Sixteen

2.1K 50 4
                                    

Sandy's POV

Flowers?

Check.

Chocolate?

Check.

Porma?

Check na check!

Today is my first day of courting Pelaez. I'm so determined to take his yes. Gagawin ko na rin ang first step nya. I'll ask him to be my precious friend then I'm gonna fall in love with him. Wiiii! I'm so excited to defeat Pusa! Gusto kong makita si Aldwin na umiiyak habang nakikipag break si Pusa sa kanya dahil lang natalo sa pustahan! Mwahahahahahahaha. I feel so evil!

"Tapos ka nang mag day dream?" Tsk. Panira naman ng moment ang mani na 'to! Tumayo ako ng maayos sa harap nya at nag cross arms. Andito kami ngayon sa tambayan namin, sa ilalim ng puno ng mangga dito sa Science garden. Nakaupo sya sa study table na kahoy.

"Pwede ba Pea Nut butter, wag kang epal! Ang ganda na nang mga naiisip ko e!" Sita ko pero hindi nya ako pinansin. Nanghalumbaba sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Saan ang burol?" Mapait nyang tanong. Tss. Makaburol! Sya ibuburol ko e! Ngayon lang ba sya nakakita ng babaeng nakaputing bestida?! Tss. Ganito na kaya uso ngayon.

"Burol ka dyan! Manliligaw ako 'no!" Nag make face sya. Aba't! Nang aasar lang yata 'tong babae na'to e. Palibhasa inggit. Hindi wari ligawan din 'yung tinatawag nyang Babes para naman sumaya sya. Tss.

"Ano namang alam mo sa panliligaw?! Kay babae mong tao, ikaw ang manliligaw?! Abnormal ka talaga." Lumapit ako sa kanya at inakbayan sya.

"Alam mo Mani, wala akong alam sa panliligaw. First timer ako. Kaya kung pwede, wag ka na lang magulo ha? Wag mong sirain ang mood ko." Bulong ko sa kanya. Inismiran nya ako. Tss. Wait nga.

"Si Maki oh!" Sigaw ko out of the blue sabay turo sa isang direksyon. Tayo naman sya agad sa ibabaw ng upuang kahoy at sinundan ang nakaturo kong daliri. Bilis! Ninja moves lang ang peg!

"Nasaan?!" Sigaw nya. Hindi naman obvious na excited sya. Tss. Iba na talaga ang tama nito sa Maki na 'yun.

"Joke lang." Usal ko na may pilyang ngiti. Pinukulan naman nya ako ng masamang tingin. Tss.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Wag ka kasing pahalatang uto-uto ka pagdating sa tinatawag mong Babes!" Saad ko. Inirapan nya ako at tuluyan nang bumaba sa upuan. Kinuha na rin nya ang kanyang mga gamit.

"You're so mean talaga! Hmp! Bahala ka na nga dyan! Hahanapin ko na lang si Babes Maki ko!" Aniya at iniwan ako. Tss. Magpapaka-aso na naman sya sa Maki na 'yun. Alam na nga nyang P.A. lang ang tingin sa kanya ni Maki, go pa rin ang bruha! Tsk. Tsk. Magpapa-spaghetti ako kapag napansin nang isang sikat na lalaking tulad ni Maki ang isang unknown creature na tulad nya. I swear! With matching hotdog and marshmallows in stick pa! Para sosyal.

"Pormang porma ka ah."

"Ay bulateng nadulas!" Sigaw ko nang mapatalon dahil sa gulat.

"Kamote! Ayaw mo talagang manggulat e 'no?!" Saad ko. Tinawaan naman nya ako. T-Teka. B-Bakit ganito? Biglang naging s-slow motion ang paligid? Hala! Nasa ibang planeta na yata ako! Anong nangyayari?! May magic ang tawa nya?! Gosh. Alien yata itong kausap ko!

"Ang cute kaya ng mukha mo kapag nagugulat." Aniya at ginulo ang buhok ko. Tss. Hindi sya alien. Bwisit sya! Bwisit! Tinabig ko ang kamay nya.

"Ano ba?! Ang hirap kayang ayusin ng hairdo ko! Pinadilaan ko ba 'to sa kalabaw para lang mai-straight, tapos guguluhin mo lang?! Bad mushroom!" Usal ko habang nakairap. Ilang oras ang ginugol ko para lang maayos itong buhok ko tapos guguluhin nya lang?! Saklap ha.

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon