Sandy's POV
Mag re-research?
Hindi.
Mag re-research?
Hindi.
Mag re-res--
"Promise. Kusang gagalaw 'yang mouse at keyboard kapag tinitigan mo lang." Tss. Epal naman nitong babae na'to! Nagko-concentrate pa nga ako kung mag re-research ba ako o hindi e!
"Aish! Pwede ba Aira wag kang manggulo! Lumabas ka na nga! Wag mong tingnan ang gagawin ko!" Sigaw ko. Tss. Di ba nya alam na hindi ako makapag concentrate?!
"Oo na! Lalabas na nga! Tss. Alas onse na ng gabi, gising ka pa! Matulog ka na nga!"
"Wow! Nagsalita ang tulog na!"
"Che! Wag kang maingay! Matutulog na ako! Tss." Sa wakas! Lumabas na rin ang bruha! Tss. Tagal rin nyang tumambay dito sa kwarto ko para lang tingnan kung anong ginagawa ko. Wew! Daig pa nya watcher!
Okay. Dahil wala na si Aira, gora! Magse-search na ako about sa... Aish! Ayoko! Bakit kasi kailangan ko pang i-search 'yun!?!
"Sandy, kalma. Ise-search mo 'yun dahil gusto mong patunayan na mali sila ng iniisip. Na hindi ka inlove kay De--Argh! Get lost on my mind!" Waaaaahhh... Nababaliw na ako! Gosh. Bakit ba kasi kung anu-ano ang mga sinabi nila sa akin!
"Buhangin, are you in love?" Nilingon ko si Pusa.
"Ha?"
"Sinisinok ka e. I mean, sinisinok ka kanina nung andito 'yung lalaking kasama mo sa community service."
"Porke't sinisinok, in love agad? Huwaw ah. So pag sininok ang bata, in love na sya. Ganun ba?" Sinamaan nya ako ng tingin.
"Seryoso ako Buhangin."
"At ako hindi?"
"Kelan ka ba nagseryoso?" Singit ni Pea.
"Anong nangyayari at dito pa kayo sa pinto nagtatalo-talo?" Tanong ng bagong dating na si Hazel. Umismid ako at nagkibit balikat.
"Nah." Sagot ko. Papasok na ako ng magsalita na NAMAN si Pusa! Aish! Bwisit. Hindi na ako nakapasok! Dami kasing alam. Tss.
"Years ago sinabi mo sa akin na kapag na-inlove ka malalaman ko agad 'yun dahil unconciously, ibibigay ng katawan mo ang mga signs na inlove ka. Sinok. Alam mo bang sign 'yan ng pagiging inlove?" Huminga ako ng malalim at tiningnan sya.
"Ewan ko sa'yo. Tss."
Waaaaaaaaaaahh... Pahamak na sinok! Tapos..
"Sandy, may naghahanap sa'yo!" Sigaw ng classmate ko. Absent ang teacher namin kaya libreng libre ang sumigaw at mag ingay.
"Sino?!"
"Dennis daw." Shet! Oh no! Dennis. Waaahh.. Hinahanap ako ni Dennis?! Waaahhh.. Kalma Sandy. Hinahanap ka lang nya. Hindi ka pa nya nakikita. Pwede ka pang magtago!
"A-Ah.. Ano... Pakisabi... A-Ano.. Ahmm.. Wala ako!" Sigaw ko sabay dukdok sa mesa. Ayoko. Ayoko syang makita! Waaahh.. Hindi ko pa nga sya nakikita ang lakas na ng tibok ng puso ko e. Paano pa pag nakita ko sya! Aish. Malalang allergy na 'to!
BINABASA MO ANG
She's Abnormal ♥
Teen FictionSandy Mae Mendez, a bubbly, happy-go-lucky, abnormal thinker girl. She always get in troubles. One day, isang araw. She and her bestfriend made a deal: she needs to find a boyfriend within three months or else, she must say 'yes' to her annoying sui...