Kaitelyn's POV
Natapos na yung klase namin kaya tumayo na kami ni Kyla at tsaka na lumabas. Pababa na kami ngayon, nag-aya pa kasi tong si Kyla na mag-lunch muna bago umuwi. Kaya papunta kami ngayon sa canteen. Ng makarating na kami sa cantee, syempre pumasok na kami. Naghanap muna kami ng mauupuan. Ng makahanap na kami ay tsaka na kami tumungo don. Uupo na sana ako ng...
~Blaaaaaag!
May gumuyod nung upuan dahilan para mapaupo ako sa sahig. Aray ko! Yung pwet ko! Bwisit to! Humanda ka sa akin ah!"Ops! Sorry" natatawa niyang sabi
Tumayo na ako pero hindi pa ako humarap sa kanya. Kinakalma ko kasi yung sarili ko eh.
"Ano bang... Ikaw nanaman?!" sigaw ko nung makaharap ako sa kanya
"Oo ako nga! May problema?" tanong niya
"Tss. Ba't mo ginuyod yung upuan?!"
"Wala lang" natatawang sagot niya
"Ano?! Wala lang?! Alam mo bang masakit ng pagkakalapag ko?! Ha?! Gusto mo itry ko sayo?!" sigaw ko
"Ayoko. Edi ako din yung masasaktan. Dinamay mo pa ako" sagot niya
Grrrr! Nanggigigil na ako ah?!
"Grrrr! Eh alam mo palang masasaktan ka kapag ginawa ko sayo yon. Ba't mo ginawa sa akin yon?!"
"Wala nga. Kulit mo" sagot niya
Napatingin naman ako sa likudan niya. Nakita ko si Nathan at yung bago niya. Ayoko makita niya akong nakikipag-away sa iba, kaya lumapit ako dito sa ugok na to! Napaatras naman siya
"Sa susunod, wag mo ng gagawin yon ha? Kasi masakit, naiintindihan mo?" mahinahong sabi ko
Hindi ko na siya pinansin at kinuha na yung gamit ko. Pagkaalis ko, binunggo ko pa siya. At tuluyan ng lumabas ng canteen. Nangingilid na yung luha sa mata ko. Ang sakit kasi ng pagkakalapag ko non eh! Nakakainis! Umupo ako sa bench, habang hawak-hawak yung gilid ng pwetan ko. Ang sakit talaga! Sobra! Mas masakit pa kesa sa break-up namin ni Nathan! Umupo rin si Kyla sa tabi ko.
"Ano, okay ka lang?" tanong niya
"Tinatanong pa ba yan?! Syempre hindi!" sigaw ko
"Easy, Kaite" sagot niya
"Tss. Kilala mo ba yung ugok na yon?!"
"Oo. Taga L.U siya dati pero nagtransfer siya dito. Matagal nang hindi nagbubully yon, pero ewan ko ba! Nasapian nanaman ata kaya binully kaniya"
"Tss. Ang kapal ng mukha niya! Hindi siya nababagay sa L.U! At tsaka ba't siya nakapasok don?! Tsk! Nakakainis! Ang sakit tuloy ng pwet ko!"
"Kilala mo na ba siya?"
"Tss. Oo pero personality nya hindi! Nakasakayan ko siya kanina sa taxi. Tapos nagkasagutan kami nung lalakeng yon!"
"Hahaha! Ganun yun talaga! Pag inasar mo ng isang beses. Hindi kanya titigilan" sagot niya
"Tss. Ang yabang niya! Di naman gwapo!" sagot ko
"Hahaha! Ang daming nagkakagusto dito sa kanya. Yung iba nga pumupunta pa sa L.U para makita Sweden. Kilala rin yung banda nila" sagot niya
"Tsk! Ang dami nga niyang tagahanga! Ang sama naman ng ugali! Te-Teka! Sino yung Sweden?"
"Siya. Sweden Villafuerte yung name nya. Mommy at Daddy niya ay isang doc--"
"I'm not interested. Halika na nga! Uuwi nalang ako. Nakakabanas!" sagot ko
Tumayo na ako at pati rin siya. Naglakad na kami palabas ng campus. Ang sakit parin ng pwet ko. Huhuhu! Si Kyla na ang pumara ng taxi sa akin. Pagkapara niya, aga na akong sumakay at tsaka na nagpaalam sa kanya