Visitor

90 1 0
                                    

Jason pov

It's been a while when I last visited this place. If not for Monica, I will never discover this paradise. Right now, I'm here for business. My father's culinary empire expanded and now comprise of processed goods. I decided to put up a factory here in the Philippines.

I always have a soft spot for this place. Maybe because my half-sister is Filipina and my first visit was wonderful.

Sa ilang beses kong pagdalaw ng Pilipinas ay naging matatas na rin akong managalog. Ikaw ba naman kausapin araw-araw sa tagalog ay hindi ka pa ba gagaling.

It's sometimes hard to change the language pero dahil nga sa madalas na nandito ako, gumaling akong magsalita.

I'm in my condo unit right now. Katatapos lang ng meeting at inspection ko sa factory. Sa wakas makakatulog ako at mamaya pwede na akong gumala. I made a few good friends when I'm here. Some of them became investors on my company. Ang iba naman ay mga partners ko na sa kalokohan. Pipikit muna ako nang may lakas ako mamaya.

Wala pa siguro limang minuto na nakahiga ako ng biglang nagring ang phone ko. "F*ck!" Sambulat ko. Sino na naman kaya itong sumira sa pahinga ko.

Nung nakita ko ang name ay nawala ang inis ko at napalitan ng ngisi.

"Hey Babe. You called." Sagot ko sa tanging taong pwedeng umistorbo sa akin.

"Hello Baby. I missed you. How long are you going to stay there. I'm starting to get irritated." Sagot ni Bella sa akin.

"Just 2 weeks Baby. You know pretty well that the factory is experiencing some technical problems. I have to get into it."

Isabella Isaacs is a long time girlfriend. We met through my sister Monica who happened to be in the same modelling agency. I fell hard for her. Now we're on our 2nd year. Well, I can't say that I was really good but my heart only belongs to her.

"Bare with me Baby. I really have to finish everything. And then prepare because I have big surprise for you."

"You better have or I'll punish you when you come home." Bella answered. She ended the call while I went back lying.
I can't sleep. Nah, better call the gang and have some fun.

Abby pov

Nandito na ako ngayon sa shop ni Jenna. Nakakainis. Bakit kasi hindi ko matanggihan itong babaeng to.

"Abby, baby girl, ready ka na?"

Pwede bang sabihin na hindi at huwag na lang ituloy ang kahibangang ito? Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Sumakay ako sa car niya at nagtungo na sa studio.

True to her word ay casual wear nga ang pinasuot niya sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na nagmodel ako for Jenna. Nung nasa college ako, modelling is one way para kumita ako ng pagdagdag sa mga bayarin ko sa school. Si Jenna rin ang kumuha sa akin nun. Dati ay hindi ko makita ang sarili kong ginagawa ito pero dahil nga pinilit ako at maganda rin naman ang bayad kaya pumayag na rin ako.

Isang cute yellow A-line dress ang pinasuot niya sa akin. Halter yun at talagang mababa ang neckline. Naiinis ako kasi hindi ko feel ang ganung damit, lalo pa at hindi naman kalakihan ang laki ng harapan ko. Nakakainsecure. Inayos nila na parang vintage ang buhok ko at ang make up ko ay para talagang pang 60's. Pinaupo nila ako sa isang bench at yun nagsimula na. Kailangan kong tiisin kahit hindi ko gusto. I really have to fake it to make it. I smiled my sweetest dahil nga patweetums ang shoot na ito. Nagpatuloy ang buong maghapon. Dalawa naman kami actually, isang male model. I did my best para matapatan ang effort ng male model na kasama ko. Nakakahiya naman kasi kay Jenna.

Natapos naman ng matiwasay ang shoot. Natuwa naman si Jenna sa kinalabasan ng mga picture.

"It's a wrap guys!" Anunsiyo ni Jenna.

Nagsimula na akong ayusin ang gamit ko alisin ang make-up ko sa mukha. It's 6:00pm na ng hapon. Kailangan ko na umuwi dahil tutulong pa ako kay Mama. Sinuot ko uli ang maong pants at long sleeve shirt ko. Nang matapos na ako magbihis ay isinuot ko na ang salamin sa mga mata.

Paglabas ko ng dressing room ay may tatlong boses ang narinig ko nag-uusap pagtingin ko ay biglang tumili ang dalawa sa kanila.

"Abby!!!" Magkasabay na tili ni Cate at Monica.

Parang nabingi ako gayunpaman masaya ako to see them. "Grabe naman kayo makatili. Hi Tori" bati ko sa isa pa sa mga trusted friend ko. Tahimik siyang ngumiti at niyakap ako.

"Kailan pa tayo lalabas Abby?" Tanong ni Tori. Sa apat ay si Tori ang kaedad ko na 26. Si Cate ang pinakamatanda at 28, followed by Monica na 28 din pero mas bata sa buwan, at ang pinakabata sa amin na si Jenna na 25.

Nauna ko nakilala si Cate sa isang party. Nakakatuwa siyang kausap. Kahit anong topic ay nakakasakay siya. Kaya hayun, instant friends kami. Through Cate ay nakilala ko si Jenna at Monica and eventually si Tori dahil sa magpinsan sila ni Monica.

But with all of them, si Tori ang pinakaclose ko. I dont know. Sabi nila masama daw ang ugali ni Tori. Pero para sa akin, misunderstood lang talaga siya. Tori had a painful life. Kung hindi dahil sa pinsan niyang si Monica ay marahil ay napariwara na siya. I empathized and at the same time was amazed by her strength. Siya na nga siguro ang pinakastrong na person na nakilala ko. Pero aside from that, Tori is a loving person. Mapagbigay siya at maalalahanin. Beyond that tough exterior, she is actually a softie. Nakakatuwa nga kapag nanonood kami ng drama ay nauuna pang umiyak sa amin iyan.

"Lets celebrate guys!" Si Jenna.

"Oo nga. Lets celebrate your new collection and ang pagpasa ng ating butihing doktor sa grupo" gatong ni Cate.

"Guys sorry. Kailangan kong umuwi. Wala kasama si Mama." Rason ko. Ayoko namang iwan si Mama basta-basta.

Nakita ko na lang si Jenna na tinitipa ang kayang cellphone at may tinawagan. "Hello Mama Sol? Pwede ba naming kidnapin muna si Abby. Sige na po. Isecelabrate lang po namin ang pagpasa niya sa board...Talaga po? Thank you po talaga." Yun at tinapos niya na ang tawag. Tumingin si Jenna sa akin. "Yan pinagpaalam na kita. Okay lang daw na bukas ka na umuwi. Pumayag na Mama mo.

Iba rin talaga ito si Jenna. Paano pa ako tatanggi nito.

"Nakakainis ka naman Jen eh. Talagang tinawagan mo si Mama?"

"Okay lang yan Baby girl. Minsan na nga lang na kumpleto tayo, oh. At saka sa makalawa, babalik na naman ako nh New York. Kaya sige na, girls night out na tayo" pangungumbinsi ni Monica.

Napatingin na lang ako sa gawi ni Tori at talagang nagthumbs up pa talaga ang bruha.

"Sige na nga. Pero paano iyan wala akong isusuot."

"Problema ba yan? Ano pa at isang fashion designer ang kaibigan mo. Punta muna tayo ng bahay at nandoon lahat ang damit na pwede ko ipahiram sa iyo." Sagot ni Jenna.

Hay wala na talagang atrasan ito.

"Ay guys, okay lang na may kasama pa tayong iba. Visitor kung baga." Tanong ni Monica.

"Kung gwapo okay lang sa akin." Sagot ni Jenna.

"Siyempre gwapo, kapatid ko."

"OMG! Nandito si Jason Nik?" Tanong ni Cate.

Tumango naman si Monica. Matagal ko nang alam na may kapatid Monica sa ama at ilang beses niya na itong naisama sa Pilipinas. Pero this will be the first time na makikilala ko siya. Now I wonder how he looks like.

"Abby, magpaganda ka ng husto ha. Reto kita kay Jason. Hahaha" si Monica

"Huwag ka ngang magpatawa Nik. Akala ko ba may girlfriend na siya." Baling ko kay Monica.

"Maghihiwalay din yung dalawang yun. Sawa yunh girlfriend niya." Natawa na lang kaming lahat sa tinuran ni Monica.

Now I really wonder how he looks like...

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now