Ikatlong Kabanata | Teacher?
Oh my god! Heto nako. Malapit nako sa rooftop. Hwaa. Grabe na tong kabog ng puso ko. Magustohan nya kaya tong luto ko? E first time ko lang naman magluto. Ano ba kasing nasa utak nya? Hindi naman purke nagsusulat ako ng ganon, magaling din ako sa ibang bagay.
T-Teka... Ibang bagay? Andaming balita na nangyayari dito sa rooftop ng school. Ibig sabihin ba non? Hwaaa! >///< Ano ba 'tong utak ko. Badtrip.
Pagbukas ko ng pinto sa rooftop, pansamantala akong nabulag sa pagsikat ng araw sa mga mata ko. Ng bumalik ang vision ko, patuloy akong naglakad hanggang sa nakita ko sya, nakaupo katabi ng hagdanan patungo sa water tank ng school.
"O." Sabi ko, sabay abot ng baunan. Tapos tumayo lang ako, sobrang awkward nga e. Haaay. Ano ba 'tong napasok ko.
"Uso umupo ganda." Sabi naman nya, habang pinapat yung sahig na malapit sakanya.
Ganda..
Ganda..
Ganda..
Totoo ba 'to? Si 'Kyle Rodriguez', tinawag akong maganda? Oo, ganon sya kasikat, ganon bigatin ang pangalan nya na kailangan pa ng quotes sa itaas para labg maidescribe sya. Sinunod ko naman sya at umupo nga, hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ang pangit naman kapag pinanuod ko lang siya kumain. Para naman akong tanga non, diba?
Ayan, nilabas ko nalang ang cellphone ko at tratrabahuhin ang kasunod na chapter ng storya ni papa. Oo, storya siya ni papa at hindi saakin. Tatlong taon na ang nakalipas ng namatay si papa, at pagkatapos ng burol ay napagkaalaman ng kompanya niya na kaya ko rin magsulat ng mga mala-rated18 na istorya. Tatlong taon.. Thirteen years old ako nung nag-umpisa ako sa fiction stories na ginagawa ko para sa mga fans ni papa, aga no? Kailangan e, si mama masyado ng mahina ang katawan para magtrabaho. Kaya sabi ko, ako nalang ang magtatrabaho at siya nalang ang bahala sa bahay. Saka kahit ganon, masaya parin kasi parang kasama ko parin si papa.
Kapag nai-isip ko si papa, hindi ko mapigilan ang dalawa o tatlong luha na pumatak. I really do miss him.
"Oy. Bakit ka naiyak? Wag ka nga umiyak dyan. Anong iisipin ng mga tao na ginawa ko sayo." Kung ang tawag niya dyan sa ginagawa niya ay pag-comfort, it's not working. Nakakinis siya, wala kahit isang patak ng ka-sweetan sa katawan.
"Wala, none of your business." Pag-iwas ko ng tingin sakanya, pinunasan ko na rin ang mukha ko. Sabay hablot niya ng cellphone ko, "Hindi naman malungkot yung sinusulat mo, anong iniiyak-iyak mo?"
"Ano ba! Wala kang karapatan na kunin nalang ng basta basta ang cellphone ko!" Pasigaw kong sinabi, at nagbago ang expression ng mukha niya. Naging seryoso at mukhang galit. Sa sobrang lapit ng pagkakaupo ko sakanya, madali niyang nahawakan ang baba ko at hinarap ang mukha ko sakanya. Wala nakong nagawa kundi pumikit, at antayin ang susunod niyang kilos.
Napakalapit ng mukha niya sakin na nararamdaman ko na ang hininga niya sa ilong ko, mas matangkad kasi siya saakin ng five inches lang naman. Pero ito na nga ba yon? Sakanya ko ba mararanasan ang first kiss ko? Dito sa playboy na 'to.. Siguro nga kapag ginagawa ko yung mga novels ni papa masaya ang mga kissing scene, kasi yong ang pagsindi ng kandila. Yon ang nagpapainit, since first step siya. Pero ngayon na iniisip ko na mawawala na ang first kiss ko... Parang hindi pako ready. Ayaw ko pa. Ayaw ko ng ganito. Hindi ba pwedeng mas sweet? O kaya naman sa boyfriend ko man lang manggaling, hindi sa malibog na lalake na 'to.
Siguro, nagtagal kame ng halos limang minuto na nakaganon lang. Hahalikan niya ba ako o hindi? At pagkaisip ko non, saka ko naramdaman ang mga labi niya.. sa ilong ko. Inismack niya yung ilong ko, at napamulat ako.
"What was that?" Tanong ko, hinahawakan ko ang mainit kong ilong.
"First kiss ng ilong mo." Pag-ngiti niya, tumuturo pataas sa hangin na para bang tumuturo sa blackboard. Aba! At kinindatan pa ako.
"Tigilan mo nga ako sa pagpapa-cute mo!" Sabi ko, pakunwareng galit. Ang hirap lang sabihin na effective kase e! ╭(╯ε╰)╮
"At sinong nagsabi na nagpapa-cute ako? E cute naman talaga ako." Sabi niya, hinawakan ang baba nya ng dalawang kamay na para bang ginagawa ng mga serena kapag nakadapa sa buhangin. Nako, nako! Ang yabang niya talaga!
At ng binalewala ko ang pagpapacute niya, bigla nalang siyang nagsalita. "Okay! It's decided. Ako ang magiging s*x teacher mo."
S-s*x teacher? Nagbibiro siguro siya. Hahaha.
Tiningnan ko lang siya na para bang nasisiraan na siya ng ulo, ayoko nga no! Nonononono. I can write my stories without him, no thank you!
"Seryoso ako. Minsan, kapag binabasa ko ang novel mo. Para bang inaantok na ako, kasi hindi na siya ganon ka-steamy. Dahil na din siguro sa pagka-inexperienced mo." Pagbuntong hininga niya sa tabi ko.
"At sinong may sabi na virgin ako?" Matapang kong tanong, hindi ako papatalo dito sa kumag na 'to no! Never ever. At hindi ako papayag na lait-laitin niya ang gawa ko! Hmp.
"Ah, so hindi ka na pala virgin. So papayag ka kung sabihin kong gawin natin ngayon?" Seryoso niyang tanong, matinding pagtitig sa mata ko ang ginawa niya. At tiningnan ko din siya pabalik.
"A-at sa tingin mo papatol ako sa'yo ng ganon ganon lang? K-kapal mo 'no!" Shit, nagstutter ako. Napakasama ko talagang liar. Tss.
"Yon nga ang inakala ko e, oo na. Virgin ka na. S*x teacher mo'ko. Sabay si mama ang teacher mo sa pagluto, mukhang mafu-food poisoning pa'ko sa kinain ko e. Pasabi pala kay tita ang sarap ng omelette niya." Sabi niya, sabay pasa pabalik ng baunan sakin.
"P-paano.."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya, "Ang dali mo basahin miss Montero. Effortless ang first time mo magluto at nagpatulong ka pa kay mama mo. Wag naman nating gawing Korean novela ang buhay mo, gasgas na yan e. Let's be unique. Every Saturday, pupunta ka sa bahay. Sa umaga, tuturuan ka ni mama sa pagluto at sa hapon, I'll be your teacher. Please take care of me, X."
Hindi nga Korean novela, gagawin niya namang Japanese p*rn. Urg! Sino ba siya sa inaakala niya. Ang sarap niyang bugbugin. Gawa siya ng gawa ng mga plano na hindi pa ako umo-oo, kung hindi niya lang alam ang sikreto ko.. Minurder ko na sana siya!
°°°°°
Author's Note: Okay, sobrang tagal ng update. Pero promise, tuloy 'to. Pero don sa mga nagaabang lg ng s*x scenes, sorry. Hindi po ito puro s*x lang. May storya din po siya. ☺
- Lady J ♕
08/29/14
BINABASA MO ANG
Unexpected Author
RandomHOY IKAW! Wag mo basahin to! Please, sa mga inosente dyan. Pagsisisihan niyo promise :( Habang buhay na siya tatatak sa utak mo