Chappie 20 - Spin The Bottle

384 21 3
                                    



"Guys! Pahinga muna tayo sa rooms natin! Nakakapagod eh" reklamo ni Honey

"Yeah but super enjoy! Haha first day pa lang natin dito ang dami na natin nagawa!" ani Daisy.

"Okay girls, punta muna kayo sa rooms niyo magkita na lang tayo mamaya around 8pm? For dinner" Blake.

Nagpahinga na ang mga magbabarkada, dahil sa activities na ginawa nila kanina ay lalo silang naging close sa isa't isa, now they are real one group of friends na, no boundaries or walls na between the two groups, magkakasundo na silang lahat, syempre maliban kay Angelie at Ace.

Nagpahinga na muna ang mga ito at agad nakatulog, habang si Ace ay nagmumuni muni sa resort mag isa.

"What the hell was that? Why am I so, uh.. Frustrated now?
I think I really am inlove again, dammit why now? Bakit ngayon ko lang ito naamin sa sarili ko?" Umiiling siya habang nakatingin sa kawalan malapit sa dagat.

Angelie you're freaking me out, it's your fault! Hindi ako papayag na ako lang ang inlove satin dalawa, I'll do everything, I will make you mine. No more passed memories let's focus on the future now. Determinadong isip niya.



Nang gabi na ay nagkita kita na sila at nagdinner na ang mga ito sa isang floating restaurant ng resort, siyempre ang mga girls ay nagchange outfit mga nakasummer dress na sila ngayon, madami pa rin ang humahanga sa kagandahan ng mga dalaga lalo na ni Angelie.

Pagkatapos nila kumain ay tumambay sila sa tabing dagat at gumawa ng bonfire nakapabilog sila ngayon at nagiinuman.

"Guys spin the bottle tayo!" Ani Chester.

"That's so corny" Honey.

"Edi wag kang sumali kung ayaw mo" ani Chest

"Whatever!"sagot naman nito.

"Oh ano game? Ganito first round truth muna lahat after niyan dare na, bawal KJ ah!"

"Cut the crap! Let's start!" Ani Daisy na medyo may tama na.

Umikot ang bote at tumutok kay Honey, si Chester ang magtatanong ngayon sakanya.

"Ayan ikaw pa tuloy nauna, haha truth diba? Uhm.. Ilan na naging boyfriend mo? Nagkaroon ka ba? Seryoso?" Tanong niya ng may pangaasar, nagtawanan naman ang mga ito.

"Malamang anong akala mo sakin ha Chester? Naka 3 boyfies na ako no! Iba pa yung mga naging boyfriend ko sa text lang hahaha" Sagot ni Honey

Pinaikot nila ito ulit at kay Daisy naman tumutok, si Honey ang magtatanong.

"Ikaw girl? Taken ka ba ngayon? inlove or something? Hindi ka kasi nagkukwento!" Aniya sabay irap dito.

"No! Hindi ako inlove ngayon, bitter pwede pa haha enjoy kaya ang single life, boys? Tsss watever!" sagot ni Daisy

"Oi, oi grabe ka naman jan" ani Chest.

"Actually tama ka jan girl!" Sabi naman ni Aya at bahagyang nagtalo pa ang mga boys at girls.

Sumunod na tumutok naman ay kay Jigger, at si Daisy ang magtatanong.

"Hmm, Jigs! Virgin ka pa ba?.. Sorry curious lang hehe" sabay peace sign dito.

"Pfffft HAHAHAHA" tawa ng magbabarkada dahil sa tanong, namula naman si Jigger at napayuko.

"Ahh.. Bakit ganyan ang tanong mo? Kababae mong tao" aniya ng naghihiya

"Tsss eh ano? Sumagot ka na lang! Modern na ngayon hindi na uso maria clara hahaha" Daisy

"No." Matipid na sagot ni Jigs.

My Crazy RockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon