Ika-siyam na Kabanata| Photoshoot
Sa lahat ng mga ka-close friends na meron siya, bakit ako pa na hindi niya naman kaibigan ang sinama niya? Diretso akong naglakad, patungo sa isang bench dito sa loob ng park at umupo doon para mag-umpisa ng kasunod na storya ni X.
Flashback.
"Loui, sige na naman o. Samahan mo na ako sa shooting. Boring kapag wala akong kasama." Pilit nitong pagkumbinsi saakin, nagpao-puppy eyes pa.
Ang aga aga, kinukulit ako ng mokong na 'to. Hindi lahat ng tao ay tatablan ng pagpa-paawa niyang ganyan. Hmp.
Kinuha ko ang gatas sa fridge at nilagyan ang bowl na hinanda kong may cereal na, patuloy na pag-iwas kay Kyle. Oo, napilit niya akong makipag-date sakanya, pero ibang usapan na yung sasamahan ko siya sa lahat ng bagay. Aba! Pati ba naman saakin magpapa-spoil siya? Hindi pa siya nakuntento sa mga yaman na meron siya.
Binigyan ko sya ng isang sulyap, at bumalik na ako sa pagtuon ng pansin sa kakainin ko. Bigla naman akong nakarinig ng bagay na nahulog sa sahig, pero hindi ito bagay.. Si Kyle iyon. Nakaluhod siya. "Loui, sige na. Please." Patuloy pa nitong pagpilit.
Aba, kahit pa uminom ka ng lason sa harapan ko, wala akong pakielam.
"Sige Kyle, sasama si Lou-lou sa'yo."
Mabilis na napalingon ang aking ulo sa likuran ko, at nakita ko si mama na nakangiti saakin. Hindi ako natatakot na baka pagalitan ako ni mama dahil sa ginaganito ko ang tumulong saamin para magkabahay, takot ako na sabihin niyang disappointed sya kasi hindi niya ako tinuruang gumanito ng kapwa namin. At hindi lang iyon, kapag sinabi ni mama na gagawin ko ang isang bagay, final na iyon. Wala na akong laban pa.
"Kuya pogi, tayo ka na!" Rinig ko naman kay Lena na tumakbo papunta sa tabi ni Kyle, tinutulungan siyang tumayo.
"Yes! Be ready in an hour Loui!" Masayang banggit ng lalaki, nagpasalamat kay Lena at kay mama bago tumakbo papunta sa kanyang kwarto.
"Mama!" Pag-ngawa ko, nawalan na ako ng gana kumain ng breakfast.
"Anak, nakaluhod na yung tao, ano pa ang gusto mong gawin niya?" Tanong ni mama sakin, isang malungkot na expression ang nasa kanyang mukha.
"Hindi ko po alam ma. Pero alam ko po, na Sabado ngayon. At ang mga break ko from school, I spend it with you and Lena lagi. Ayokong sumama sakanya!" Pagtuloy ko ng pag-ngawa.
"Anak, okay lang iyan. Nandito lang kami ng kapatid mo sa bahay, aantayin ka namin sa kwarto." Excited nitong pag-act out.
..End of Flashback.
Kaya ito ako ngayon, nga-nga. Haaay. Pesteng mokong na to. Pumili ako ng joggers at baggy na I ♥ NY t-shirt na masusuot, at yung itim kong lowcut na converse. Since ganon na nga ang suot ko, itinuloy ko na sa pag-braid ang buhok ko dahil sa init ngayong araw na ito. At hinablot na ang salamin ko, never naman talaga akong nag-contact lenses.
Sumilip ako kung nasaan si Kyle, naka-upo rin habang mine-make-upan siya. Nakasuot siya ng simpleng V-neck na light-blue ombre t-shirt at itim na shorts, at puting converse. Grabe, ang simple lang ng suot niya.. pero ang aura na inilalabas niya e pinapakilig ang mga babaeng dumadaan. Ng matapos siyang make-upan, humarap siya kung nasaan ako at ngumiti plus kinawayan pako. I just ignored him, at tumingin ako sa cellphone ko.
Let's face it Louise, you're not focused enough to do any work.
Tuluyan ko ng itinago sa bulsa ko ang cellphone ko, at tumingin nalang sa set nila Kyle. Hindi parin sila nag-uumpisa, at mukhang may tinatawagan ang photographer nila. Nai-irita na ang hitsura ni Kyle, at tumayo ito, tilang mukhang nag-iisip. Binaba na ng photographer ang cellphone niya at lumapit kay Kyle, at nag-usap sila. Nginitian siya ni Kyle, at pareho silang biglang lumingon kung nasaan ako naka-upo. Muli akong kinawayan ni Kyle, at mukhang tinatawag naman ako ng photographer. Tumuro ako sa sarili ko, at pareho silang tumango.
BINABASA MO ANG
Unexpected Author
RandomHOY IKAW! Wag mo basahin to! Please, sa mga inosente dyan. Pagsisisihan niyo promise :( Habang buhay na siya tatatak sa utak mo