Kaitelyn's POV
Umakyat na ako ng kwarto ko. Humiga na ako sa kama at napabuntong-hininga. Diko alam kung bakit nag-open pa ng topic tungkol sa break-up namin ni Nathan si Neo. Oo, pinipilit kong kalimutan siya. Pero anong magagawa ko? Palage siya nalang ang nasa isip ko. At isa pa, nasa iisa pa kaming school na pinapasukan. Tama yung mga sinabi ni Neo kanina. Pero mahirap pa sa lagay ko ngayon, na sundin yung sinabi niya. Oo, minahal ko si Nathan ng buong buo. Pero ginago lang pala ako! Pagkatapos non, tumingin ako sa wall clock ko. 11:pm na pala. Pero hindi pa ako inaantok. Kinuha ko yung phone ko agad nagpunta ng mga pictures ko. Tinignan ko din yung pictures namin ni Nathan.'Siguro, dapat na kita kalimutan. At siguro, ito na yung umpisa ng pagmomove-on ko sayo. Sawa na kasi akong umiyak eh!' sabi ko sa sarili ko
Bumuntong-hininga pa muna ako bago ko pindutin ang 'delete'. Pagkatapos non, nilapag ko na yung phone ko sa table ko. At tsaka na natulog.
K I N A B U K A S A N
~Knock! ~Knock!
"Kaite, gising na. Kailangan mo pang mag-ready. 7am na oh! At sabi mo 8 am tayo pupunta. Gising na!"
"Wag ka ngang O.A jan Neo. Bukas yan!" sagot ko
Pinihit na niya yung door knob at tsaka pumasok. Umupo agad siya sa side ng kama ko.
"Ano? Hindi ka pa ba magre-ready?" tanong niya
"5 minutes" sagot ko
"Okay cge. Oh, kamusta tulog mo?"
"Okay lang naman. Medyo inaantok pa ako" sagot ko
"Hope you okay, Kaite"
"Mmm, I am. Sige na magreready na ako. May pagkain na ba?"
"Magluluto palang. Hihi! Dali na!"
"Cge" sagot ko
Lumabas na siya ng kwarto ko. Ako naman pumasok na sa banyo para maligo. After 20 minutes, ay nagbihis na ako at tsaka na lumabas ng kwarto ko. Pagbaba ko.....
~This queen don't need a king!
All i know, lalalallalala'A:N: sorry guys hindi ko memorize yung kanta. Pero itry kong sauluhin. Hihi!^_^
Nagpapatugtog si Neo at sinasabayan pa niyang kumanta. Umupo na ako sa sofa. Akala ko hindi ako mapapansin ni Neo. Pero..
"You are the queen don't need a king!" sigaw niya at turo pa sa akin
"Lol, Neo!"
"Hahahaha! Totoo naman eh! You are the queen don't need a king. Hahahaha"
"Baka siya! He didn't need a queen. Queen nga ako, sinayang naman ako. King nga siya, gago naman" sabi ko
"Ala! Ala! Ala! May paganyan-ganyan ka pa ah?! Move-on agad teh?!"
Sabay upo sa tabi ko
"Sabi mo kasi wag kong subukan. Gawin ko"
"Naks! Cge ituloy mo lang yan! At excited na ako! Hihi!"
"Huh? Ba't naman?"
"Secret. Tara na, kain na tayo" aniya
Tumayo na ako at pumunta na ng kitchen at umupo. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko sa kanya yon. Siguro nga, ito na ang tamang panahon para simulan ang pagmomove-on. Oo, tama! Kumuha ako nung sandwich na may egg. Ganon kasi kami ni Neo pag weekend. Kung hindi sandwich w/ egg, oats ang breakfast namin. Nakatatlo na ako pero parang hindi pa ako busog. Nung naubos ko na yung pangatlo, kukuha uli sana ako ng biglang magsalita si Neo
"Oy, ang takaw mo! Ito may oats ako dito. Gusto mo ba?"
"Ayoko niyan. Tapos kailangan ko talaga kumain ng marami para hindi ako kabahan mamaya"
"Hahahaha! Okie! Sebe me eh! Hehehehe"
"Hahahaha! Ekew den kemeen ke ng mereme pere mey lekes ke den memeye. Hahahaha!"
"Hahahaha. Ekey sege!"
"Hahahahahahahahahaha" sabay naming tawa
Miss ko na yung kalokohan namin ni Neo dati nung hindi pa dumating sa buhay ko si Nathan. Yung wala kaming inaalala kundi yung sarili lang naming dalawa. Loka-loka din kasi tong si Neo eh! Kaya namiss ko tuloy maging abnoy. Hahahaha! Dati kasi pag may problema ako, pinapatawa niya ako. Kaya nung simula nung nag-break kami ni Nathan parang pati siya nagbago din. Ewan ko, pero alam ko naman na kapag seryosong usapan, seryoso din siya. Gaya nalang kagabi.
"Osya! Hahaha! Dalian mo na jan. Baka majejemon na tayo dito"
"Hahahahaha" sabay na naman naming tawa
Binilisan ko ng kumain, pagkatapos nun ay kinuha ko na yung dapat kong dalhin at tsaka na kami lumabas ng apartment. Pumara na si Neo ng taxi at tska na kami sumakay don.
"Saan po ma'am?" tanong ni manong
"Sa café ho manong" sagot ko
Pinaandar na niya yun at....
"Shout out to my ex! Nenenenene. Oww baby! Shout to my ex! Hey look at me now! Hahahahaha!" sabay tawa niya
"Hahahahahaha!" sabay naming tawa
"Sabayan mo naman ako! Hahaha"
"Hahahaha. Shout to my ex! Hey you look at me now! He's to my ex! You never break me down! Oooohhhhh! Hahahahaha" sabi ko sabay tawa
"Hahahaahahaha!" sabay naming tawa
Natutuwa talaga ako pag kasama ko si Neo. Parang lahat ng problema ko, nawala ng dahil sa kanya. I'm so thankful kasi nagkaroon ako ng ganyang kaibigan.
"Hahahaha!" tawa uli ni Neo
"Salamat" sabi ko
Tumingin naman siya sa akin
"For what?"
"Thank you kasi hindi ka nawala sa piling ko. And thank you kasi gumaan yung pakiramdam ko"
"Pinapasaya lang kita Kaite. Alam mo naman na yung ugali ko diba? Hahaha! Thank you rin kasi nasasakyan mo yung mga trip ko kahit minsan nagkakasagutan tayo"
Ngumiti ako, at ganon rin siya
"Thank you Neo"
"Wala yon, ano ka ba! Hindi kasi ako sanay na malungkot ka Kaite. Kaya ginagawa ko yung best ko para lang mapasaya ka. 4 days? Sa apat na araw na yon, ang ginawa mo magmukmok at umiyak. Hindi kita nakikita pero alam ko sa sarili kong umiiyak ka. At sa apat na araw na yon, napabayaan mo na ang sarili mo. Pati pagbabasa ng libro, wala na. Ganyan ba ang sapak sayo nung pinsan ko, para magkaganyan ka? Kaite, hindi lang naman siya ang lalake sa mundo. Kaya wag kang tanga Kaite. Hindi lang naman siya ang lalake dito sa mundo. Ba't ka nagsasayang ng luha sa kanya? Yung taong gagong yun! Kinakalimutan! Hindi iniiyakan!"
Natawa naman ako ng mahina. Alam kong concerned siya sa akin. Kaya ganyan siya magsalita ngayon. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap.
"Hahahahaha! Gagawin kong hindi maging tanga sa kanya, Neo. At masyado na akong maganda para magsayang ng luha sa kanya. Hahahaha! At sabi mo pa diba, uso sa maganda ang magmove-on? Hahahaha! Gagawin ko din yon. Wag kang mag-alala! Hindi ko pa alam kung magagawa ko ngayon. Pero gagawin ko talaga. Haha!"
"Ikaw kasi! Sabi ng wag mo siyang mahalin! Yan ka tuloy!"
"Hahahaha! Dibale dina mauulit"
Kumalas na siya sa pagkakayakap at tsaka ako pinalo sa braso. Tumawa naman ako ng mahina
"Nakakainis ka! Wag mo ng uulitin yon ah?!"
Natawa nanaman ako sa kanya
"Tsk! Subukan mo pang ulitin yon! Makakatikim ka talaga sa akin!"
"Hahahahaha! Oo na! Hindi na!"
"Siguraduhin mo lang ha?!"
"Oo naman!"
"Osya! Halika na baba na tayo. Hahahaha!"
Bumaba na kami ng taxi. Nasa tapat pa kami ng café. Ayoko pa pumasok, kinakabahan ako.hahahaha!