AN: Pasensya nga pala don sa kaibigan ko. Besh, sorry kung nabibitin ka sa story ko! Hahaha! Alam mo naman ang Lola mo! Kuripot sa load! Hahahaha! Into na yung kasunod niya! Hihi!^_^ Besh, hindi ko alam kung may book two pa ito. Basta basahin mo nalang! Haahah! Yan lang! Mwaps!:-*
-Jl AN MNOISChapter 16
[*Kaitelyn*]
Nasa bahay na kami ni Kenz ngayon. Lumapit naman si Kenzo sa akin at bumulong
"Kausapin mo na si mommy. Ikaw lang hinihintay nun" nakangiting sabi ni Kenzo
Tumango naman ako
Umakyat na ako at tsaka kumatok sa pinto ng kwarto ni mom
Kumatok ako ng dalawang beses. At..
"Come in" sabi ni mom
Pumasok na ako. Nakita ko agad silang nakaupo sa kama habang inaayos ito
"Oww? Kaite baby"
Hindi ko sila sinagot
"May sasabihin ka ba?--"
Naputol yung sasabihin ni mom ng yakapin ko siya
"Sorry" naiusal ko
"S-Sorry for what?"
"Sorry for everything. Sana mapatawad niyo pa ako mom"
"What do you mean?"
Ihinarap niya ako sa kanya at tsaka niya ako tinitigan sa mga mata
"Sorry mom kasi hindi ko man lang sinabi sa inyo na p-pinalayas ako d-dito" utal na sabi ko
"Hayyy! It's okay baby. Naiintindihan naman kita eh! Wala akong galit sayo, kay daddy mo lang talaga. Kasi... Look... Ikaw nga ginagawa mo na nga ang tama pero sa mga mata niya 'mali' parin para sa kanya. At idagdag mo pa yung kampihan nila nung babae niya diba? Kaya siguro kung ako ang nasa posisyon mo? Mas gugustuhin ko nalang ang lumayas dito para hindi na makagulo" sabi ni mommy "And now, he's already explain it to me. But... Ayoko parin siyang kampihan sa lahat ng nagawa at ginawa niya para sa family natin. Nung una... Oo... Galit ako sayo. Pero nung nalaman ko lahat ng totoo, ikaw pinili kong kampihan kesa sa daddy mo. Ikaw ang pinili kong intindihin kesa sa daddy mo. So don't be sorry, okay? Done is done. Don't worry, hindi ako galit sayo. Arasseo?"
"S-Sorry m-mom" sabi ko at tsaka na nag-umpisang umiyak
Niyakap naman ako ni mommy. Niyakap ko na rin siya pabalik
"I'm sorry. Sorry kung naglihim pa ako sa inyo ni Kenzo. Kahit alam kong kayo nalang ang makakatulong at makakaintindi sa a-akin" sabi ko
Hinagod naman ni mom yung likod ko
"W-Wala na yon, okay?" naiiyak na sagot ni mom
"Sorry" naiusal ko ulit
Ihinarap niya ako sa kanya at pinahid yung mga luha sa pisngi ko gamit ang daliri niya.
"Wala na sa akin yon... Sa amin ni Kenzo. Alam kong mahirap buuin muli yung dating tayong magkakasama. I try my best to fix this problem. Gagawin ko din ang lahat para lang sumaya ang ating pamilya. Kaya... Wag kana umiyak jan! Maayos din to. Trust me" sabi ni mom
'Sana nga po mom' sabi ko sa sarili ko
"Sana po ganon kadaling buuin yung dating meron ang ating family mom. And sana bago maayos to... Sana magkaayos muna kayo ni dad" sagot ko
"Pinapakita at ginagawa naman niya na desidido talaga siyang mabuo ulit ang pamilya natin" nakangiting sabi ni mom "No more dramas na! Osya! Kumain kana ba ng dinner?"
"Hindi pa po mom. Sabay-sabay na po tayo" pilit na ngiting sabi ko
Tumango naman si mommy at tsaka ngumiti
Bumaba na kami ni mommy. Nakita ko pang nakangiting tinignan ako ni Kenzo. Pinauna ko munang maglakad si mommy bago lumapit sa akin si Kenzo
"Ano? Okay na ba?" tanong niya
Tumango naman ako
"Thank you" sagot ko
"Aish! Sabi naman sayo Noona eh! Tara kain na tayo?!"
Tumango ako at tsaka siya sinundan sa kitchen. Umupo na kami pareho ni Kenzo. Nilatagan naman agad ako ng mga maid ng pagkain sa plate ko.
'Thank you for this day. God!' nakangiting sabi ko sa sarili
Nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan din kami, at nagtawanan. Na para bang walang iniindang problema. Hays! Sana naman ganito kami palage!
Hays! Napabuntong-hininga ako
Mabilis din naman naming naubos yung food
Pagkatapos non, umakyat na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto.
Pagkaakyat ko, pabagsak akong humiga sa kama ko.
Namiss ko to! Namiss ko bawat sulok ng bahay dito!
Ilang minuto ang lumipas hanggang sa makatulog na ako.
K I N A B U K A S A N!
[T__T]
Goodmorning!
Bumangon na ako sa kama ko dahil naamoy ko na ang masarap na niluluto ni mommy
Bumaba na ako at tsaka pumunta sa kitchen. At tama nga ako, dahil nagluluto nga ng bistek si mommy! Hahahaha! Bistek tawag ko dun eh! Pakealam mo?! Hahaha! Joke lang!
"Goodmorning!" I greeted
"Goodmorning baby! Kain kana" masayang sabi ni mommy
Umupo na ako at tsaka na nagsimulang kumain. Ng bigla namang magsalita si mommy
"Ehem! Nga pala baby, gusto ko sanang mkita yung apartment na tinitirahan mo" sabi ni mom
"Next time mom. Pag nakapag-transfer na si Kenz dito" sagot ko
"Okay cge. Cge na Dalian mo na jan baby at were going to church now" sagot ni mom
Gaya ng sabi ni mom ay binilisan ko ng kumain
Pagkatapos non, naligo na rin ako at tsaka nagbihis. Bumaba na ako
"Oww? You look pretty like me baby" nakangiting sabi ni mom
"Hahahahaha!" tawa ko
"Gaja?"
Tumango ako. Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Pumasok na kami sa loob ng kotse at tsaka na sinimulang paandarin iyon ni Kenzo