Chapter 11

1 1 0
                                    

Kaitelyn's POV
Kasalukuyan parin kaming nakatayo sa harap ng café. Ng bigla akong guyudin ni Neo papasok.

"Goodmorning ma'am! Welcome to carousel café!" bati nung dalawang babae sa amin

"Hello! Uhm, nandiyan ba ang manager niyo? Tapos hiring pa ba kayo?" tanong ni Neo

"Ahh opo ma'am. Pasok nalang po kayo dito" sagot nung babae

"Ahh okay cge" nakangiting sabi ni Neo. At tsaka na siya humarap sa akin

"Dali na, Kaite"

"Eh? Kinakabahan ako Neo" sagot ko

"Ba't ka naman kakabahan?"

"Eh baka kasi hindi ako matanggap. Tapos baka masungit yung manager nila"

"Hindi yan. Dali na! Pasok"

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok don sa office nung manager nila.

"M-Ma'am, m-mag-aapply po sana ako ng trabaho sa inyo"

"Okay, have a sit" aniya

Umupo na ako. Lumabas na si Neo kasi bawal daw ang may kasama sa loob. Kyahhh! Kinakabahan ako! Huhu!

"May i see your resume?"

"H-Here ma'am"

Sabay abot ko sa kanya nung resume ko. Agad naman niyang binuksan yon. Ng mabuksan niya yon ay agad siyang tumingin sa akin

"I'm sorry iha. But, you are in third-year college palang. Hindi kami tumatanggap ng hindi pa nakakagraduate sa college" malungkot niyang sabi

"A-Ahh o-okay lang ho. Sige salamat po" sagot ko

"Sorry talaga iha. Yun kasi ang patakaran eh"

"Okay lang ho. Sige po salamat nalang po" sagot ko

Lumabas na ako ng office. Lumapit agad sa akin si Neo. Lumabas na ako ng café, sumunod naman siya.

"What happened?" tanong niya

"Wala eh. Pano na to? Sabi ko pa naman, maghahanap ako ng trabaho pero hindi ako natanggap" malungkot na sagot ko

Lumapit siya sa akin at tsaka tinapik yung braso ko.

"Okay lang yan... So, ano?" nakangiting tanong niya

"Na ano?" tanong ko

"Pwede ka na bang sumama sa band namin?" nakangiting tanong niya

Napabuntong-hininga ako

"Pag-iisipan ko pa Neo" sagot ko

"Eh?! Andaya! Sabi mo--"

"Just give me a time okay?"

"Tsk! Sige" sagot niya

Pumara na kami ng taxi at tsaka na sumakay don

"Saan po ma'am?" tanong ni manong

"Sa Padis po kuya" sagot ni Neo

Napatingin naman ako sakanya

"Bakit tayo doon?" tanong ko

"Just a secret. May naiinip na kasi eh"

"At sino naman?"

"Kaiteeeeee! Please sumama kana sa band namin. Kaya tayo pupunta don ngayon eh ipapakilala kita sa manager namin at paeexamplehan ka kung gaano ka kagaling kumanta. Kung nagustuhan kaniya, edi boooom! Kasali kana sa amin" aniya

'Sasama ako o hindi? Aish! Ewan! Pero nandyan na eh! Aayawan ko pa ba?!'

"Ano?" tanong niya

"Aish! Kulit mo! Hindi nga ako mrunong kumanta!"

This Queen Don't Need A KingWhere stories live. Discover now