Exposure

30 2 0
                                    

Ika-pitong Kabanata | Exposure

Mag-isa akong nasa kwarto, nakahiga saaking kama. Si mama ay kasama ng mama nung bakulaw, habang si Lena ay nasa bahay ng bestfriend niya. Sana ako rin.. sana may kaibigan rin ako na makikinig sa mga problema ko at pwede kong puntahan kahit kailan. Nakakasakal na kasi dito sa bahay na ito, lalo na kapag naiisip kong kapag lumabas ako ay may posibilidad na makikita ko si Kyle kahit pa anong laki ng bahay na ito. Ayoko, at least before na makaalis na kami dito for good. Pagkatapos ng eksena na nangyari sa school, limang araw na ako binubungangaan ni Audrey at sawang-sawa na ako sa kakasigaw niya saakin. Hindi naman ako binge. Pero pagkatapos ako lait-laitin, binitawan ko ang nakuha kong posisyon sa kompanya nila Iya. Tinanggal na ang extensions na nakakabit sa aking ulo, ibinalik and mga mamahaling branded na damit at make-up sakanila. Kung plain man ang tingin ng mga tao sa style ko, wala ako pakielam, ganito naman nila ako nakilala.. well, ganito naman ako nung wala pa ako sa mga mata ng mga estudyante dito.

Maya-maya ay hindi din ako nakatiis at nauhaw na ng tuluyan, at mayroon akong problema kung saan ay hindi ako makakatiis na tuyo ang aking lalamunan. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan papalabas ng kwarto, lumingon sa kaliwa..  lingon sa kanan. At napailing ako, binuksan ng buo ang pintuan. Kailangan ko ng tumigil ng pag-arte na para bang ako pa ang may masamang ginawa sakanya. Taas noo akong bumaba ng hagdanan, diretso sa kusina kung saan ay akala kong makikita ko sina mama at tita Em. Pero wala. Kaysa na pagabalahan ko pang hanapin ang wala, minabuti ko na lang gawin ang kinailangan kong gawin. Isang baso ng tubig, ang dahan-dahang humilod sa looban ng aking lalamunan. Napapikit ako, napakasarap ng ice-cold water sa isang napaka-init na araw.

Napalingon ako ng may nadinig akong mga boses sa doorway, at nakatingin din ang mga taong nakatayo dito, mga mukhang galing sa kompanya nya. Napatingin ako sa aking mga paa na walang sapin, "I apologize for my appearance, wasn't informed that there will be guests. If you may excuse me."

Lalalakad na sana ako, ng biglang nagsalita ang isa sakanila na naka-suit na hindi ko kilala, "Oh, no, no. A fourth of our reason is for Kyle, pero we actually came here for you."

Napaturo ako sa sarili ko, at tumango sila, pinaupo ako sa dining table.  "Okay, let's talk about business."

"No, first, we introduce ourselves partner. How rude of us. I'm Mike and this is Mandy, ang may ari ng Models Monthly. Teens and young adults who join us and starts as amateurs are most likely only looking for a part time job, yet they end up working for us full-time for years and their talents grow as the year goes." Ang maikling pag introduce ng lalaki saakin.

"Ayoko pong lumabas na parang walan galang, pero this concerns me how?" Pagtanong ko sakanila habang patuloy na iniiwasang tumingin sa direksyon ni Kyle, "I know I said yes before, pero I quickly took back what I said. Binalik ko na po lahat ng gamit na ibinigay saakin. Kung kailangan pong magbayad, I would, pero as of right now, I can only pay with installments."

"Desidido silang makuha ka para magmodel sakanila, ano ba ang hindi mo maintindihan?" Pagsingit ng bakulaw, kung saan nginitian ko siya with a face na walang pakielam.

"I see that you guys have a tension building up between the both of you, why? Parang kailan lang is napaka-tindi ng koneksyon na nakikita ng buong bansa sa mga pictures niyo." Pagtanong ni Mike.

"Kuya, hindi tayo pumunta dito para makipag-chismisan. Enough with the small talk, it's either you're in or no." Pataray na sabi ni Mandy.

"Sis, iyang attitude na yan ang nagpapalayo sa mga may potential maging professional model."

"If I have to work for you guys, bakit kasali si K.. Mr. Rodriguez sa pag-uusap na ito?"

"Because we thought that it's going to be so much easier and less work if we made Kyle introduce you to the modelling industry."

Unexpected AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon