Chappie 8 - That's What You Get!

398 21 3
                                    

Angelie's POV

"ANO BANG PROBLEMA NUNG PESTENG LALAKING YUN? NAKAKAPIKON NA SIYA!"

"Uy Angelie puso mu girl! Chill lang wag mo na lang pansinin yun"

"Kase naman Lhen eh hindi pa nga siya nagsosorry eh! Tapos ganun pa siya umasta! Kapal ng mukha niya! Arrrrrrgh!" Grabe! Nanggagalaiti talaga ako sa pagkapikon, tsk parang anytime soon sasabog na ako.

"Hala naman Angelie yung boses mo pwede hinaan? Kumalma ka nga" ani Aya sabay himas sa likod ko para mapakalma ang sistema ko.

"Haaay!!" Pagbubuntong hininga ko.

"May point si Angelie, harlene kung ako yun sinapak ko na yung pretty face niya nu! But the thing is im not Angelie girl kaya ikikiss ko na lang si fafa Ace" ani Daisy sabay hagikgik pa, landi pa more, ito talaga g babaeng ito.

Sabay batok namin tatlo nila Aya at Lhen kay Daisy kalandi overload nanaman kasi eh.

"Araaaaay naman! Nagbibiro lang naman ako guys kumain na nga lang tayo!"

"Mabuti pa nga! After neto ikanta na lang naten yan Angelie punta tayo sa Fun Hub!" Excited na sabi ni Lhen

"Fun Hub? Saan naman yun?" Tanong ko.

"Basta mamaya makikita mo malapit lang yun dito, Masaya dun! Fun Hub nga diba?" Whatever Daisy girl. -,-

After namin kumain pumunta nga kami sa sinasabi nilang Fun Hub maraming tao dito may arcades, videoke booths, xbox, at kung anu anu pang chorva na pwedeng paglibangan, astig tong lugar na ito ah.

Pumunta kami sa videoke booth nung una nahihiya akong kumanta kaya sila lang yung kumakanta tahimik lang ako nakikinig at medyo humuhupa na rin yung inis ko.

Pero sa tuwing naaalala ko yun full pack ang balik ng galit ko! Tsss

Kaya eto Kumunot nanaman yung noo ko.

"Uy Angelie! Ikaw naman kumanta! Kanina pa kami oh sige na" Ani Daisy

"Oh song book pili ka na dali wag kana mahiya si Daisy nga ang kapal ng mukha eh" sabe ni Aya at nagtawanan kami. Si Daisy na yata ang madalas mabully namin hahaha.

Well Sige na nga dahil badtrip naman ako ikakanta ko na lang to, lalakasan ko na loob ko minsan lang naman.

Pumili na ako ng kakantahin at ininsert ko na yung number.

*Five fofofour thththree two ooone play!

*Tententen teketeketententen

*teketeketententenenenen

(sound yan ng intro hahaha)

"No sir!

well i dont wanna be the blame

not anymore its your turn to take

a sit were settling the final score and why do we like to hurt

so much?"

Napansin kong biglang tumahimik yung paligid napatingin ako nakatingin yung mga tao saken!

Whaaaaa nahihiya na ko! Pero itinuloy ko na lang pinikit ko na lang ang mga mata ko.

"that's what you get when you let youre

heart win , whoa

thats what you get when you let youre

heart win, whoa

i drowned out all my sense with

the sound of its beating

and thats what you get when you let youre heart win whoa!!"

Nadadala na ko sa pagkanta ang sarap sa pakiramdam! Feel na feel ko nga eh.

"Pain, make your way to me, to me

And I'll always be just so inviting

If I ever start to think straight

This heart, will start a riot in me

Let's start, start, hey!"

Hindi ko na napansin yung mga taong nasa paligid ko pero first time ko yata kumanta sa harap ng madaming tao! Pati sila Daisy hindi ko na marinig.

"Now I can't trust myself

With anything like this

And that's what you get

When you let your heart win, whoa"

Nagpalakpakan yung mga tao at sumisigaw ng more pa daw pero dahil naubos agad energy ko dun sa kinanta ko nginitian ko na lang sila nkakahiya! Parang concert lang?

Infairness sa lagay na ito ramdam kong nadagdagan ang confidence ko kahit papaano,
Dahil na din siguro nagkaroon na ako ng group of friends na alam kong andyan lang para sakin. Leaving here is not a bad idea at all.

"Ay teh! Ang taray pala ng boses mo eh pang bigtime ka, ako manager mo ah! Yayaman ako sayo girl!" Ani Daisy na tumatapik tapik pa sakin.

"Oo nga eh yung mga tao dito sa Fun Hub nagwawala sa pagpalakpak at pagcheer sayo" Lhen

"Favorite mo paramore nuh? Feel na feel mo eh nakapikit ka na nga kanina kaya halatang saulo mo yung lyrics" sabe ni Aya at natawa na kaming lahat.

"Oo fan na fan ako ng paramore eh lalo na ni Hayley Williams ang astig niya kaya wish ko nga maging kasing cool niya ko pero wish ko lang hahaha"

"Bakit girl? Ang ganda kaya ng boses mo share your talent lang hindi mo na need maglayas kase boses pa lang malayo na mararating mo" ani Daisy

"HAHAHA dakilang murit ka talaga Daisy no? Tignan niyu naman itsura ko ang layo kay hayley!"

"Madali lang yan nu kulang ka lang sa pagaayos pero pag namakeover ka pati pananamit mo ay teh! Ay naku talaga teh! Pak na pak ka! pwede ka ng ibenta!"

loka lokang daisy to ah hahaha makapagsalita daig pa bakla eh.

"Whatever guys! Lika na umuwi na nga tayo gumagabi na rin eh" sabe ko na lang hindi ko kase yata kayang magwear ng make up nakakairita sa muka yun eh and ok na ko sa pananamit ko dito ako komportable eh.

Kaya umuwi na nga kami..



friday na ^^

nagyaya sila na gumala mamayang gabi
Kasama daw sila Daisy,Harlene,Aya,Honey Jasper (bago naming recruit ito tropa ni Ace kaya napapasama din samin)
at siyempre si Ace.

Oo kasama siya dahil sa friend sya ni honey at transfer lang din siya dito kaya kami pa lang ang friends niya paano suplado, I mean sila lang pala kasi nga hindi kami magkasundo.

Nagtataka ba kayo bakit puro girls friends niya? Oo tama nga ang nasa isip niyo bakla po si Ace umamin na siya.
pero joke lang. It can't be sayang ang kapogiang taglay niya.

Ang totoo niyan konti lang kasi boys sa room namin ewan ko ba madami naman ang boys sa school pero nataon na puro pa yata sirena ang napunta samin eh mga mahaharot same as the other girls kaya pinili niya na lang sumama samin kesa magparape sa mga yun, dito si Daisy lang ang mangrarape sakanya.

Cool naman kasama ang Simply Pretty eh, although minsan pag pinaguusapan na ay yung about sa mga girls stuffs tatlo kami nila Ace at Jasper na hindi makarelate.

Hindi pa rin nga kami naguusap eh nako hindi pa naman din kasi siya nagsosorry eh pero hindi ko na rin naman siya sinusungitan masyado humupa na talaga yung inis ko ang pogi ba naman niya eh pati name ko nakakalimutan ko,
JOKE hahaha lande!

First gala yata namin to ng magkakasama kaya naeexcite na ko.

San kaya kami pupunta? Sana maging masaya!

My Crazy RockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon