Chapter 2

3 1 0
                                    

Kaitelyn

Goodmorning^_^

Maaga akong nagising para magluto ng food for us. Hihi! Nagluto ako ng hotdog at tsaka itlog. Pagkatapos non, umupo na ako at tsaka na kumain. Sakto namang bumaba na si Neo

"Oww? Akala ko tulog ka pa eh! Aga mo ah!"

"Hihi! Syempre! Para hindi kana mahirapang magluto. Hindi ka pa nga papasok pero ikaw ang paglulutuin ko"

"Awww! So sweet! Sige bilisan mo na jan"

Tumango naman ako at tsaka ngumiti. Gaya nga ng sabi niya ay binilisan ko nang kumain. Pagkatapos non, nagpaalam na ako sa kanya

"Neo, alis na ako"

"Sige, ingat ka. Balitaan mo nalang ako ha?"

"Sige.. Sige" nakangiting sagot ko

Lumabas na ako at naglakad papuntang waiting area. Inagahan ko talaga kasi mahirap sumakay dito. May dumaan ng taxi kaya agad ko itong pinara. Sumakay na ako, tumingin naman ako sa katabi ko. Pero hindj ko na siya pinansin. Sinalpak ko nalang yong headset ko sa tenga ko at nagpatugtog. After 15 minutes, ay nasa campus na kami. Nagbayad na ako at tsaka na bumaba. Pumasok na ako sa campus. Pagpasok ko, hinanap ko agad yung room ko. Nung mahanap ko na, ay tsaka na ako pumasok. Sakto naman pumasok na yung teacher. Isa-isa naman kaming nagpakilala sa harapan. Pagkatapos ng pagpapakilala, kinopya namin yung sched namin. Kasalukuyan kaming walang klase ngayon. Nilabas ko naman yung headset ko at tsaka nagpatutog. Bored na ako eh! May tumabi naman sa akin na babae. Kaya napatingin ako sa kanya

"Hi. I'm Kyla"

"Kaitelyn" nakangiting sagot ko

"Taga saan ka nga pala?"

"Uhmm, jan lang sa may apartment. Ikaw?"

"Ahh sa Gozon Village ako" nakangiting sagot naman niya

"Ahhh"

Sakto namang nag-bell. Tumayo na ako, maglalakad na sana ako pero pinigilan ako netong si Kyla ba to? Aish ewan!

"Uhm, Kaitelyn. Saan ka pupunta after this?"

"Ah, maglilibot-libot lang. Ikaw ba?"

"Ahh okay. Pwede sumama?"

"Uhmmm. Sure!"

"Sige"

Nagsimula na kaming maglakad, ng magsalita siya

"Bago ka dito?"

"Ahh oo, galing akong Luna University. Ikaw?"

"Ah matagal na ako dito. Bumagsak kasi ako sa ngayong third year"

"Ahh. So, ikaw pala ang magiging tour guide ko"

"Sure! Hihi! Saan mo ba gusto pumunta?"

"Pwede ba lahat?"

"Haha. Sige, sige"

Nilibot nga namin lahat ng bawat sulok ng campus. Malawak at malaki pala tong campus na to, kesa sa Luna. Yung mga gym at mga field nila, malawak. Pati na rin yung mga rooms dito. Ng makaramdam na kami ng pagod ay nagpasya na kaming umupo.

"Uhm, Kaite. Bibili lang ako ng tubig sa canteen. Ikaw? Magpapabili ka ba?"

Umiling lang ako.

"Okay cge"

Umalis na siya. Nilabas ko ulit yong phone at headset ko at tsaka nagpatugtog.

"Hahaha! Alam niyo bagay talaga kayo, Nathan!"

This Queen Don't Need A KingWhere stories live. Discover now