Aftershock

48 2 0
                                    

Ika-labing isang Kabanata | Aftershock

"Congratulations, class 4 sections 1 and 6!" Sigaw ng mga kaklase ko, at ng kabilang section. Nasa isang karaoke place kami ngayon, gusto daw kasi nilang mag-celebrate sa laking success ng haunted house, maid cafe + cotton candy + duck shooting namin. Mahigit 1k din ang gain namin sa mga nabenta namin, walang nasayang.

"Laking salamat namin sa dalawa naming heads na sina Ms. Montero and Mr. Rodriguez!" Bati din nilang muli, grabeng saya ng mga mukha nila.

"Nako, nako. It's all Kyle's success." Banggit ko, wala naman talaga akong naitulong. I feel so unhelpful.

"Hoy ms. Montero, manahimik ka nga. Kung hindi dahil sa'yo, hindi din naman kikilos yan si papa Kyle. Sorry pala nung umpisa, friends na tayo ha?" Biglang pagtayo naman no Danilo.

Friends?

"Oo nga, salamat at sorry sa'yo ms. Montero!" Sigaw naman ng iba sa kani-kanilang pamamaraan. Grabe, na-overwhelm ako. Na-luha nanaman ako. Okay na e, masaya na ako sa pinapasalamatan nila ako. Pati na rin sa pagpa-paumanhin nila, kahit na ba alam ko na one time lang ito. Pero friends? Balik nalang ako sa dati.. Kahit mag-isa ako. Wag lang nila ako paasahin na nandyan sila kapag kailangan ko sila, as 'kaibigan.'

"Thank you." Ang natatangi kong sagot.

"Ang sweet nyo naman. But you guys, I can't stay for too long. May naga-antay pa sakin sa bahay." Sambit ni Mr. Taniyama, at sabay-sabay naman nagsi-awe ang mga nakapaligid.

"Why mr. Taniyama? Ang kill joy mo naman. Is it an emergency?" Tanong ng isang babae.

"Onga naman Mr. Taniyama! KJ, KJ!" Inumpisahan ni Danilo ang pag-chant, at sumunod naman ang iba.

"Well, if you call my wife and kids an emergency.. well, yeah." Sagot naman nito. Halos lahat ng tao sa room ay napatigil at napanganga, wala ni isa saamin ang may alam na he's not only married.. he even has kids already!

"How old are you na ba, Mr. Taniyama?"

"I'm already 29 years old."

Hindi ko alam na posible pang lumaki ang mga pag-nganga ng kapwa ko estudyante, pero yon na nga ang nangyari. Akalain mo kasi yon, ang bata-bata ng hitsura niya! "Oh, mr. Yama. Andaming puso ang nawarak mo ngayong araw na ito." Rinig naming biro ni Ms. Yamamoto, pakunwaring kumapit din sa puso niya, "Pero, it's okay mr. Yama. You can go home na, I'll take care of these kiddos, they're my children too."

"Salamat ms. Yama!" Balik naman ni mr. Taniyama, hinalikan ang co-teacher sa pisnge bago umalis.

"Okay ms. Yamamoto! This one is for you." Kabaduyan na sinabi ng isang lalaki sa klase niya na hawak ang microphone, kumanta ng foolish hearts. At nag-umpisa naman magtawanan ang mga nandito.

Lumingon ako sa kabila, kung saan katabi ko si Kyle.. at nasa tabi niya naman si Iya. Tumabi pa siya saakin kung diyan sa 'bruha' niya naman pala itutuon ang focus niya, pero hindi e. Bakit nga ba kailangang magkatabi kami. Naiirita na ako. Tumayo ako, at lumipat ng upuan. Tumabi ako kay Ms. Yamamoto, na tahimik lang at tuwang-tuwa panuorin ang mga kumakanta.

"Alam mo ba Lou, nasaktan din ako nung una kong nalaman na kasal na si Mr. Yama," mahinahon niyang sinabi, at napatawa, "High school love ko siya e."

I gasped, "29 years old ka na din Ms. Yamamoto?!" Ano ba namang youth pills ang iniinom nitong mga hapones na ito, sobrang bata ng mga hitsura!

"Ay, hindi. I was a freshman when he was graduating," mahiyang sagot naman ito, "Ikaw ba Lou, may high school love ka ba?"

Ng mabanggit niya iyon, biglang lumakbay ang mga mata ko sa kinauupuan ko kanina. At lumanding ito kay Kyle, ano nga bang meron kami nito? Kung iisipin, pareho kami ng tinitirhan na bahay. We're both seniors. But there's nothing. I don't like him, and he just wants to play with me kasi he knows I'm X's daughter. Muli kong itinuon ng aking paningin kay Ms. Yamamoto na mukhang nagtataka sa bigla kong pagtahimik, "Wala po ma'am, focus muna sa studies."

Unexpected AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon