Ika-apat na Kabanata | First Saturday Pt. 1 : Morning
Pinindot ko ng madiin ang doorbell ng mala-mansion na bahay ni Mr. Rodriguez, natural na nag-fade ang tono. Grabe siya! Hindi niya ba alam na dapat rest day ang Sabado at Linggo? At ang oras ng morning lessons with his mom.. 8:00am! Para parin akong napasok sa school. Ugh. He will be the death of me, swear. Chill lang dapat ako sa bahay ngayon e, tatrabahuhin na din sana ang sunod na chapter ng novel.
Haayy. Nag-iwan pa ako ng gulo sa kwarto ko. Hindi ko alam, pero ginusto ko naman magmukhang decent sa harapan ng mga magulang niya. Since kakatapos lang ng summer, medyo mainit parin. Kaya humugot ako ng isang floral sundress sa cabinet ko, at isang pares ng sandals na cut-outs ang design. Siguro nga, barely hanging nalang kami ng pamilya ko pagdating sa pera. Pero may magagandang damit parin naman na pinapadala sakin ang kompanya kada buwan, minsan naman ay ang mga fans ni papa. And trick lang, is banggitin kung ano ang mga gusto ng mga anak niya. ˋ▽ˊ Hindi naman siguro masama iyon kung pinapasaya ko sila sa pagiging X ko at sa pamamagitan ng mga novel ni papa.
Sa pwesto namin ngayon, parang mga fanmail na nga lang ang shopping namin ng mga coffee mug, cute na mga sumbrero at iba pang mga hindi naman talaga kailangan para mabuhay araw-araw. Halos lahat ng sweldo ko ay pumupunta sa ipon, dahil sabi ni mama kelangan ko daw ng pang-college. Pero para sakin, tabing pera nalang iyon kapag may aksidenteng mangyari. Which is I hope na wala ngang mangyari, ang salbahe ko naman kung winish kong magkasakit ang kahit sinong kamag-anak ko. -_-
Anyways, bumukas ang pinto at binati ako ng isang maid, "Good Morning, Ms. Montero."
Woooah, alam niya yung pangalan ko. May maid na bumanggit ng pangalan ko! Shit, I sound so pathetic right now.
Tumango siya sakin at sinabing sundan ko siya. Grabe, napakalaki ng bahay na to. Wala pa atang one-eight ang inuupahan namin. Sobrang kintab ng marmol na sahig, nakakapagpakalma ang ala-beige na kulay ng dingding. Napakataas ng ceiling, and the walls are well-litted too! Ka-aga-aga bukas ang mga ilaw. Tss, sayang koryente. Isang mahabang hallway lang ang nilakaran namin, pero madami na kaming nalagpasan na mga pintuan.
Ng kumanan kami pagkatapos malagpasan ang 3 pang pintuan sa kaliwang banda, biglang naging kahoy ang sahig. Oh my god, sa sobrang linis ng sahig e nakikita ko na ang reflection ko kada titingin ako sa baba. Naalala ko tuloy yung sahig sa apartment namin, kahit ilang beses pako magbunot hindi magiging ganito kakintab. Huhu.
Ito na siguro ang kusina, napakaraming variety ng pots and pans na nakasabit sa ibabaw ng middle counter. Mayroong apat o lima na cupboards at glass lang ang humaharang sa kamay ko at sa sandamakmak na plato, platito at mga bowl na may iba't ibang klase ng disenyo. May dishwasher, Napakagandang stove at oven ang nasa ilalim. Two-door fridge and coffee maker.. Oh my god talaga. This would be heaven for mama, masama ko kaya siya dito? Kahit one time lang.
Yung oven, ang ganda ganda. Matuto kaya ako nung mga high-class na dessert? Yung mga tipong sa 5 star hotel lang makikita? Ooh, how I wish!
"Well, I guess you've gotten fond of my oven." Rinig kong sabi ng isang napakamalumanay na boses sa likod ko, at pagtingin ko ay nakakita ako ng babaeng para bang nasa-30s niya pa lang. Napakaganda niya, at iyon lang ang masasabi ko. At ng magso-sorry palang ako ay lumapit siya, at niyakap ako ng napakahigpit. "You are so pretty, I'm so glad at nag-uwi na ng babae ang aking anak. Well, nagpapunta na ng babae sa bahay namin."
"Um, nagkakamali po kayo.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pumahabol siya ng, "Oo, alam ko naman na tutor ka lang niya. Pabayaan mo na si tita, first time kasi na may babaeng pumunta sa bahay para sakanya."
T-tita? Um, hello? Hindi ba dapat kilalanin mo muna ang babae bago ka maging kampante sakanya? Pano kung pera lang pala ang habol sa anak mo. And tutor niya ako? You mean the other way around.
"Minsan nga, inakala pa namin ng papa niya na bading siya e." Paiyak na sabi ng babae saakin, binigyan ako ng huling yakap bago pinunasan ang ang mukha niyang wala namang luha. Bading? Tch, kung alam mo lang kung ilan na ang nasabugan ng anak niyo.
"Ah, eh. Nasaan nga po ba si Mr. R.. Este, K-Kyle? And your name po?" Pag-correct ko sa sarili ko, inumpisahan ko ng ayusin ang buhok ko ng high ponytail dahil ayaw ko naman magkaron ng buhok buhok yung pagkain. Kadiri kaya yon!
"My name is Emily, pero tawagin mo nalang akong tita Em. He's working, he won't be back until two. We would be done before he comes back. Baka nga makapag-chaa pa tayo." Pagpalakpak niya sa excitement, aba, sakanya siguro namana ni Mr. Rodriguez ang pagkindat. At iyon na ang huli niyang sinabi, nag-upisa na siyang humugot ng kung ano-ano.
Ah, nakalimutan kong model nga pala si Mr. Rodriguez. Swerte dahil pinapayagan ng school namin ang working-students, and by that, I mean swerte ako. Kasi kahit hindi tanungin, sasagutin lang nung mokong na yon na hobby lang yon. Sarili ko lang naman kasi ang kilala kong nagtatrabaho para sa pera, don sa school na iyon. Ako na siguro ang matatawag mong daga sa eskwelahan na iyon.
Three years ago, nakapasok ako sa isang private school kung saan ko nakita ang mayabang na si Mr. Kyle Rodriguez. Dahil yon sa bestfriend ko, ang utak ko. At dahil na din sa company, sabi nila is ang pagbayad ng High School fees ko ay kasama na sa payment sa pagtuloy ko ng paggawa ng novel under papa's pen name para sakanila. Pero hanggang doon na yon, hindi na nila mababayaran ang College fees ko. I can decide if I would say no to the extra money na mabibigay saakin ng trababong iyon, at maghanap na ng isang professional work. Other than that, sabi nila is dahil na din sa looks ko.
Hmm, in any chance, s*x school kaya ang napasukan ko?
Lol. Edi sana matagal mo ng nalaman yon, at napakarami mo na sigurong alam. ♡
Okay, that was weird. I really need to stop talking to myself.
"Okay! Lou, are you ready?" Narinig ko ang boses ni tita Em, at nawala lahat ng iniisip ko kani-kanina lang. Ang daming fresh fruits ang nakapatong sa center counter, mayroon ding harina.. Itlog at gatas. Bacon at Sausage? "Let's start with breakfast! Would you rather do pancakes or waffles?"
F*ck, bakit from scratch pa? Where's the f*cking box mix when you need them.
°°°°°
Author's Note: So, I decided na paghiwalayin ang morning at afternoon. Oh, well. Hope you enjoyed!
- Lady J ♕
08/30/14
BINABASA MO ANG
Unexpected Author
RandomHOY IKAW! Wag mo basahin to! Please, sa mga inosente dyan. Pagsisisihan niyo promise :( Habang buhay na siya tatatak sa utak mo