Ika-sampung Kabanata | School Festival
"Uhh, Kyle. Kyle, pwede bang hindi na ako kasali sa mga susuot ng maid-costume?" Pangawa kong tanong sa bakulaw na 'to.
"Hindi, hindi. Kailangan natin ng mga lalakad at magpapapunta ng customers sa room natin!" Napaka-excited niyang sinabi, at may nagsasabi saakin na hindi lang ito dahil sa sobrang excited siya sa festival. Dahil na din sa mga suot ng babae sa class namin. Libog. -.-
Nagpalit na ako ng damit at bumalik ng classroom para magcheck-in, baka kasi malagay ako sa mga absentees. I'm quite amazed, ang galing nitong cafe, halong sexy na mga babae at may mga lalaking nag-costume ng mga nakakatakot na iconic people sa scary movies. Tulad nalang ni Jason, Michael Myers at madami pang iba. Bigla kong nakita yung babaeng una kong nakilala sa Celebrity Cafe, yung Iya.. na kausap si Kyle.
Ilang araw na ang nakalipas after nung shoot, pero may feeling na bumabagabag dito sa dibdib ko, hindi ko alam kung nerbyos ba o kaba, pero hindi ko gusto itong ganitong pakiramdam. At heto pa, nararamdaman ko lang siya kapag nababanggit ang pangalang 'Iya', e jusme ko naman, si Lena kung makapagfan-girl kay Iya Villania.
Napahawak ako sa dibdib ko at dumiretso sa storage, inurong ko patagilid ang blackboard at ni-reveal nito ang mga individual na lockers doon. Nilagay ko ang aking bag at iba pang gamit sa locker na may papel kung saan nakasulat ang 'Loui', saka ko ito sinara at nilagyan ng code.
Urg. Ano ka ba Louise, umayos ka. C'mon now. Sampal, sampal, sampal.
"Ang sexy natin ah," rinig kong sabi ng isang tao sa bandang may pintuan, nilingon ko at nakita ko si Kyle. Nag'hmp' lang ako, at dumiretso na palabas, in-ingatan na wag ko siyang madanggi.
"Louiii!" Rinig kong tawag sakin, si Iya naman. Ugh.
"Hello." Simple kong bati, tatalikuran ko na sana siya pero bigla niya akong hinawakan sa balikat. Kung saan ay shi-nake ko lang ito paalis. "May I help you, ms. customer?"
"Aray naman, parang hindi tayo magkakilala. Ako si Iya."
"Omg! Si Iyaaa." Pag-singit ni Audrey sa usapan namin, at biglang tumingin saakin, "Paano mo naman nakilala si ms. Iya, ha, Louise?" Hindi talaga sumasang-ayon ang iniisip nitong babaeng ito sa facial expression niya, ano? Nakangiti siya, pero halata naman sa tono niya na naiinis siya at pinapaalis niya ako. Pakitang tao.
"Nakilala ko siya sa Ce.." pero bago ko pa natapos ang sasabihin ko, tinakpan na ni Kyle ang bibig ko.
"Ah, oo, sa ano. Sa Central Mall." Pagpatuloy nitong mokong, at biglang bumulong sa tenga ko, "Pag sinabi mong alam mo kung nasaan ang Celebrity Cafe, lalo ka lang kukulilitin niyang babaeng yan."
Painis akong kumawala sa mga hawak nitong lalaking ito at nagsalita, "Opo, tanda ko po ang pangalan niyo. Kung wala po kayong io-order, aalis na po ako. Hahanap pa ako ng mga customers namin sa labas." Ti-nry ko ang best ko para maging mabait na server sa harapan nila, hindi ko alam kung bakit pero parang gustong-gusto kong magalit kay Iya..
"Uy, papa Kyle. Hindi ko alam na ininvite mo pala si gandang Iya." Pag-singit naman ni Danilo, mukhang eye-candy itong babaeng ito ah. Kaya siguro gustong-gusto ni Kyle, at ayaw pakawalan.
"Oy, pare. Sinabi ko naman sayo na off-limits si bruha e." Ang sinabi ni Kyle na nagpawalk-out saakin, oo na, kayo na sweet.
"T-teka Louise!" Huli kong rinig sa babaeng iyon.
Hay. Mag-isang naghahanap ng customer.. walaaang kaibigan. ♪
Hindi ko napansin, pero kinakanta ko na pala ito habang ako'y naglilibot ng school. Kapag may nakikita akong mga magkakaibigan ay binabalewala ko lang dahil, mga kaibigan? Mag-aaway lang din kayo at maghihiwalay. Oo, parang break-up ng relationship. Kaya nga friendship e, relasyon parin yan. Masaya sa umpisa, pero mage-end up din sa hiwalayan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Author
RandomHOY IKAW! Wag mo basahin to! Please, sa mga inosente dyan. Pagsisisihan niyo promise :( Habang buhay na siya tatatak sa utak mo