Thirty One

1.1K 42 3
                                    

Sandy's POV

He's one of his friends?

"Kung wala kang boyfriend. Wala akong girlfriend."

B-Bakit bigla akong kinabahan nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Dennis?! Tapos, 'yung sinabi rin ni Vincent na friend nya 'yung real admirer ko. Waaaahh.. Hindi kaya... Si D-Dennis ang real admirer ko? Pag sya nga ang real admirer ko. Waaahh.. Heaven! Ibig sabihin gusto nya rin ko! Waaaahh.. Kinikilig ako! Kainis!

"Tapos na mag day dream?" Sinamaan ko ng tingin si Pusa.  Tss. Daydream? Hindi kaya. I'm thinking of the possibility, 'no!

"Ganyan ba ang nagagawa ng love sa'yo?" Tanong naman ni Pea. Tss.

"Tigilan nyo nga ako. Nadala lang ako ng galit kaya ko 'yun nasabi. Di ako inlove!" Pagpapalusot ko pero mukhang waepek. Siningkitan lang nila ako ng mga mata. Tss. Kainis ah.

"Talaga? Edi ba nga there are two ways of saying your true feelings. First is when you're drunk. And second is when you're mad. So in your case, dun ka sa second." Ani Hazel. Tsk. Madalas talaga nakakainis ang katalinuhan ng isang 'to e. Bwisit. Bakit ba kasi nasabi ko pa ang mga bagay na 'yun e!

"Mga letse! Tigilan nyo nga ako!" Sigaw ko. Hindi ko na sila pinansin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng Mathematics book. Wew! Ngayon ko lang na-realize. Ang hirap palang basahin ng mga Mathematics problems?

"Hi, girls!" Napadiretso ako ng upo ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Syete! Heto na naman 'yung unidentified feeling ko! Waaah! 'Y-Yung tiyan ko. B-Bakit umiikot? T-Tapos... Ang l-lakas ng tibok ng puso ko. Kamote!

"Wow. Maka-hi ka ah. Close tayo?" Pagtataray ni Hazel. Tss. Umandar na naman sya. Kainis. Bakit ako naiinis?!

"Ah. Sabi ko nga, hindi e. Hehe. Sabi kasi nitong si Vincent lapitan namin kayo since girlfriend nya naman ang kaibigan nyo." Napatingin ako sa kanya. Kasama pala nya si Vincent at Yuan. Tiningnan ko si Vincent, nginitian nya ako kaya nginitian ko rin sya. Break na kami dahil sa mga nalaman ko at nalaman nya. Pero bakit sinabi niyang may girlfriend pa sya sa grupo namin? At bakit... Bakit... Bigla akong nasaktan dahil sa mga sinabi ni Dennis? Akala ko pa naman lumapit sya dahil nandito ako. "Gising, Sandy! Wag kang assuming!"

Aish. Bwisit na konsensya! Nakikiepal pa!

"By the way, I'm Dennis Renn Villanueva. This is Yuan Dave Li and John Vincent Pelaez. Siguro naman kilala nyo na si Vincent, since sya ang ating SC President." Aniya. Binawi ko na ang tingin ko kay Vincent. Ayaw ko na silang tingnan. Ayaw ko syang tingnan. Baka kung ano pa ang masabi ko. Or worst, wala akong masabi. Haaays. Kainis!

"I'm Catherine Sebastian." Ani Pusa. Tss. Bakit ba nila kinakausap ang lalaking 'yon! Kainis!

"Ah. Ikaw 'yung fiancee nitong si Yuan!" Napatingin ako kay Pusa. So, totoo nga 'yung arrange marriage nila? Lumapit naman si Yuan kay Pusa at inakbayan ito.

"Yes. She's my fiancee, so back off." Tss. Ang yabang pala talaga ng Yuan na 'to. Ayoko kay Aldwin para kay Pusa dahil mukhang babaero. Pero mukhang mas worst ang Yuan na 'to.

"Don't worry Pare, alam mo namang may gusto na akong babae, di ba?" Sagot ni Dennis sabay tingin sa akin. T-Teka. B-Bakit nya ako tinitingnan?! Waaaah... Doble. Triple. Nth times na ang kabog ng dibdib ko! Ibinalik ko na ang tingin ko sa Mathematics book. Bakit biglang uminit ang pakiramdam ko? Well ventilated naman itong canteen namin ah. Bakit para akong sinisilaban sa loob? Waaah..

"Namumula ka." Bulong sa akin ni Pea. Tiningnan ko sya ng masama. Bumingisngis lang sya tas tumingin na kay Vincent at inilahad ang kamay nya.

"I'm Leika Pea Nut. Surname ko ang Nut ha. You can call me Pea. Hope we can be friends." Formal na pakilala ni Pea sa kanya. Tss. Bwisit na babae. May pakamay-kamay pang nalalaman! Tsk.

"Hahahaha. Ang formal mo naman Pea! Parang hindi tayo nagkakasama sa basketball games at practices namin nila Maki ah." Ani Dennis pero inabot pa rin ang kamay ni Pea. Tsk. Ang landi naman ng lalaking 'to!

"Hahaha. Ang formal mo rin kasi e!" Sagot naman nitong si Pea. Wow! Edi sila na ang close na dalawa! Inilihis ko na ang tingin ko at hinarap na lang si Hazel na nakatingin kay Dennis.

"You already knew who am I, right?" Tanong ni Hazel kay Dennis. Wait. Magkakilala sila? Kelan pa? Tapos kung tarayan nya kanina si Dennis, wagas. Tss. Kakaiba talagang babae 'to. Hay naku! Magbabasa na nga lang ako ng Math problems kesa makinig sa mga walang kwenta nilang usapan! Binalik ko na ang tingin ko sa libro at nag umpisa ng magbasa.  Wala pa ako sa first equation problem ng sumagot si Dennis, dahilan ng pagkirot ng dibdib ko.

"Oo naman. Kilalang kilala kita, Hazel Joy Nut. Ikaw ang kambal nitong si Pea, di ba? At ikaw rin ang kauna-unahang babae na nagpaiyak sa akin." Anong ibig niyang sabihin?

Dear Fate...

Bakit ba may complicated love?

****

A/N: Hello guys! :)) Kamusta?! Hahaha. Okay. On-hold pa rin po ito. Nag update lang ako dahil sayang ang load ng broadband. Hohoho. Tsaka miss ko na si Buhangin e. Kaya ayan. Hehehe. Nawa'y inyong nagustuhan. ^^ Lovelots! :** :))

She's Abnormal ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon