Kaitelyn's POV
~Knock! ~Knock!
May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya bumangon na ako. Alam kong si Neo yun, kaya bumangon na ako at dumeretsyo na sa banyo. After non, sinuot ko na yung uniform ko. Bumaba na ako, sakto namang nakaupo si Neo sa sofa kaya tumingin ako sa kanya at umupo."Oh" abot niya sa akin nung sobre
Pinagkunutan ko naman siya ng noo
"Ano to?" tanong ko
"Tumawag ang daddy mo sa akin. Pinapabigay niya yan sayo" sagot niya
Agad kong binuksan yon. Nung makita ko yung laman non, binalik ko agad yon kay Neo. At tumayo. Kilala na ni Daddy si Neo, nung minsang makita niya kaming nasa mall. Sinabi pa sa akin ni Neo, na kinuha ni daddy yung number ni Neo para ipakamusta ako sa kanya. Tsk! Akala ko wala na silang paki?! Pero bakit, nag-aalala pa sila sa akin?! Actually, yung magaling kong step-mother ang nagpalayas sa akin. Dahil nga kakampi niya si daddy, eh wala na akong nagawa.
"Kaite, alam ko galit ka pa sa daddy mo. Pero Kaite, kailangan mo din yan para sa pang araw-araw na gastusin mo at para na rin sa pag-aaral mo" aniya
"Hindi ko kailangan yan, Neo. Kung gusto kong magkapera? Edi magtatrabaho ako! Hindi ko kailangan ng pera nila"
"Tss. Ang tigas talaga ng ulo mo! Kaite, makakatulong yan sayo" sagot niya
"Eh ayoko nga eh! Ano pa bang magagawa ko?! Ibalik mo yan kay Daddy, hindi ko kailangan yan"
"Aishh--"
"Sige na, aalis na ako" sagot ko
"Te--"
Hindi ko siya pinatapos magsalita at agad na akong lumabas ng apartment. Naglakad na ako sa waiting area. Sakto naman na may taxi ng dumating. Oo kailangan na kailangan ko ngayon ang pera. Pero para saan pa? Kaya ko naman magtrabaho mag-isa. Pero ang nakakainis lang, ni isang inapplyan ko, wala tumanggap sa akin. Tsk! After 10 minutes, ay nasa campus na ako. Bumaba na ako, pagkatapos kong magbayad. Pagpasok ko.....
'Nakita ko si Nathan at yung bago niya na nagtatawanan' tsk!
Lalagpasan ko na sana sila, kaso napatingin naman sa akin si Nathan. Medyo nagulat pa siya nung makita ako. Agad naman siyang umiwas ng tingin. Hindi ko na sila pinansin, at nagsimula ng maglakad. Omyghad naiiyak ako! Masakit parin kasi sa akin na, yung taong minahal mo ng sobra. Eh niloko kalang pala. Tumulo yung luha sa pisngi ko, matapos kong maalala yon. Pinunasan ko agad yon, at nagtungo na ng building ng room ko. Papunta na sana ako sa room ng...
~Blaaaaaaag!
Nabunggo ko yung lalakeng may hawak ng coffee kaya nabuhos sa akin yon."Ops! So-Sorry" aniya
Inis naman akong lumingon sa kanya. At sa minamalas naman! Yung lalakeng nanghila ng upuan don sa canteen.
"Ano ba kasing problema mo?! Ang luwag luwag ng daanan, mabubunggo mo pa ako?!"
Tumingin siya sa akin. Mula ulo hanggang paa. At tsaka...
'Tumawa'
"Hahahaha! Sorry, hindi kita nakita" aniya
"Hindi nakita?! King ina, hindi naman ako kasing liit ng hayop para hindi mo makita!"
"Hahaha! Wag kang mag-alala bagay naman sayo eh" natatawang sabi niya
Pasalamat siya hindi siya nabuhusan!
"Labhan mo to" seryosong sabi ko
"A-Anong labhan?!"