Chapter seventeen
[*Sweden Lee*]
Goodmorning! ^__^
Sunday ngayon kaya bumangon na ako at tsaka na naligo
Bumaba na ako pagkatapos non. Nakita ko na agad sila mommy at Shane sa sofa kaya lumapit na ako
"Goodmorning!" I greeted
"Goodmorning baby!" si mom yan
"Tsk! Maganda ata tulog mo?" singit naman ni Shane
"Oo! Bakit?!" tanong ko
"Nothing! Bilisan mo na at kumain kana don para maaga tayong makapag-mass" masungit na sabi niya
"Tsk!" singhal ko
"Hayaan mo na baby. Cge na kumain kana don" sabi ni mom
Pumunta na ako ng kitchen at agad na kumuha ng sandwich at milk. Pagkatapos non, sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay.
Pumasok na kami sa kotse. Sinimulan ko naman ng paandarin iyon papuntang church.
Gusto daw kasi ni mom na makapag-mass sila ngayon kasi bukas ang alis nila. Pero babalik nanlamang sila dito kasi remember dito mag-aaral yung babydamulag na kapatid ko. Hahaha!
After 20 minutes ay nasa tapat na kami ng church. Humanap pa ako ng pwedeng parkhan ng kotse. Ng makanahap na ako, ay agad na akong bumaba para pagbuksan sila ng pinto ng kotse.
Bumaba na si mom, gayundin naman si Shane. Pumasok na kami, nagtirik pa muna ng kandila si mommy bago kami maupo. Ng maupo na kami, agad ko namang iginala ang paningin ko. At sa hindi inaasahang...
Nakita ko pa tong magaling na babaeng to! Tsk!
Inis kong iniiwas sa kanya ang paningin ko. Nagsimula ng mag-misa si father kaya nakinig nalang ako:)
Natapos na din naman agad yung mass kasi may ikakasal daw na magaganap. Tumayo na kami at tsaka na lumabas ng church.
Sasakay na sana ako, pero may bigla akong naisip.
Haha! Yare ka sa'kin ngayon! sabay evil smile
Hahahaha! Aasarin ko lang siya!
"Umm mom. Mauna na po kayo ni Shane" sabi ko
"Ha? Bakit?" tanong ni mom
"A-Ahh nakikipagkita kasi sila sa akin yung mga ka-band ko eh. Hehe" sagot ko
"Ahh ganon ba? Osya! Take care baby" sagot ni mom
"Thanks mom. Ingat din po kayo" nakangiting sagot ko
"Cge"
'Phew!'
Muntik na yon ah?! Kumaway muna sa akin si mommy at bago tuluyang umalis. Nung hindi ko na matanaw yung kotse namin ay agad kong iginala yung paningin ko. At nakita ko naman siya! Hahaha!
Lumapit na ako sa kanya. Paglapit ko...
"Nagsisimba ka din pala. Akala ko kasi hindi eh! Hindi kasi halata sa itsura mo" nakangising sabi ko
Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin!..
"Excuse me?"
"Tsk! Nagsisimba ka pa din pala kako! Pero hindi naman halata sa itsura--"