Chappie 5 - Handkerchief

408 25 2
                                    


After that epic conversation at the roop top, We decided to go back to our room.

Sa totoo lang niyaya ko na sila umalis kase kinilabutan ako sa nadiskubre namin about sa nadedevelop na feelings ko kay for Ace, Although hindi pa ko sure.

Pagpasok ko ng room automatic nanaman hinanap ng radar ko yung lalaking yun, At aba wala pa siya? Malapit na magtime ah san naman kaya nagpunta yun?

Biglang may nagbukas yung pinto.

Ah baka siya na yun!
Kaya tinignan ko at agad na kumalabog nanaman yung puso ko.

Siya nga! Sabe ko na nga ba eh pero parang may kasama siya?

Ow em bakit sila magkasama? Close na sila?

Lalo pang nagwala yung puso ko at bahagyang nahihirapan na ako sa paghinga habang nakatitig lang ako sakanila, tumingin din siya sa mga mata ko.

At nagulat ako ng biglang..

*pok

Outch! What the!?

"Huy!! Bakit ka nakatulala? Ang panget mo lalo oh magtago ka nga." Aniya sabay hagalpak sa tawa pati yung buong klase nagtawanan dahil sa sinabi niya.

Nabigla ako sa sinabi or biro niya at Napatingin ako sa kanila lahat sila nagtatawanan, nakatingin sakin kinilabutan naman ako.

Naalala ko yung tawanan ng mga bullies date sa pinanggalingan kong school, Yung tawanan nila habang pinagtitripan nila ako, natatakot ako Shit! Mauulit ba yon? Hindi pwede! Ayoko na.
natataranta na akong napalingon lingon sa mga nagtatawanang kaklase ko.

Napahigpit yung kamao ko at pumikit ako habang naririnig ko pa rin ang mga halakhakan nila.
Mabilis na ang paghinga ko sa takot, aware ako na weird na yung pinapakita kong reaction ngayon.

"Uy Angelie? Ok ka lang ba? Wag mo na lang silang pansinin."

Naramdaman ko na lang na may humihimas sa likod ko na parang kinocomfort ako, Pero hindi ko napigilan at may kumawalang isang mahinang hikbi.

At tuluyan na kong niyakap ng lalaki na kumausap sakin kanina kasabay ng tuluyan kong pagiyak, wala na kong pakialam kung sino yung kayakap ko ngayun dahil kailangan ko to.

Ramdam ko ding lahat ay biglang natahimik.

"Hush now Angelie mga wala lang magawa yung mga yun, Wag ka ng umiyak sige ka baka mamaga yang mata mo"

Hindi ako umimik pero unti unti ng kumakalma yung sistema ko pero nakapikit pa rin ako at nakakaramdam pa rin ako ng kaba at sakit.

Pinunasan ko yung mga luha ko gamit yung handkerchief na pinahiram sakin ng lalaki.

yumuko ako sa desk at tahimik lang pinapakalma ko sarili ko.
naramdaman kong iniwan na ko nung lalaki nung tumahan na ako next time na lang ako magpapasalamat.

Hindi kasi talaga ako makapagsalita ngayun eh.
narinig kong dumating na yung teacher namin at kalmado na rin ako kaya bumangon ako mula sa pakakayuko, pero nanatiling tahimik.

Napalingon ako sa gilid ko nakita ko si Ace na nakatingin lang sakin at parang kinikilatis niya bawat galaw ko at nagulat pa siya sa pag harap ko sakanya..

"U..uy Angelie bakit ka naman umiyak ng ganun kanina? ang babaw mo naman hindi ka ba marunong sumakay sa mga jokes? Ha..ha..ha"

Bulong ni Ace sakin. sinabi niya yun ng parang kinakabahan pa
Pero hindi ko na lang muna siya pinansin at nagsulat na lang ako.

Buong period hindi ko siya pinansin at iniwasan ko ding magkabangga yung landas namin sa labas ng school.

Bakit siya pa yung nagustuhan ko? Oo sa tingin ko naman talaga gusto ko na siya indenial lang ako, hindi ko din alam kung paanu ako nagkagusto saknya pero kasi yung mga sinabi nila Daisy sakin tugmang tugma sa nararamdaman ko.

Nasa rooftop ako ngayun at magisa.

Tawagan ko na lang si Aya  hinanap ko sa bulsa ko yung cp ko pero yung white na handkerchief yung nakapa ko.

Tinignan ko 'to at yung nakaburda na initials dito. JK yung nakalagay, mukhang mamahalin pa ang handkerchief na 'to ah kailangan ko maibalik 'to sa may ari aat nang makapagpasalamat na rin nawala kasi sa isip ko na hanapin 'yon sa sobrang pagiwas ko kay Ace buong maghapon eh nakalimutan ko tuloy.

Asan na kaya yun? Hmmm hindi ko man lang din kasi nakita yung mukha niya eh paano ko naman siya hahanapin nito?

"JK" utas ko

Haaaaaay! Talaga naman oh! badtrip na araw to, nakakainis!

Ang mean mo Ace Keith!

My Crazy RockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon