Chappie 34 - The Accident

368 17 4
                                    

Sorry sa late Update guys! Inenjoy ko kasi yung last sportsfest ko sa school eh kaya naging busy.

nandyan pa ba kayo? Hahaha ^_^

Enjoy reading..

"Jeron bakit? Anong nangyari?" Kinakabahan na tanong ko, pati ang boses ko nanginginig na.

"Car Accident..."

Yan ang tanging nasabi ni Jeron, pagkasabi niya nito ay nagpanic na ako napatakbo ako sa loob ng bahay at kinuha ang Phone ko at nagpaalam kila mommy, nagmadali kami ni Jeron sa pagsakay ng kotse.

"Sino ba ang naaksidente? Anong nangyari?" Tanong ko habang nagmamaneho siya.

"Si Jonas, nawalan daw siya ng break at hindi nacontrol kaya bumangga sa isang SUV, nasa ER daw siya ngayon." Seryoso niyang sinabi pero halatang halata ang pagaalala sa mukha niya.

"Oh God! Bilisan natin Jeron." halos mangiyak ngiyak na ako.

"Calm down Berry, everything will be alright, kaya ni Jonas yon im sure of that." Sambit niya sa akin at pati sa sarili niya.

Nang makarating na kami sa hospital nasa ER pa din si Jonas at nandito na ang buong banda pati ang parents ni Jonas, madami daw nawalang dugo sa kanya kaya naghanap kami ng blood donor niya, buti na lang at nagmatch sila ni Jeron.

Kinailangan niya maoperahan dahil halos lumabas daw ang buto nito sa braso dahil sa matinding pagkaipit kaya kinailangang putulin ang ilang bahagi at palitan 'to ng artificial bone o yung metal ceramic bone like.

Lahat kami ay kabado at nalulungkot sa sinapit ni Jonas alam kong masasaktan siya ng sobra 'pag nalaman niya na ang mga nangyari sa kanya.

because of his injury matagal pa siya bago makatugtog or worst baka hindi na niya ito magawa pa, dahil artificial bone na lang ang nasa arms niya hindi ito pwedeng mapwersa ng sobra at baka magkaron pa ng complications.

Bago lang ako sa Steele Notes pero sobrang attach na kami sa isa't isa para kaming tunay na magkakapatid, ang burden ng isa ay burden ng lahat kaya lahat kami ngayon ay sobrang nasasaktan para kay Jonas, I know this is his passion, I can't stand seeing him lost his dreams.

Maraming galos si Jonas pati sa mukha niya meron, hindi pa rin siya gumigising simula ng operahan siya kaninang madaling araw at ngayong umaga na mahimbing pa rin ang tulog niya.

We canceled our gigs for this whole week, and we knew that we might also cancel the gigs next week and the other weeks, we decided na hindi muna sabihin kay Jonas ang sinapit niya hihintayin muna namin siya makarecover agad, nandito rin ang mga friends ko na naging kaibigan na rin ng SN.

Tumawag din si Klaire sa skype kanina at nakita niya ang kalagayan ni Jonas ngayon, iyak siya ng iyak dun at gusto niyang umuwi dito pero hindi pwede.

Nang magising si Jonas puro liquid lang ang pwede niya kainin, kaya nanghihina pa rin siya, kaya hindi muna namin siya masyadong dinadaldal para makapagpahinga pa siya.

"Sorry guys, Dahil sa akin nacancel lahat ng gigs natin,babawe ako kapag ok na yung braso ko." aniya habang kumakain ng fruits na dala namin para sa kanya.

Madami kami ngayon sa room niya sa hospital umuwi sandali yung parents niya kaya kami ang bantay niya, kumpleto kami nila Dylan,Bryle,Jeron,Daisy,Aya,Honey,Lhen,Chester,Blake,Jigs andito rin si Ace but I have no time to entertain my "Flirty Thoughts" right now lalo na awkward pa ang lahat sa aming dalawa.

Nagkatinginan naman kami sa sinabi ni Jonas wala pa rin siyang alam hanggang ngayon.

"Uh.. right bro kaya dapat magpagaling ka na agad." ani Dylan

My Crazy RockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon