Kaitelyn
Nasa apartment na kami ni Neo. Inaaya niya akong kumain muna, pero wala akong gana. Kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama, nakatitig lang ako sa kisame. Naalala ko nanaman yung nangyare kanina.
"Tapos na tayo"
"Tapos na tayo"
"Tapos na tayo"
"Oo na!" sigaw ko
"Oo na tapos na tayo! Sorry ha?! Pero para sa akin meron paring tayo. Ano ba kasing nagawa ko sayo ha?! Ba't mo ba ako niloko?! Ang tanga mo! Ang tanga mo Nathan!"
Hindi ko nanaman naiwasang umiyak. Bakit ba kasi hindi humihinto tong pag-agos ng luha ko?! Tss. Nilabas ko yung notebook ko at tinignan yung sched ko. 6am pala ang umpisa ng class namin, pero half day lang kami. Binalik ko na agad yon, tinatamad na akong magbasa ng libro. Tumingin ulit ako sa kisame, at maya-maya ay nakatulog na ako.
~Zzzzzzzz~Zzzzzzz
"Kaite, gising na. Kanina pa nag-aalarm yang phone mo" rinig kong sabi ni Neo
Bumango na ako, at pinatay yung alarm ko. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos non, tumingin ako sa wall clock ko. Nagulat ako ng 6am na. Dali-dali akong bumaba."Oh, kain ka muna dito"
"Hindi na, Neo. Late na ako eh! 6am ang umpisa ng class ko"
"Ha?! Okay cge, baunin mo nalang to. Kita nalang tayo don" sagot niya
Hindi ko na siya sinagot at agad ng tumakbo sa waiting area. Sakto naman may dumating na taxi, agad na akong sumakay don. Nakita ko pa yung lalake kahapon na nakasakay din dito. Hindi ko nalang siya pinansin. After 15 minutes ay nasa campus na ako. Nagbayad na ako at tsaka na bumaba. Wahhh! 15 minutes late ako! Huehue! Tumakbo na ako patungong room. Pagdating ko..
"Oww Miss Mendel, your 15 minutes late"
"Sorry ma'am" nahihiyang sagot ko
"You may sitdown. Sa susunod, wag ka ng malelate sa klase ko ha?"
"Yes ma'am"
Pumasok na ako at tsaka na umupo. Nakita ko pa si Kyla ba yon? Ah basta! Tumabi siya sa akin
"San ka galing kahapon? Hinahanap kita eh"
"Ay sorry. Umuwi na kasi ako non eh. Kasama ko yung karoommate ko"
"Ahh, I see. Sabay tayo mamaya ha?"
"H-Ha?"
"Sabi ko sabay tayong mag-recess at umuwi mamaya"
"Ahh okay cge"
At nakinig na kami kay ma'am.
Discuss
Discuss
Recess
Gaya nga ng sabi ni Kyla, sabay kaming nag-recess.
"Ano sayo, Kaitelyn?"
"Biscuit lang tsaka Zesto ikaw?"
"Okay cge, yun nalang din. Hihi" sagot niya
Bumili na kami, pagkatapos bumili bumalik na kami sa room. 10 minutes break lang kasi eh. Nagsimula na akong kumain, pati rin siya.
"Anong susunod na subject natin?" tanong ko
"Filipino ata"
"Ahh okay" sagot ko
Dumating na yung teacher, kaya binilisan na naming ubusin yon.