Chapter 1

16 1 0
                                    

Kaitelyn

Nasa bahay ako at nakaupo ng tumunog yong phone ko. Kinuha ko agad yon at tsaka sinagot

"Hello?"

"Kaite"

"Oww for how many days?! Ngayon kalang tatawag?!"

"Kaite. Ano kasi--"

Si Nathan yan, boyfriend ko. Oo boyfriend ko. Tss. Ang tagal kong hinintay yung tawag niya, pero ngayon lang nagparamdam. Sabi niya kasi busy daw siya

"Anong 'ano kasi'?! Nathan kung alam mo lang! Kung alam mo lang talaga! Mukha na akong tanga kakahintay ng tawag mo pero, ngayon kalang nagparamdam?! Sabi mo busy ka?! Pero--"

"Let's break-up"

Natigilan ako sa puntong yon. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin yon. Matagal bago ako nakapagsalita. Nangingilid na rin yong luha sa mata ko

"What?! Matapos mo akong pagmukhang tanga dito kakahintay sayo?! Tapos l-let's break-up ang sasabihin mo?!"

"Kaite, ayoko na. Kaite please, ayoko na"

Hindi ko na napigilang umiyak. Pero hindi ko pinarinig sa kanya

"Sorry"

Narinig kong sabi niya

"Sorry?! Wow lang Nathan! Nagmukha na nga akong tanga dito! Tapos 'sorry' lang sasabihin mo?!... Fine! Let's break-up!"

Pagkatapos non, binaba ko na agad yong phone ko. Napahilamos nalang ako gamit yung dalawang kamay ko. Sh*t! Feeling ko, niloloko niya lang ako nung una palang. First boyfriend ko siya, kaya hindi ko na napigilang umiyak. Malay ko sa pag-ibig na yan! Sabi nila normal lang yon, kasi nagmahal kalang naman. Pero sh*t! Iba yung impact niya sa akin eh. Yung feeling na ayoko na siyang iwan. Yung kami na forever. Pero, totoo pala yung sinasabi nila na wala pala talagang forever. After ng pagdadrama ko, may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko

"Kaite, okay ka lang?"

Si Neo, room mate ko. Ilang buwan na din akong wala sa poder ng mama at papa ko. Close na kami ni Neo, halos lahat nga ng secrets ko alam niya.

*Sigh*

"Oo, Neo. May ginagawa lang akong paperworks" i lied

"Osige. Baba kana mamaya ha? Nagluto na ako ng lunch natin"

Hindi ko na siya sinagot. Pinunasan ko naman na yong luha ko. Pumunta muna ako ng banyo at tsaka naghilamos. Pagkatpos non ay tsaka na ako bumaba. Umupo na agad ako sa upuan.

"Okay kalang ba talaga?" tanong niya

Tumango naman ako

"Are you sure?"

"Oo nga"

"Tss. Wag ako, Kaite kilala kita. Ano ba kasi yon?"

Hindi ko na napigilang umiyak.

"Oh God!"

Niyakap naman ako ni Neo. At tsaka hinaplos yong likod ko.

"Ano bang nagawa ko sa kanya, bakit niya ako iniwan?! Ang tagal ko nga siyang hinintay na tumawag. Sa kakahintay ko na yon, ito lang pala mapapala ko?! F*ck! Ang tanga tanga ko! Neo, ang tanga tanga ko"

"Shhhh. Wag mo sisihin yang sarili mo, Kaite. Kung ayaw na niya? Edi fine! Hindi naman siya kawalan! Kaya wag mo na siyang iyakan. Sabi nga nila, may nakalaan para sa atin. Kaya don't cry, okay? Kaite, remember hindi lang siya ang lalake sa mundo. Wag kang mag-aksaya ng luha ng dahil lang sa kanya"

Lumakas pa lalo yung pag-iyak ko.

"Ano ba, Kaite! Tama na okay?"

"N-Neo, minahal ko naman siya. Pero, naiwan lang akong luhaan. Akala ko kami na forever, pero akal ko lang pala yon. Neo, ang sakit eh! Ang sakit sakit!"

"Shhhh. Ganito nalang! You like to join me? Pumunta tayo sa mall, sa padis--"

"Ayoko Neo, salamat nalang"

"Are you sure?"

Pinunasan ko yong luha ko at tsaka ngumiti. Pekeng ngiti.

"Okay"

"Wala na akong gana kumain. Akyat na muna ako"

Tatayo na sana ako, pero nagsalita ulit siya

"Te-Teka lang! Hindi ko mauubos to! Kumain ka muna kahit konti. Sige na, Kaite"

"Wala na akong gana. Sige akyat na ako"

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nahagip naman ng paningin ko yung litrato namin ni Nathan sa study table ko. Lumapit ako don at tsaka kinuha.

"Tss. Let's break-up, let's break-up ka pang nalalaman. May surprise ka sa akin noh? Tama! Baka nga may surprise ka sa akin, kasi ang tagal kong naghintay sa tawag mo eh!"

Napangiti naman ako, siguro may sorpresa siya sa akin bukas kaya sinabi niya kunwari na let's break-up. Humiga ako sa kama, habang yakap-yakap yong picture. Pero hindi ko napigilang malungkot, seryoso kasi yong pagkakasabi niya non eh. Pero, baka nga may sorpresa siya sa akin. Hihi! First day of school bukas. Pero hindi ko makakasabay si Neo kasi sa isang araw pa siya papasok. Ibinalik ko na yung litrato sa study table ko at pumunta ng banyo. Naligo ako at tsaka nagbihis. Tumingin ako sa wall clock ko, at 3pm na. Bumaba akong nakangiti.

"Oh, nakangiti ka jan? Don't tell me, nakamove-on kana agad?"

"Hahaha! Hindi ko kailangan ng move-on na yan! Hihi!"

"Hay nako! Kanina nagdadrama ka. Tapos ngayon? Anyare sayo? Nasapian ka ba?"

Lumapit naman siya sa akin at kinapa pa yung mukha ko

"Teka nga! Wag O.A okay?"

"Ano ba kasi nangyare sayo? Kanina lang--"

"Kasi Neo, feeling ko sinabi lang ni Nathan sa akin para isurprise ako bukas. I mean baka may surprise siya sa akin bukas. Tapos baka magsosorry siya sa akin or what kasi hindi siya nakatawag ng ilang araw"

"Tss. Hindi ako naniniwala jan"

"Ang lakas ng kutob ko, Neo eh! Myghad! Ano kaya yon? Sana surprise talaga"

"Hayy nako! Wag ka ngang mag-assume jan teh! Let's break-up na nga eh! Ang tanong, seryoso ba siya nung tinanong niya sayo yon?"

Tumango naman ako sabay lungkot face

"Tumpak! Tss! Hindi yan surprise Kaite! Seryoso pala yung pagkakasabi sayo non eh! Ano pang--"

"Tss, hindi pa nga natin alam eh! Malay mo, kunwari lang yon"

"Tss. Kaite, kilala ko buong pagkatao ni Nathan. Wala siya niyang sinasabi mo. Kaya Kaite, gumising ka nga!"

"Tss. Basta excited na ako bukas! Pumasok kana kasi bukas para sabay natin makita"

"Tss. I'm not interested, Kaite. Balitaan mo nalang ako. Kung! Totoo!"

Pinagdiinan pa niya talaga yung 'kung'

"Tss. Sige" sabi ko habang nakangiti

Tumayo naman siya at nagtungong kitchen. Tumingin ako sa wall clock namin, at 7pm na pala. Ang bilis ng oras. Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni Neo para kumain kaya umupo na ako.

"Ba't ba kasi sa isang araw ka pa papasok, Neo?" tanong ko

Tapos na akong kumain kaya tinanong ko siya

"Kulang pa kasi yong gamit ko. At tsaka may pinadala si Mama na pera. Sakto bukas nalang ako bibili" sagot niya

Tumango naman ako

"Sige akyat na ako. Mag-aaral pa ako eh"

"Sige"

Tumayo na ako at umakyat na ng kwarto ko. Umupo agad ako sa study table ko at kinuha yung libro

This Queen Don't Need A KingWhere stories live. Discover now