veil at si Jenna at Keith ang sa cord.
Napapangiti na lang ako kung naiisip ko ang mga napagdaanan namin. Ang tagal din naming magkakaibigan at masaya ako na masaya rin sila sa takbo ng mga buhay nila.
Nasa intensive care unit ako ngayon at kasalukuyang nagrarounds ng mga pasyente ko. Puno ang ICU namin ngayon dahil sa dami ng mga critical cardiac patients namin. Yung iba muntik na namatay after the angioplasty.
"Doc good morning. Heto ang vitals monitoring sheet at ang IO monitoring sheet." Sabi ng isang nurse doon sabay abot ng chart sa akin.
"Nandyan na ba ang repeat ABG ng pasyente? Kailangan na natin kasi ilower ang FIO2 levels ng mechanical ventilator." Tiningnan ko ang IO sheet at nagsulat na ng mga orders ko.
Pagkatapos ko magrounds ay nagtungo naman ako ng CCU para irounds ang ibang mga patients namin doon. Masaya ako dahil mapapalabas na si Mrs. Sanchez papuntang regular room at umaayos na ang kanyang kalagayan.
"Kamusta Mrs. Sanchez? Gumaganda ang kalagayan natin ha. Mamaya-maya ay lilipat na tayo ng regular room ha." Bati ko sa matanda.
Ngumiti naman si Mrs. Sanchez at hinaplos ang kamay ko.
"Ay iha, malulungkot ako at hindi na kita makikita." Sabi ng matanda.
"Si maam naman oh. Bibisitahin ko na lang kayo sa paglilipatan niyong kwarto. Okay ba sa inyo yun?" Sabay ngiti sa matanda.
"Ay gusto ko yan hija. Sa wakas mapapakilala na kita sa apo kong si Matthew."
Napangiti na lang ako kay maam. Ganito palagi ang nangyayari. Ewan ko ba. Masyado yatang halata na single ako at halos lahat na lang ng apo o anak ng mga pasyente ko ay inirereto nila sa akin. Natawa na lang ako sa tinuran ni Mrs. Sanchez.
Matapos kong magrounds ay nagbalik ako sa doctor's lounge at nagsimula nang basahin ang mga articles na isasama ko sa research paper na ginagawa ko. Kailangan at least matapos ko na ang protocol ko para mapaapprove ko na ito sa ethics board.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagbabasa ng may tumawag sa telepono. "Doc A. May libreng lunch courtesy of Doc Tan."
Ano na naman kaya ang pakulo ni dr Tan? Sa ngayon ay siya na ang isa sa mga junior consultants namin. Parang kailan lang lagi niya pa ako sinasama maglunch everytime may chance. Matagal na ako may gusto sa kanya kaya lang hanggang magkaibigan lang yata ang kaya niya ibigay sa akin. Nakakalungkot man isipin pero mananatili lang akong sideline girl. Babaeng nakikiamot ng pansin.
Nalungkot ako sa thought na yun. Pero wala akong magagawa.
"Sige baba na ako diyan." Sagot ko.
Bumaba na ako sa opisina. Pagpasok ko ay nanotice ko ang dami ng pagkain na pinacater.
"Nandito na siya!" Sigaw ni Doc Krissa.
Nagtaka naman ako. "Anong meron?"
Lumapit sa akin si Doc Karlo. At inakbayan ako. Shocks talaga, nandoon pa rin ang kilig everytime na nilalapitan niya ako.Oo aaminin ko. Gusto ko pa rin Doc Karlo. Kahit alam ko na may girlfriend na siya. Nakakatawa nga eh. Hindi na talaga ako nakamove-on sa unrequited love ko na ito.
"Congratulations Abby kasi ikaw ang napiling chief resident!"
Ako? Ako ang napilibg chief resident? Wow! Thank you po Lord!!!
To be selected na chief resident is an honor. Marami ang magagaling pero ako talaga ang napili nila.
Lalong humigpit ang akbay ni Doc Karlo at nginitian niya ako.
"Sabi ko sayo diba. Ikae talaga ang deserving." Sabi niya sa akin.
"Pero aside sa promotion ni Doc Abby as chief resident, may good news din akong gustong ishare sa inyo!" Anunsiyo ni Doc Carlo.
"Ano yun Doc?"
Inalis ni Doc Carlo ang braso niya sa balikat ko. Nalungkot ako pero mas matindi ang inanunsiyo niya. Para akong pinagsakluban ng langit...
"She said yes guys! Magpapakasal na kami ni Samantha."
Tsk. Akala ko handa na ako sa ganitong mga sitwasyon pero masakit din pala. Wala na rin naman akong magagawa. Hindi naman niya talaga ako makikita. Kaibigan lang talaga ako.
Nginitian ko siya hiding all the pain I'm feeling right now. Matagal ko nang tanggap. Pero masakit. Ang sakit-sakit...
YOU ARE READING
So Wrongfully Perfect
Romance"What have I done?" Nakita ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar and worst I'm on somebody's bed. Nasa gitna ako ng pag-iisip ng may gumalaw sa tabi ko. "shit! I'm really in trouble..." Meet Abigail Asuncion, maganda, matalino at mabait...