Kaitelyn's POV
Nasa apartment na ako ngayon, at nagpapahinga sa sofa. Nagsalpak ako ng headset sa tenga ko. Boring eh! After non, iidlip na sana ako ng marinig kong bumukas yung pinto. Tumingin na ako don kung sino ba yun.
"Oh nandito kana pala" si Neo
Tinanguan ko lang naman siya. Umupo naman siya sa isang sofa at humiga.
"Kamusta?" tanong niya
"Okay lang. Nakakabanas lang" sagot ko
"Uhm, Kaite"
"Mmm?"
"Gusto ko sana ulit tanungin sayo kung gusto mong sumama sa band namin. Kailangan na kailangan na kasi namin eh"
"Sinabi ko naman--"
"Pero Kaite kasi makakatulong din naman sa atin yon. At lalo na sayo" sagot niya
Napaisip ako.... Kung sasali ako sa banda nila, eh kada may rocket sila makakaipon ako don ng mga gastusin ko.
"Mmmm. Oo nga, Neo"
"So, pumayag kana?"
"Nope. In one condition" sagot ko
"Ano naman yon?"
Umupo siya at tumingin sa akin
"Mag-aapply ako sa ibang workplace, tapos kapag hindi ako natanggap eh sasali na ako sa band niyo. Pero... Kung natanggap ako, eh sorry nalang" sagot ko
'Okay na siguro yan' kesa naman umasa pa ako sa pera nila daddy.
"Deal?" tanong ko
"D-Deal. But i'm not promising" sagot niya
"Tsk! Bahala ka"
"O-Oo na! Tss. Sige na!" sagot niya
"Okay" sagot ko
'Okay na siguro yon'
Iidlip na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita
"Kain tayo, Kaite. May cake and ice cream sa ref" sabi niya
"I'm not in a good mood, Neo. Matutulog nalang ako" sagot ko
"Okay. Nga pala, gusto ka makita ng mga ka-band ko. Naikwento kita kasi sa kanila. Tapos sabi pa nila pupunta sila dito, pero sabi ko ipapakilala nalang kita sa kanila" aniya
"Okay" sagot ko
"O-Okay. Take a good rest. Gigisingin napang kita pag magdidinner na tayo" sabi niya
Hindi ko na siya sinagot at nagsimula ng matulog.
Neo's POV
Kasalukuyan akong kumakain mag-isa ng ice cream at cake. Matutulog pa daw kasi si Kaite. Tsk! Wala namang pasok bukas kasi may meeting ang parents. Pagkatapos kung kumain, binuksan ko nalang yung T.V. At syempre nanood. Nasa kalagitnaan ako non ng biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko naman agad yon.~Lee Calling~
Agad ko namang sinagot yon. Niloud-speaker ko pa kasi netetemed eke elegey se tenge ke. Hahahaha! Jejemon. Amp!
"Oh?!" tanong ko
"Hinahanap ka namin ni Kyle dito sa campus. Nasaan ka?"
"Nasa apartment na ako. Bakit?"
"Wala. Papalibre sana kami. Hahaha! De joke!"
"Tss. Ano nga?!"
"May rocket kayo bukas diba?"