Neo's POV
Nagpaalam na ako kay Kaite na babalik na ako sa room. Pabalik na sana ako ng may makabangga ako"Yow!" sigaw niya
Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Ito naman makakalimutin ka talaga!" sabay akbay sa akin
Inalis ko naman agad yon"Teka nga! Anong makakalimutin? Hindi nga kita kilala jan eh!" sagot ko
"Hahahaha. Ano ba yan! Nakakatampo ka naman!" nakangusong sabi niya
Ang kyuut! Hihi^_^"Wait, okay? Sino ka ba talaga?" tanong ko
Umakbay nanaman siya sa akin. Kaya umalis ako sa pagkakaabay na yon
"Hahahaha! It's me, Lee. The one and only Sweden Lee Villafuerte" sagot niya
Nagulat naman ako. At sabay..
"Yowwwww! Wow! Hindi kita nakilala ah?! Pumunta kalang ng Canada, nag-iba na itsura mo? Hahahaha!"
"Grabe naman to! Ako parin to! Walang pinagbago" nakangiting aniya
"Hahahaha! Kamusta kana? Hindi talaga kita nakilala!" sagot ko
"Eto, pogi parin. Hahaha! Musta na ang banda?"
"Ayun, okay lang din. Nga pala may rocket kami mamaya. Ano sama ka?"
"Ewan ko pa eh. Next time nalang"
"Haha! Osige! Nag-transfer ka?" tanong ko
"Ah oo. Nandito kasi si crush eh" kinikilig na sabi niya
Parang engot lang! Hahaha!
"Hahahaha! Pag nagkita tayo ulit, ituro mo sa akin yang crush thingy mo ah?!"
"Oo naman! Hihi!"
"Osya, sige na. Papasok na ako, bye! See you around!" paalam ko sa kanya
Kumaway lang siya sa akin. At tsaka na ako pumasok sa room. By the way, siya si Sweden Lee Villafuerte. Lee for short. Ka-band ko din siya. Pero tumigil siya kasi pumunta siya ng Canada. Nag-aral siya sa Luna University. Pero nagtransfer siya dito, gaya ng sabi niya na nandito yung crush niya. Hahaha! Pumasok na yung lecturer kaya nakinig nalang ako.
Discuss
Discuss
Dismissal
Uwian na! Haha^_^ Tumakbo na ako palabas ng room. Omyghad tatlong araw kong hindi nakita yung crush ko. Pero, salamat at tinupad ni God yung panalangin ko. Haha! Makakasama ko na siya! Woah! This is it!^_^ Lumabas na ako ng campus at tumakbo papuntang waiting area. Pumara agad ako ng taxi at tsaka na pumasok don.
"Saan po kayo ma'am?"
"Sa padis po" sagot ko
Pinaandar na ni Manong yung taxi niya. After 10 minutes nasa Padis na ako. Nagbayad na ako at tsaka na bumaba. Tumakbo na ako papasok, at nakita ko na agad si Josh. Kyahhh! Myghad! Lumapit na ako sa kanila. Apat palang silang nandito
"Yow! Hahaha!" si Kyle yan. Siya yung pinakamadaldal sa amin
"Yow! Kamusta?!" tanong ni Kent yung leader namin
"Oo nga kamusta na ang aming Neopangit?" pang-aasar naman ni Kyle
Lumapit ako sa kanya at tsaka siya binatukan.
"Aray!" sigaw niya
"Kamusta kana, Neo?" tanong ni Bryle.
Tahimik yan, pero pag nasa mood magsalita hanggang bukas pa siya matatapos. Haha!