Ika-pitong Kabanata | Paghahanda
Hayy, hindi parin ako makapaniwala na nakikitirahan kami kela Mr. Rodriguez. Badtrip. Paglabas na paglabas namin ng apartment ay laking gulat ni mama na Mercedes ang kotse ng bakulaw, at babawin nalang sana niya ang pag-oo sa pagtira sa bahay ng bakulaw. Pero binanggit ng mokong na nakapg-down payment na ako! Grabe talaga siya, napatanong tuloy si mama kung saan ko nakuha ang pera. Muntikan pa ako mapagalitan, dahil lang sa inakala ni mama na ginastos ko yung iniipon namin. Pero okay lang, hindi ko maalala kung kelan ang huling pagngiti ni mama noong nakita niya ang kusina ng mga Rodriguez, at mabilis naman silang naging magkaibigan ni tita Em. Ugh. Ang weird talaga sabihin. Kaso hindi yon ang pinaka-pinoproblema ko. Paano na ang next payment? E hindi ko naman talaga hinalikan si Mr. Rodriguez.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang homeroom teacher namin, si Mr. Taniyama. Oo, half Japanese siya. At ang sobrang hot nya! Lahat ng babae, pati na ang mga lalake, nagtitilian. Pero dahil nerd ako.. Tahimik lang ako. Sa sidelines lang na tumititig sa light brown niyang buhok, sa matangos nyang ilong, at sa mapupula niyang mga labi. Urg! Sana siya nalang ang nakakita ng phone ko, ang saya saya siguro non. At oo, nasa school ako ngayon. Bagot na bagot na ako, gustong gusto ko na umuwi.
"Magandang umaga Class 4-1." Bati niya saamin, at binati din naman namin siya. Kung hanggang weekends ba naman e ganito ka-pogi ang babati sa'yo sa umaga, sarap buhay. Kaso hindi e, isang bakulaw ang makakatabi mo. Yumayakap habang tulog ako at feeling boyfriend ko. "Next month na ang annual school festival, at dahil daw sa sobrang dami ng estudyante. Magiging dalawang section sa isang project."
Napuno ng mga chismis ang room,
"Sino kayang makakasama natin?"
"Wala akong pakielam, basta makakain ako ng cotton candy."
"Sana section 6, kahit mga pasaway ang nandoon. Nandoon naman ang prince charming ko na si Kyle!"
Ughh. Ano ba kasing meron si Mr. Rodriguez at gustong-gusto siya ni Audrey? Si Audrey ay isang babae na sinabing lumipat lang dito sa school na ito para sa bakulaw, mayaman siya pero walang utak. Kaya takang-taka ako kung bakit napunta siya dito sa star section, dapat sa 6 siya. At nakakapagtaka rin na nasa 6 ang bakulaw, kahit na ba napakatalino niya. Hindi ko naman dapat problemahin. Basta malayo ako sakanya, masaya na ako.
"Class 6, Ms. Yamamoto, pasok na kayo." malakas na sabi ni Mr. Taniyama.
Fuckfuckfuckfuckfuck. FML. As in literal na fuck my life.
Maayos naman silang pumasok at tumayo sa gilid, kung saan nakasandal sila sa mga bintana. Nakita ko siya, at alam kong nakita niya din ako. Kasi alam kong ako ang kinindatan niya, kahit na ba tumili si Audrey na siya ang kinindatan. Bakit ba kasi sakanya pa ako napatabi e, sakit sa tenga. Iniwasan ko nalang siya, at nagfocus kay Mr. Taniyama. Ee, si Ms. Yamamoto nga pala ang homeroom ng kabila. Hwaaa! Ang gandang lahi nila pareho, parang galing sa isang Japanese novela.
"Okay, dahil nandito na naman lahat. Pipili na tayo ng dalawang committee leaders. Dalawa lang ang kailangan at isa sa tig-isang section para fair." pagkasabi ni Ms. Yamamoto, may nagtaas agad ng kamay nila.
"Why not si Louise Montero sa section natin teacher?" sabi ng isa sa likuran ko, at nanigas ang buong katawan ko na parang bato. Wtfwtf. Ginagawa lang nila to dahil tinatrato nila akong nerd. Tsk.
"Oh, Loui. Tayo na dito sa harap." Sabi naman ni Mr. Taniyama. Sinunod ko naman siya at parang tuod na lumakad sa harapan ng classroom. May nakita akong paa na lumitaw sa dadaanan ko, sa sobrang hina ng reflexes ko ay nadapa ako. Nag-umpisa ng mapuno ng tawa ang classroom, agad-agad naman akong itinayo no Mr. Taniyama. Alalang alalang nagtanong kung okay lang ba ako. Hindi na ba sila nagsawa sa ganong trip? Ang corny na kase para sakin eh. Ang dusa ng ibang tao ang kapalit para sa kasiyahan nila, at hindi man lang sila naaawa. Hindi ko naman sila inaano e!
BINABASA MO ANG
Unexpected Author
De TodoHOY IKAW! Wag mo basahin to! Please, sa mga inosente dyan. Pagsisisihan niyo promise :( Habang buhay na siya tatatak sa utak mo