Unexpected

60 2 0
                                    

Abby's pov

Bakit ba palaging sumusulpot ang lalaking ito? Kaya nga umalis ako ng reception dahil gusto ko ng peaceful. Pero ngayong heto siya sa tabi ko, nagsimula na namang chaotic ang isipan ko.

He really can invoke thoughts and feelings na ayaw ko maramdaman. The last time I had these feelings for someone, it did not end up nice and I had my heart badly broken.

Ayoko ng ganito. Ayaw ko na naguguluhan ako.

"Penny for your thoughts?" Untag ni Jason sa akin.

Napatingin ako sa kanya at nandoon na naman ang patuyang ngiting yun. Pinipikon ba ako ng lalaking ito?

Kailangan kong kumalma.

"Bakit nandito ka Jason? Di ba nandoon ang party sa loob?" Tanong ko.

Napakunot ang noo niya pero mabilis lang yun. Napalitan kaagad ito ng isang ngiti. Damn those lips! Napapaisip ako ng kakaiba.

"Well like you, I want something quiet and peaceful. And obviously I like your company." Sagot niya.

Namula na naman ako sa sagot na iyon. Bakit kasi ang prangka niya? Wala man lang filter ang sinasabi niya sa akin.

"Okay. Bahala ka diyan. Basta hindi mo lang akong guluhin dito. Walang problema" sabi ko

Tumango lang si Jason at tumingala sa kalangitan. It was a clear sky at maliwanag ang buwan. Napakagandang pagmasdan ang mg bituing kumikislap.

Napatingin ako kay Jason. He really does have a handsome face. Napakaganda ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong niya. Napaisip tuloy ako sa naging rason kung bakit sila naghiwalay ng girlfriend niya.

"Uhmm, Jason, not to intrude on your personal life but I'm just curious. What happened between you and your girlfriend?"

Napatingin siya sa akin na tila nabigla. At bigla ring nagbalik ang lungkot sa mata niya. Was it a bad breakup? Ang insensitive mo talaga Abigail!

"She does not love me anymore. That's that." Sagot niya sa akin.

Tumango na lang ako sa sagot na iyon. Rinig ko sa boses ni Jason ang sakit. Kaya hindi na lang ako nagtanong pa. Maraming bagay ang gusto ko malaman tungkol sa taong ito perosa tuwing nasa harapan ko na siya ay napipilan ako. Para bang nakakatakot na alamin ko pa ang lahat dahil tiyak na mapapasubo ako.

Lumaki ako na simple lang ang buhay. Hindi ako naghangad ng sobra. Ang gusto ko lang mabigyan ng magandang buhay ang Mama ko at makabayad na rin sa utang namin kina Tita. Walang puwang ang komplikasyon sa buhay ko ngayon.

But seeing this man, he makes me long for something I can't have at ayoko nun.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigyan niya ako ng basong may lamang alak.

"Try that. It's quite strong but it has calming effect"

Tinanggap ko ang baso at inisang lagok ang laman nito. Napaubo ako sa hapdi sa lalamunan ng ininom ko pero afterwards para ngang kumalma.

Ibinalik ko sa kanya ang baso at ngumiti. Nagbuhos siya ulit ng alak sa baso at tinungga iyon. Okay din pala siyang kasama. Kaya niya ring tumahimik sa isang lugar ng matagal. Mabuti para sa akin yun. Hindi ko rin naman alam ang pag-uusapan namin.

"You know what. You are a challenge for me." Biglang salita niya.

Challenge? Ganun ang tingin niya sa akin?

"Bakit mo naman nasabi yun? ano ba ako? Isang task at talagang challenge pa talaga ang tawag mo sa akin." Singhal ko sa kanya.

Alam ko na medyo mataray ang dating nung sinabi ko pero na-offend talaga ako sa sinabi niya. Hindi naman ako laruan.

"I'm sorry if came out so rude. I dont mean to offend you Abby. What I meant about challenge is that I'm having trouble understanding you. You are quite a difficult person to understand."

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niyang yun? Ganun? Siguro nga. Hindi naman kasi ako sanay na ilabas ang nararamdaman ko. Si Tori nga lang yata ang nakakaintindi sa akin dahil nga sa matagal na kaming magkaibigan.

"Ganun ba? Hindi kasi siguro ako sanay na ilabas lahat ang nasa saloobin ko." Tiningnan ko siya at nakita ako kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

"Ganun nga ang pagkakaintindi ko sa pagkatao mo. You seemed collected all the time Abby. Parang may wall na nakaharang kaagad. Ano ba ang kinakatakutan mo?"

Hindi ko alam o baka dahil sa nakainom ako, pero sa unang pagkakataon ay may tumulong luha sa mata ko sa tanong niyang yun. Siguro nasanay na akong maging mahinahon at malakas para sa lahat ng mahal ko. Lalong-lalo na para kay nanay.

"When my father died, nothing was left for my mother and me. We are so poor that we need to ask for help among my father's relatives. Ayaw pa nga nila sana kaming tulungan nun dahil galit sila kay Nanay. We need to swallow our prides to survive. And that time, I started to be collected. Wala namang magagawa kung ngangawa ako at magreklamo. Gawin mo na lang ang kailangan mong gawin. And then I got a scholarship to become a doctor. Wala na akong panahon para sa mga walang kwentang bagay. Tinuruan ko ang sarili kong maging mahinahon sa lahat ng panahon at huwag na huwag magpakita ng kahinaan. Maybe that is my way to protect myself from getting hurt."

Hinarap ko siya at tumulo ulit ang luha ko. "Sa totoo lang Jason napapagod na rin akong maging mahinahon at malakas. Minsan naiinggit ako kay Tori. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang isipin ng iba sa kanya. Malaya siyang maging siya at walang aalipusta sa kanya."

Inabot ni Jason ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang walang tigil ang tulo. Siguro sawa na talaga akong maging mabait. Siguro pagod na talaga akong kontrolin ang pakiramdam ko. Nakakainis. Ganito ba talaga ang epekto ng alak sa tao?

Inilalabas nito ang tunay na ikaw. At ang tunay na ako ay gustong sunggaban ang lalaking ito at siilin ng halik. I cant fight the attraction.

Palapit nang palapit ang mukha ni Jason sa mukha ko. Hindi ko siya kayang pigilan kung ano man ang balak niyang gawin.

Ang totoo ay ayaw ko siyang pigilan. Naaamoy ko mabangong hininga niya habang papalapit ang labi niya. Hanggang maabot nito ang labi ko.
I felt fire ignited sa buong kaibuturan ko sa halik na iyon. I was never been kissed before but this kiss is waking a feeling that is very foreign to me.

Lalong nilaliman ni Jason ang kanyang halik and even bit my lower lip. It made me moan. At sinamantala naman niya ito by inserting his tongue inside my mouth.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ginaya ko ang galaw ng dila niya sa bibig ko. He played with my tongue and it made me feel hotter. Parang mapupugto ang hininga ko pero ayokong matapos ang halik na iyon.

He then stopped and looked me at the eyes. His eyes is darken with an emotion I cant fathom. Pero kung ano man iyon ay sa tingin ko ay pareho kami ng nararamdaman.

Hindi nagtagal ay hinalikan niya ako uli. Hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko at nagpatangay na lang ako sa ginagawa niya sa akin. We are both without reason. Pero ayoko pang gumising sa panaginip na ito. For once I want to do something spontaneous, something not me.

I want to do something unexpected...

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now