A Date With Iya

57 2 0
                                    

Ika-labing apat na Kabanata | A Date With Iya

Napamulat ako sa pagsikat ng araw sa aking mga mata, at nakaramdam ako ng isang mabigatb na bagay ang nakapatong saakin. Ano ba namang unan yan, parang bato. Nakaramdam din ako ng hangin na tumatama sa likuran ng leeg ko, nakakakiliti. Meron ding matigas na bagay na nakadikit sa bandang puwetan ko, hindi ko siguro naitabi yung water bottle ko kagabi. Nagpaka-hirap akong umikot sa aking pwesto na pagkadagan ng unan na ito at hinawakan ang water bottle, hinila ko ito. Pero ayaw nito gumalaw, sinubukan ko ulit ito hilahin. Biglang tumama yung hangin sa mukha ko, amoy expensive liquor ito.

Alak.. mabigat na unan.. Water bottle?

"Mm. Ang aga-aga, you make me feel good." Amoy na amoy ko ang alak habang nagb-blow ang hangin sa harapan ng mukha ko, kung saan bigla akong napamulat.

O.O -.- O.O -.- O.O FFFFFUUUU!!

Ng walang pagd-dalawang isip, itinulak ko si Kyle palayo saakin. Kung saan ay nahulog siya sa kama, "Araaay."

"Mm. Ang aga nyo namang mambulabog Kyle, Loui." Tumingin naman ako sa kabilang side ng kama, kung nasaan ay half-naked na half-asleep si Thomas.

Itinaas ko ang kumot ng kaunti, yung tama lang para masilip ko ang aking katawan. At phew! May damit naman akong suot.

Biglang bukas naman ng pinto at iniluwa nito si Iya, "Good morning, you guys!" Fully-dressed na ito at may napaka-cheerful na smile sa mukha.

Dapat, kwarto namin ito ni Iya. Pero dahil sa matagal na daw ang last time na pagb-bonding nilang tatlo, ay nagpumilit si Kyle na dito nalang din sila ni Thomas. Pero wala din namang bonding na naganap, dahil pare-pareho silang mga lasing. Ang dalawang pang-single person na kama ay para saaming babae, at sa sahig natulog and dalawang lalaki pero I guess Kyle managed to creep up on my bed when he was sober enough to do it.

"Louise, alam mo na ha?" Huling sinabi ni Iya at sinarado na ang pinto.

"Anong ibig niyang sabihin Loui?" Biglang tanong ni Kyle.

Tumayo ako, at pumunta na ng banyo. Naghilamos. Hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino na lalabas kami ni Iya, nag-promise ako.

"Bonding tayo bukas Lou, pero mag-promise ka na hindi mo sasabihin kahit kanino. Susundan kasi tayo nung dalawang iyon e."

"Promise."

Nagbihis na ako at lumabas. Saglit naman akong in-interrogate ni Kyle, "San punta mo? Sinong kasama mo? Bakit ka lalabas ng hindi ako kasama?"

●︿● wtf? Magulang o boyfriend ang peg? Pick your choice. Tulad nga ng sabi ko, kung ipagpapatuloy niya ang pagtrato niya sakin ng ganyan ay matatalo siya ni Thomas.

"Hoy, Mr. Kyle. Ikaw na siguro ang bagong lover boy. Hindi pa nga ata, talo mo pa ang tatay niya e." Patawang sinabi ni Thomas sa sahig, naka-prop up ang ulo sa isang braso.

"Shh. Hindi pa ako sinasagot ni Loui. So, saan nga? Teka, sasama nalang pala ako. Antayin mo ako, wag mo siya pabayaan lumabas Tommy." Sabi nito bago pumasok ng banyo.

Tiningnan ko si Thomas at tinanong, "Hindi mo naman siguro haharangan ang pinto diba?"

Shi-nake nito ang ulo niya at prinesent ang pintuan na para bang ako ay reyna at siya ay isang servant, kung saan pinasalamatan ko lang siya. Sinalubong naman ako ni Iya pagkalabas ko ng pinto, "I know you're hungry, and I know this one good place who serves very delicious meals!"

I nodded, at mabilis siyang tumalikod.

"A-aray.." Sambit ko, napahawak sa mukha ko.

She turned really fast na na-sampal ako ng buhok niya, masakit ha. Pero nag-sorry naman siya, kaya binalewala ko na.

Unexpected AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon