Abby pov
Hindi ko rin maintindihan ang dalawang lovebirds na ito. Kasi naman, sa layo ng Palawan, ay dito pa talaga nila naisipang magpakasal.
Oo, sa makalawa na ang kasal nila Cate at Nate. At sa sobrang arte ng dalawa ay dito pa talaga sa Palawan nilang naisipang magpakasal. Kung sabagay, uso naman talaga ang destination weddings.
Kahapon pa ako nandito. Magkasabay kami nila Jenna at Tori nagbiyahe. Mabuti na lang nga at nakakuha ako ng leave pero after ng 2 weeks leave na ito, balik reality na ako.
"Guys, ayaw niyo bang magswimming?" Tanong ni Jenna na sa ngayon ay nakablack two-piece na pinapatungan ng summer dress niyang green.
"Pass muna ako Jen." Sagot ko. Wala talaga ako sa mood magswimming. Ang gusto ko lang ngayon ay maupo at magbasa.
"Ano ba yan doktora? Nagpunta kaya dito para mag-enjoy hindi magpakaburo dito.sa room." Si Jenna.
Grabe talaga sa kulit ang babaeng ito. Nanatili lang akong nakaupo at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nang may kumatok sa pinto.
"Jen, nandito na kami. Ligo na tayo" rinig kong sigaw ni Keith sa labas ng pinto.
"Nandyan na. Pinipilit ko lang sumama si Abby." Sagot ni Jenna.
"Bakit ba kasi pinipilit mo ako? Eh sa ayaw ko ngang magswimming."
Pero ganun na ang sinabi ko ay napilit pa rin ako ni Jenna. Hay ewan ko talaga. Wala na rin akong magagawa kasi nga hindi niya ako titigilan.
Inabisuhang ko silang magpapalit lang ako ng panligo. At nagpunta na sa kwarto kung nasaan ang damit ko.
Pinili ko ang yellow ruffled two piece ko dahil hindi ito masyadong revealing. Pinatong ko na lang ang black maxi dress ko at dinala ang bag ko palabas. Paglabas ko ng cottage ay nakita ko si Keith at Jenna nag-uusap at nagtatawanan. Habang sa gilid nila ay may isang lalaking nakaupo at nakikinig sa kanila.
"Guys, sorry natagalan." Hingi ko ng paumanhin sa tatlo. Napalingon naman sila sa akin at tumango.
Tumayo na ang lalaki at mabilis akong sinulyapan sabay ngiti sa akin. Parang kilala ko ang lalaking ito. Saan ko nga ba siya nakilala? Napakunot ang noo ko sa kakaisip kung sino siya.
Hindi ko na namalayan na may kamay nang humablot sa akin.
"Hey look where you are going. You might bump into that wall." Sabi ng taong humablot sa akin.Sa kakaisip kung sino siya ay hindi ko na pala namalayang babangga na ako sa isang pader. Tiningala ko siya at nagpasalamat.
Binitiwan na ng lalaking yun ang braso ko at ngumiti ng matamis sa akin. Iniisip ko pa rin kung sino siya.
Nabasa niya siguro ang utak ko. "Jason, Monica's brother. We've met 2 years ago Abby." Sabi niya waring pinapaalala sa akin kung paano kami nagkakilala.
Nanlaki ang mata ko nang matandaan ko kung sino siya. He is Jason Joseph Larson. Kapatid ni Monica. Tama siya yun. How could I forget those beautiful cornflower eyes?
Nag-iba kasi ang itsura niya ngayon compared to 2 years ago. Medyo lumaki ang katawan niya at may balbas na siya. Nag-rugged ang looks niya which I can say did add maturity sa kanya. Nonetheless, napakagwapo parin ng taong ito.
"Do you remember me now?" Tanong niya sa akin.
"Yes. I remember now. It's been 2 years. It's nice to see you again." Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig habang kausap siya.
"Good. Okay lets go. And next time be careful." Nagpatiuna siya sa akin at sumunod lang ako sa kanya.
Pagdating namin sa dagat ay naglatag na si Jenna ng banig kung saan namin ilalagay ang mga gamit namin. Tinulungan naman siya ni Keith. Nilagay na namin ang mga gamit namin sa banig na yun. Inalis na ni Jenna ang suot niyang summer dress at tumakbo with Keith papunta sa dagat.
Para talaga silang bata. Naupo ako sa banig at kinuha ang librong binabasa ko kanina. Hindi ko namalayang may tumabi na sa akin.
"Sayang ang tubig. Tara ligo tayo." Yaya sa akin ni Jason.
Tumayo si Jaso at inilahad ang kamay. Hay, sige na nga. Tumayo na ako at hinubad ang maxi dress na suot ko. Pagkatapos ay hinarap ko si Jason na sa kasalukuyan ay nakatunganga sa akin.
"Hey, akala ko maliligo tayo?" Untag ko sa kanya.
"Oh, I'm sorry. I got distracted" sagot niya sabay kindat sa akin na nakapagpataas ng kilay ko.
Hinubad na rin ni Jason ang suot niyang t-shirt. And holy crap, ako naman ang nadistract. Sa totoo lang ay pwede itong model sa anatomy class namin specially kung ang topic ay ang muscular system. Well-defined ang muscles.
OMG! Ano ba itong pinag-iisip ko?! Maghunus-dili ka Abigail. Para namang hindi ka nakakakita ng ganyan."Let's go Abby" inilahad ni Jason muli ang kanyang palad.
Tumango na lang ako at sumama sa kanya upang sundan sina Jenna.Masaya naman ang pagligo namin ng dagat. Nakakilala pa kami ng ilang diver at sabi nila ay nagbibigay sila ng training sa diving kung interesado kami. Siyempre interesado sina Jenna at Keith. Wala yatang kinakatakutan ang dalawang ito. Adventurous talaga. Kaya hindi ako magtataka na sa kalaunan baka ang dalawang ito pa ang magkatuluyan. Ang bagal kasi ni Keith. Ay ewan.
Nung palubog na ang araw ay dali-dali kong kinuha ang camera sa bag ko. Magmula nang magsimula akong magtrabaho ay napag-ipunan ko na rin ang mabili ang camerang ito.
Nahilig ako sa photography kaya nagpaturo ako kay Nate ng mga basics at heto ako ngayon, hobby ko na ang pagkuha ng letrato."So, youre into photography." Si Jason.
Para talagang kabute ito. Sulpot lang nang sulpot.
"You startled me." Reklamo ko sa kanya. Totoo naman. Nagulat ako na nasa likod ko na siya.
"Where are they Jason" tanong ko nanh makita kong mag-isa lang siya sa likod ko. Hindi ko na rin makita ang dalawa.
"They went first. They said they dont want to stop.you for taking a picture. You seemed to like photograhy a lot." Sagot niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik sa pagkuha ng larawan. The sunset is beautiful. The sky is like a canvass filled with colors. It was so awe-inspiring.
"You really don't like me, don't you?" Mahina lang ang pagkakasabi niya nun. Pero narinig ko ang sinabi niya. Ibinaba ko ang camera at hinarap siya.
"Why do you think so?" Tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang iniisip niya. Wala naman akong naalala na sinabi o ginawa para maisip niya ang ganun.
"You seemed to always make excuses to get away from me."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang yun.
"Ha? Hindi ko maintindihan. Ganun ba ang ginagawa ko?"
Napangiti siya sa tanong kong iyon.
Ang ngiti niya yung ay unti-unti napalitan ng tawa. Pinagtatawanan niya ako?"They were right. You really are innocent. Dumidilim na. Hatid na kita sa room niyo."
Nauna na siyang lumakad aa akin at ako naman ay sumunod sa kanya. Talaga? Innocent? Marahil nga siguro. Pero hindi ko naman alam na ganun ang iisipin niya sa asal na pinapakita ko sa kanya.
Ay ewan.
YOU ARE READING
So Wrongfully Perfect
Romance"What have I done?" Nakita ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar and worst I'm on somebody's bed. Nasa gitna ako ng pag-iisip ng may gumalaw sa tabi ko. "shit! I'm really in trouble..." Meet Abigail Asuncion, maganda, matalino at mabait...