Ika-walong Kabanata | Ang Pagbigay
Knock knock
"Hi tita!" Ang bati ng bakulaw na bigla bigla nalang sumulpot ang ulo sa maliit na pagbukas sa pintuan, "Pwede ko po ba mahiram si Loui? Sleepover lang po kami, magp-plan din po kasi kami tungkol don sa festival namin sa school."
Yeah, right. Eh, ang sabi niya ay hindi nya ako tutulungan hangga't hindi ko sya inaaya makipag-date.
Nagpuppy-eyes si Mr. Rodriguez kay mama, at pumayag naman siya. Pero alam ko naman na kahit hindi yon gawin ng bakulaw, papayag si mama. Kasi napakabait niya, at ang laki ng tiwala niya saakin na wala akong gagawin na on a whim lang. Senior year ko na ito, pero hindi katulad ng mga kaklase ko, na puro may experience na both in love and s*x, walang wala ako dahil sinusunod ko din si mama - ayaw ko siyang madisappoint sakin. Madali lang din iwasan ang mga manyak at walang mabuting ginagawa na mga lalaki, dahil napakadali basahin ang sunod nilang move. At sino nga naman ang niloloko ko? Si X ang popular, ang iimbitahin sa mga party. Hindi si Louise na isang nerd. Pero pag itong lalaki na ito ang pinagu-usapan, hindi ko mahulaan kung anong sunod na gagawin niya kaya hindi ako makaiwas. Feeling ko napaka-hina ko kapag siya ang kasama ko, pero masaya at the same time dahil nakak-excite ang mga bagong bagay na ganito - magagamit ko ito sa storya ni papa.
Ng binalewala ko sila, may naramdaman naman akong mga kamay na tumutulak saakin papatayo ng kama. Si Lena, "Ate! Tinatawag ka ni kuya pogi."
Jusme ko naman Lena, sa lahat pa ng pwede mong itawag sakanya. Kung ano pa ang magpapataas sa ego nya.
Lumingon ako paharap kay Mr. Rodriguez at siniringan siya, kung saan binalikan niya lang ng trademark niyang ngiti na sobrang nakakainis.
"Oh, sige na anak. Mabuti nang si Kyle ang ka-partner mo diyan sa school festival, kesa sa hindi pa kakilala," ngiti naman ni mama saakin, hinalikan ako sa pisnge at sinabing, "See you tomorrow morning anak."
Tuluyan na akong naitulak ni Lena palabas, at sinaraduhan ng pintuan. Hindi lang basta-bastang sara, ni-lock pa nila. Grabehan na ah, ayaw na ata nila mama sakin. Lol. Heto nanaman si drama. Pero hindi ko na naipagpatuloy pa ang pagd-drama dahil dali-dali naman akong hinila ni Kyle papunta sa kwarto niya, halos kaladkarin nako sa haba ng mga hakbang na ginagawa niya. Grabe ha, alam kong pandak ako. Pero hindi na kailangan ipamukha sakin. -.-
Ng makarating kami sa higante niyang kwarto, hinampas ko paalis ang kamay niya. "Ano bang gusto mo? Alam ko namang hindi mo ako tutulungan sa festival hangga't hindi ako bumibigay sa condition mo e." Pagpamewang ko.
Nginitian niya lang ako, at itinaas pareho ang mga kamay niya sa ere, "Don't worry Loui, I won't do anything to you," gumalaw ang isa sa mga kamay niya at nagdrawing ng imaginary ekis sa ibabaw t-shirt niya, kung saan nakapwesto ang puso. "Promise, cross my heart."
Mukhang pwede ko naman siyang pagkatiwalaan ngayon, mukhang malinis naman ang intensyon niya. "Ano bang gagawin natin? Alam mo namang may pasok pa bukas e."
"Manunuod ng porn!" Masayang pag-announce ng bakulaw, at may lundag pa na parang babae.
"Kaya mo ng gawin yan mag-isa, inistorbo mo pa kami nila mama sa family bonding namin." Pa-inis kong sabi, lalabas na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko.
"To naman, ang serious mo masyado. Joke lang. Pero samahan mo na ako manuod, kahit isang movie lang." Seryoso at nakaka-awa niyang sinabi. Pero kung iisipin, nakaka-awa nga naman si Mr. Rodriguez. Ang laki nga ng bahay, nakukuha niya ang mga gusto niya.. pero laging wala ang mga magulang niya. Parang teleserye lang. Minsan, nagi-guilty din ako magbanggit sakanya ng mga "family bonding." Iniiwasan ko ring makipagharutan masyado kayla mama at Lena kapag nasa harapan kami niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Author
RandomHOY IKAW! Wag mo basahin to! Please, sa mga inosente dyan. Pagsisisihan niyo promise :( Habang buhay na siya tatatak sa utak mo